Kabanata 29: Ang pagligtas (1)

148 21 0
                                    

Kabanata 29: Ang pagligtas (1)

Chateau, Arcania

Sa tulong ni Gabriel, mabilis nilang napasok ang ninakaw na kaharian ng kaniyang ama. Dumaan sila sa tagong portal na si Gabriel lamang ang nakakaalam.

"May mga bampirang nakabantay sa harapan. Pumunta kayo sa likod nang mabilis habang nililito ko sila. Pagpunta niyo roon, kumanan kayo at buksan ang ikatlong pinto. Sa pagkakaalam ko ay doon nilalagay ng aking ama ang mga bihag. Bilsan niyo na at wala na tayong oras!" Paliwanag ni Gabriel sa tatlo. Nagpasalamat si Lory sa tulong na ibinigay nito at sumunod na rin kina George 'di kalaunan.

Naiwan si George at sumabak na rin sa labanan. Madali nitong naubos ang sampung bampira na nagbabantay. Susunod na sana siya nang mahiwagaan niya ang bulto ng ama.

"Buhay ka pa pala, taksil kong anak," may galit at inis na pagkakasaad ng hari sa anak. Tiningnan lamang nang masama ni Gabriel si Haring Argus at hindi na napigilan na mag-anyong lobo.

_

Madaling natunton nina Lory ang sinabing direksyon ni Gabriel sa kanila. Si Prinsipe Judiel ang nagpresintang magbukas ng pinto ngunit kadiliman ang bumungad sa kanila. Ginamit ni Lory ang kapangyarihan para magbigay ng liwanag.

Pumasok sila sa nasabing silid at laking panghihinayang na puro kalansay lang ang nandirito.

"Hindi kaya nililinlang lang tayo ni Gabriel? Wala dito ang mga magulang mo, Lory. Anak siya ng hari kaya hindi imposible na ginamit siya para magmanman sa atin at ihulog sa bitag."

"Huwag kang mag-isip nang masama, Judiel. Baka nakakalimutan mo na isa siya sa tumulong para pigilan ang paglusob ng mga ipinadalang bampira ng kaniyang ama?" Banat ni George na nakikipagtagisan ng tingin sa prinsipe.

"Pwede ba? Hindi ito ang oras para magbangayan at magsisihan. Naniniwala ako na hindi gagawa sa atin nang masama si Gabriel. Kahit maikli lamang na panahon ang pinagsamahan namin, alam ko na tutol siya sa maling pamamalakad ng kaniyang ama. Ang mas mahalaga ay mahanap muna natin sina nanay at ilayo sila rito." Pag-awat ni Lory sa dalawa. Walang nagawa ang mga ito kaya sumunod sa sinabi ng sinugo. Lumabas sila sa silid subalit marami nang mga bampira ang nagkalat.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now