Kabanata 11: Bautismo ng Kadiliman (1)

259 38 0
                                    


Virtus, Arcania

Maayos ang naging takbo ng araw ni Lory sa loob ng kaharian. Isinasama siya ni Prinsipe Judiel sa pagsasanay ng mga Virtuso (Kawal na bampira sa Virtus) upang siya ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa takdang panahon.

Kasalukuyang nakahiga si Lory at kani-kanina lang ay hinatid siya ng prinsipe papuntang silid. Bawat araw na dumaraan ay wala siyang humpay na sinasamahan nito o sa madaling salita, walang sawang dumikit saan man pumunta.

Tumunog ang kampana hudyat na kailangan na niyang magpahinga. Ipinikit ni Lory ang mga mata at kaagad na nakatulog dala ng pagod.

"Lory..."

"S-sino ka?"

"Lory..."

"Magpakita ka. Hindi ako natatakot."

Lumakas ang haplos ng hangin sa aking katawan at biglang lumitaw ang isang mama mula sa kalangitan.

"Hindi na sapat ang panahon mo upang alamin ang iyong kaanyuan, Lory. Kung hindi mo pa nailalabas ang tunay na anyo ay may posibilidad na magtatapos na ang lahat. Patuloy na mamumuno ang Haring Argus hanggang sa lipunin niya ang buong bampira upang magsilbi sa kaniya. Kailangan mo nang kumilos Lory, ngayon na!"

"P-paumanhin ngunit hindi ko makuha ang mga sinasabi mo."

"Batid kong alam mo na na ikaw ang sugo ng buhay. Responsibilidad mong protektahan ang dalawang portal ng mundo— ang mundo ng mga tao at mundo ng mga imortal. Ikaw ang inaasahan upang matalo ang kadiliman."

"K-kung ganoon, anong gagawin ko?"

"Sa tingin mo ba ay handa kang tanggapin ang magiging kapalaran mo sa oras na tinanggap mo ang iyong matutuklasang kapangyarihan?"

"Kung muli akong nabuhay para gawin ito, bakit hindi? Isa pa, gagawin ko ito para sa pamilya ko, kaibigan at higit sa lahat...kay George."

"Kung gayon. Pumunta ka ngayon sa batis ng mga bathaluman sa La Santuaria. Hihintayin kita doon."

Nawala sa hamog ang mama at bumalik sa dilim ang lahat.

Napabalikwas ng upo si Lory sa higaan habang hawak-hawak ang dibdib. Nahiwagaan siya sa mga pangyayari dahil sa panaginip na kaniyang lubos na hindi maintindihan.

"La Santuaria?"

Hindi alam ni Lory kung bakit kusang gumagalaw ang kaniyang katawan palabas ng kaharian. Ramdam niya ang pag-udyok ng kaniyang isipan na pumunta sa isang lugar.

Pumikit siya at naghanda sa mga susunod na matutuklasan patungkol sa kaniyang kaanyuan.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now