Kabanata 7: Ang Pag-alala

408 46 0
                                    


Bagong Lilim, Mabuhay Street

"Bernardo, kumustahin na kaya natin si Lory? Magta-tatlong buwan na 'nung umalis sila para magbakasyon."

"Hindi ba't katatawag lang natin noong linggo kina Blesse? Ang sabi nila, matatagalan sila nang kaunti dahil nahumaling iyang anak mo sa mga beach-beach na 'yan. Huwag ka na ngang mag-alala diyan. Asikasuhin mo na lang ang paghahain gawang bibisita dito yung mga kaibigan ni Lory." Sabi ng kaniyang asawa na si Bernardo habang nagkukumpuni ng sirang makina.

"Hay, ano pa nga ba? Masisisi ko ba iyang anak mo na sumama nang matagal kay George? Sa guwapo ba naman ng batang iyon, miski ako hindi magsasawa sa mukha niya."

"Hoy, tumigil ka nga diyan Monica. Ang tanda-tanda mo na, pagkerengkeng pa iyang nasa isip mo." Galit na turan ni Bernardo sabay pukpok ng martilyo.

"Aysus, nagseselos lang itong asawa ko."

"Tita!"

"Oh, Gidget, nandiyan na pala kayo. Halika't pumasok, pinaghain ko kayo ng tanghalian."

"Si Lory po?"

"Naku, nagpakasasa sa bakasyon kasama ang pamilya ni George. Nag-extend pa sila ng 1 month sa France."

"Grabe talaga 'tong si Mareng Lory, cinareer na ang pagiging nobyo ng Brukes."

Nagtawanan sila sa biro ni Joshua. Pinaupo na ni Monica ang mga kaibigan ni Lory at masayang pinagsandok ng pagkain.

Sa katunayan, miss na niya ang kaniyang anak. Iniwawaglit lang niya sa kaniyang isipan ang mga nararamdamang iyon sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Kada-buwan naman ay binibisita sila nina Gidget upang kumustahin ang kalagayan ng mag-asawa pati na rin ang kanilang kaibigan.

Ang tanging hiling niya ay nasa tamang kalagayan ang kaniyang anak.

👹👹👹

La Santuaria, Chateau, Arcania

Puno ng galit ang nadarama ni Gabriel sa kasakimang ugali ng kaniyang ama. Nais niya itong saktan ngunit hindi nito magawa. Ang kaniyang lakas ay balewala dahil kinikilalang hari ng Arcania ang taong lubos niyang kinasusuklaman.

Nag-anyong lobo siya at tumakbo nang napaka-tulin.

Lobo.

Oo, si Gabriel ay isang lobo. Anak ng Haring Argus na isang bampira.

Marami ang nahihiwagaan kung bakit nagkaroon ng anak ang bampira ng isang anyong lobo.

Noong ika-isanlibo't walongpu't pitong anim na siglo, nahahati ang lugar ng mga bampira at mga lobo. Ang dalawang panig ay magkaaway ang turingan sa isa't isa kung kaya walang pagkakasundo ang nagaganap.

Dalawang araw bago maganap ang labanan, isang babaeng lobo ang hingal na tumatakbo kasunod ang dalawang bampira sa kakahuyan. Makikitaan sa babaeng lobo na ito'y nahihirapan dahil sugatan ang kaniyang binti.

Nawalan na ng pag-asa ang lobo nang tuluyan siyang maabutan. Akala niya'y katapusan na niya ngunit isang pangyayari ang nagpabago sa gabing iyon.

Lumitaw ang isang lalaki sa dilim at kinalaban ang dalawang bampira.

Tinulungan ng lalaki ang babaeng lobo na tumayo upang umalis sa madilim na kagubatan. Doon nagsimulang umusbong ang kanilang pagmamahalan na nagbunga ng isang supling.

Lingid sa kaalaman ng babaeng lobo, ang lalaking nakapunla sa kaniya ay isang bampira. Sa una ay natakot siya ngunit ipinangako ng lalaki na hindi niya ito iiwan at iibigin nang tapat.

Dahil ipinagbabawal ang pakikipagsalamuha ng lobo sa isang bampira, nagdesisyon ang dalawa na magpakalayo-layo upang hindi abutan ng madugong labanan.

Lumipas ang ilang taon ay napalaki nila nang maayos ang kanilang anak. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang babaeng lobo at kalaunan ay namatay. Doon nagbago ang lalaki at ibinunton ang galit sa kaniyang anak.

Hanggang sa paglaki, dala-dala ni Gabriel ang mga ala-alang iyon. Nagsisising walang nagawa sa mga panahong nangangailangan ng tulong ang kaniyang ina.

Nawala ang malagim na ala-alang iyon simula nang makita niya si Lory sa kaharian ng Virtus. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso na ngayon lang niya naramdaman sa halos labing walong taon. Kaya todo ang galit niya sa kaniyang ama nang pagbantaan siya na sasaktan ang taong nakakuha ng kaniyang atensyon.

Ang alam lang niya, gagawin nito ang lahat maprotektahan lang ang bagong sinugo kahit pa kalabanin ang sarili niyang ama.

👹👹👹

Sanaol tatlo yung may gusto sayo! Ikaw na Lory, ikaw na!!

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now