Kabanata 34: Madugong sagupaan (2)

145 27 0
                                    

Kabanata 34: Madugong sagupaan (2)

Chateau, Arcania

Parehas tumalsik sina George at Blesse dahilan upang mabitawan ang walang malay na mga magulang ni Lory. Mabilis na sinakal ni Henah ang sinugo at pilit na iniikot ang ulo. Kumuha naman ng pwersa si Lory at nagbalat kayo bilang lobo. Siya naman ang umatake rito ngunit kaagad itong nawala sa paningin.

"Ilayo niyo muna sina mama sa lugar na ito, Tito Blesse. Ako nang bahala kay Henah." Saad ni Lory habang nagmamanman sa paligid. Tumango ito sabay kuha sa mga magulang nito at kaagad umalis sa lugar. Si George ay tumulong sa ibang lobo para patayin ang mga bampira. Alam niyang kaya ng sinugo na patayin ang supremo ng Mercules kaya hindi na siya dapat mag-alala pa.

Napalingat naman ang sinugo kay Gabriel na nakaposas pa rin sa kaniyang kulungan. Nag-anyong liwanag si Lory at naglabas ng asul na apoy para pasabugin ito.

Malayang nakalabas si Gabriel at tiningnan si Lory sa mga mata. Tumango ito bago tumakbo sa mga kalaban.

Pagkatapos nito ay hinanap ng sinugo kung nasaan si Henah at nakita nitong ginagamitan ng telekanismo ang isa sa mga lobo. Mabilis itong nag-anyong bampira sabay lakdaw sa katawan nito. Parehas silang gumulong sa lupa na kaagad ding nakatayo.

"Dos por que por tasyo lil to rah!" (Salot kayong mga sinugo!)

"Paumanhin pero wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo." Mahinahong banggit ni Lory sabay lusob kay Henah.

Nagtagisan sila sa pabilisan ng paghablot ng kamay. Tila parehas silang mga metal na gabakal ang mga kamay na pilit inaabot ang parteng leeg para kagatin o warakin.

Nawala sa pokus si Lory dahil ginamitan siya nito ng telekanismo. Hindi niya maunawaan ang sakit na nadarama sa parteng ulo na nagpahilo sa kaniya. Tumalon si Henah sa kaniyang leegan at pinwersang iniikot ang ulo. Hindi nagpapatalo si Lory pero nahihirapan na siya sa kaniyang kalagayan.

Napahinga siya nang malalim nang sunggaban ni Gabriel si Henah kaya't nakaalis siya sa mahikang ginamit nito. Hinawakan ni Lory ang leeg sabay paputok dito.

Ginamit niya ang sanctus kay Gabriel para hindi ito tamaan ng telekanismo ni Henah. Kagat-kagat na ng naturang lobo ang kaliwang braso ni Henah nang magtaka si Lory kung bakit hindi na ito gumagalaw.

Lumaki ang kaniyang mata nang makita ang  nakabaong kamay sa parteng dibdib ni Gabriel. Umungol ito na kaagad bumagsak sa lupa. Paharap itong napasalampak kaya malayang nakikita ni Lory ang lumuluhang mata ng lobo.

"HINDI!"

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now