Epilogo

339 24 0
                                    

Epilogo

"Ma, gusto ko ng saging na itim." Sabi ni Lory habang nasa kalagitnaan ng biyahe. Tumawa ang mga miyembro ng pamilya Brukes pati na rin ang kaibigan ni Lory.

"Seriously? Out of the blue talaga, Lory? Kahit maghalughog tayo saan mang lupalop ng mundo, wala kang makikitang itim na saging." Natatawang sabi ni Gidget na nasa likuran lamang nito.

"Tama ang kaibigan mo. Atsaka, tumigil ka nga diyan, nakakahiya sa mga manugang mo!" Sagot ng kaniyang ina sabay kurot nito sa tagiliran ni Lory.

"Eh ma, 'yun ang gusto ko. Mapipigilan mo ba 'ko?" Asik pa nito habang niyuyugyog ang sarili.

"Grabe ka, Lory. Ikinasal ka lang kay pareng George, nag-iba na kaagad ang taste buds mo. Hanep!" Lokong banggit ni Joshua na sinamaan naman ni Lory ng tingin.

Napangisi naman si George kapag naririnig ang salitang 'kasal' kaya inakbayan niya ang kaniyang asawa.

"Kung gusto mo, saging ko na lang ang kainin mo..." Bulong nito kaya nakatanggap siya ng isang batok kay Lory.

"Ang bastos mo!" Galit na turan ni Lory ngunit namumula ang kaniyang pisnge. Tumawa naman nang malakas si George na hindi pangkaraniwan sa lahat. Ang tahimik at walang pakialam na George Brukes noon ay nakukuha nang humalakhak at pumula ang tainga. Senyales ito na sobra ang kaligayahan na ibinibigay ni Lory sa kaniya.

Muli silang nakatungtong sa Bagong Lilim, Mabuhay Street at walang mapaglagyan ang saya ng kalooban ni Lory nang makauwi.

"Na-miss kong mamuhay dito." Banggit ni Lory habang ninanamnam ang hangin na lumalasap sa kaniya katawan. Nasa veranda ng bahay ang mag-asawa habang ang bawat pamilya nito at mga kaibigan at abala sa paghahain at ang ilan ay nagku-kuwentuhan.

Niyakap ni George si Lory sa likod at sumang-ayon sa sinabi nito.

"At dito rin tayo mamumuhay kasama ng bago nating pamilya."

Muling naglapat ang kanilang mga labi ngunit naputol ito nang kumatok sa dingding si Gidget.

"Hoy mga lovebirds, pagkain muna ang papakin niyo hindi 'yung mga labi niyo! Kakain na sa baba sabi ni tita, hmm!" Sabi nito sabay irap sa kanila. Tumawa na lang silang dalawa at sumunod na sa kaibigan.

👹👹👹

"Oh Lory? Okay ba ang pagkain?" Tanong ni Penelope nang mabanaag na mabagal kung ngumuya ng pagkain si Lory.

"Opo tita---wait lang po!"

Napatigil sa pagkain ang lahat nang mabilis na umalis si Lory patungong banyo. Sinundan naman ito ni George at tinanong kung ayos lang ba ito.

Ilang minuto ang nakakaraan nang lumabas si Lory at nakitang may bahid pa ng suka ang kaniyang bibig.

"Dadalhin ka na namin sa ospital." Pag-aalala ni George.

"Hindi na kailangan. Ayos lang ako."

"Huwag ka nang umangal pa, Lory. 'Nung sa biyahe ka pa nagsusuka. Kailangan na nating ipatingin sa doktor kung ayos ka lang ba talaga."

Sa huli ay hindi na sumabat si Lory at kaagad silang pumuntang ospital. Dumaan siya sa mga tests at sinabi na ng doktor ang resulta.

"Ano po, dok? Ayos lang po ba ang anak ko?"

"Don't worry. Wala pong implications or any serious illness ang nararamdaman ng anak niyo. Ang pagsusuka po, mabilis na pagkahilo at pihikan sa pagkain, normal lang po ito sa mga nagdadalang tao."

"ANO!?" sabay-sabay nilang turan at hindi makapaniwala sa narinig. Napatawa na lang ang doktor sabay hawak sa balikat ni Lory.

"Opo. Tama po ang narinig niyo...nagdadalang tao po si Lory. Hindi lang po isa....triplets po sila."

Napaawang na lang ang bibig ng lahat at pilit nirerehistro sa utak ang mga nalaman. Ibayong tuwa ang naramdaman ni George at binulungan pa sa tainga ang nakahigang si Lory.

"Mukhang nagbunga ang ipinunla ko sa'yo kanina ah?"

WAKAS

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora