Kabanata 33: Madugong sagupaan (1)

144 22 0
                                    

Kabanata 33: Madugong sagupaan (1)

Virtus, Arcania

Pinakiramdaman ng pamilya Brukes ang paligid nang makarinig sila ng mga ungol ng lobo at mabibilis na yabag. Nagsihanda sila sa mabilisang pag-atake subalit nasurpresa sila nang lumabas sa magubat na daan ang buong angkan ni Uriel, ang lobong tumulong sa kanila para magapi ang grupo ni Lilia. Kasunod ng mga lobong nagsisidatingan ay ang pamilya Escova na katuwang din nila sa labanan.

"Hindi kami makapapayag na kayo lang ang lalaban sa labanang hindi namin dapat palagpasin." Unang bati ni Uriel na nagbalat kayo bilang tao.

"Ang buong Escova ay kaisa sa pagsasaayos ng Arcania. Alam kong magbubunga ang pagtiwalag ng ating pamilya sa pamumuno ni Haring Argus."

"Maraming salamat sapagkat hindi kayo nakalimot na tumulong. Isa pa, patay na si Haring Argus. Ang mga Mercules na lamang ang ating kakalabanin. Alam kong mahaba ang inyong nilakbay pero sa tingin ko ay dapat na tayong pumunta ng Chateau. Sa mga oras na ito ay sina George, ang prinsipe ng kaharian na ito at ang sinugo lamang ang naroroon. Kailangan nila tayo." Saad ni Blesse na nagpatango sa lahat.

Pinakiusapan nila si Hudlum na bantayan ang kaharian habang sila ay nasa digmaan. Malugod nitong tinanggap ang responsibilidad at kaagad ding ipinaalam sa bathaluman.

Ngayon, alam na nila na ito na ang pinakamadugong labanan.

👹👹👹

Chateau, Arcania

Mabilis na hinablot ni Lory sina Prinsipe Judiel at George at inilipad ito patungo sa tuktok ng kaharian.

"Ayaw ko mang sabihin pero kailangan natin ng tulong. Hindi natin kakayanin ang ganitong karaming bampira. Pumunta kayo ng Virtus at magsama ng maaaring lumaban pa. Ako muna ang bahala rito." Bigkas ni Lory habang tinitingnan ang mga bampirang hayok na hayok na nasa ibaba.

"Mukhang hindi na natin kakailanganin pa. Paparating na ang tulong." Hingal na banggit ni Prinsipe Judiel.

Inanigan ng tatlo ang isang pwersa na papalapit sa kaharian. Umululong ang mga lobo kasama ang ilang bampira.

"Sheda brus ko va eyi!" (Patayin niyo na sila!) Galit na turan ni Henah na lalabas na ang litid sa sobrang pagsigaw nito.

Nagsilundagan ang mga lobo at nilapa nito ang mga pinuntirya. Kasing bilis ng hangin ang warakan ng mga bampira at walang kapaguran sa kagatan. Ang pamilya Brukes ay nakatuan sa mga miyembro ng Mercules habang ang Escova ay kay Creus.

Ang sinugo ay abala sa paggamit ng sanctus upang malayang makapatay sina George at Judiel. Nang magsawa, nagpalit anyo siya bilang isang puting lobo sabay lundag sa mga kalaban.

Ang lahat ay namumukadkad sa pakikipaglaban. Mas tumindi ang sugapaan nang mas lumapit sa kalangitan ang pulang buwan na nagpapahiwatig ng malawakang patayan.

Naggawi si Lory sa nakaposas na mga magulang at mabilis na nagpalit anyo para sirain ito. Tinulungan siya ni George at Blesse na alalayan ito nang sumulpot sa kanilang harapan ang galit na galit na si Henah.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now