Kabanata 8: Ang lungkot at galit na namumutawi sa kalooban ni George

339 43 0
                                    

8- Ang lungkot at galit na namumutawi sa kalooban ni George

Virtus, Arcania

Kita sa mga mata ni George ang lungkot at galit nang makita niyang may kayakapan ang taong matagal na niyang hindi nakikita. May parte sa isipan niya na lumabas sa pinagtataguan at kunin si Lory upang ilayo sa naturang lalaki.

Naalarma siya nang tumakbo si Lory papalapit sa kaniyang kinatatayuan. Mabilis siyang lumisan at dumako sa ibang lugar.

"Lory, anong problema?" Rinig niyang sabi ng lalaki. Sa pagkakaalam niya, siya ang anak ng Bathalumang Amadeus na itinuturing na prinsipe ng Virtus. Ang ipinagtataka niya lamang ay bakit naging malapit ito kay Lory. Kailangan niyang malaman ang dahilan.

"W-wala. Namalik-mata lamang ako." Kita niya ang palinga-lingang si Lory na tila may hinahanap. Sa simpleng palaisipan na iyon ay napangiti nang mapait si George.

Sila ay bumalik na at sumakay ng kalesa. Walang alinlangan itong sinundan ni George upang makapag-imbestiga kung ano ang nangyayari.

👹👹👹

La Santuaria, Batis ng mga bathaluman

Mula sa likod ng mga ulap, naka-dungaw ang Bathalumang Amadeus sa mahiwagang Banlao (isang mahika kung saan nakikita ang mga nagaganap sa Arcania at kayang ipakita ang hinaharap).

Batid niya na ang Propesiya ay tuluyan nang naitakda. Simula nang magising si Lory ay naging hudyat upang magsimula ang panibagong kabanata at bagong pagsibol ng malaking sagupaan.

"Ojeav Sha Cris La Vei!" Bigkas nito at nagsi-ugungan ang buong kalangitan. Ang Banlao ay nagkulay dilaw at lumabas ang tatlong imahe ng hinaharap.

Dugo. Pulang buwan. Lobong bampira.

Nanlaki ang mata ng bathaluman sa huling imaheng nakita. Binuklat niya ang kaniyang libro at binasa ang patungkol sa pag-aanyo ng sinugo. Hanggang sa huling pahina, bigo siyang makita ang nais na makita.

Isa lang ang ibig sabihin nito...

Maliban sa pagtupad ng propesiya, ang bagong sinugo ay ang unang magpapabago sa katauhan ng mga imortal.

Lobong bampira. Iyon ang tumatak sa isip ng bathaluman at kaagad bumaba sa kalangitan upang bigkasin ang kaniyang bagong nalaan sa hinaharap.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓حيث تعيش القصص. اكتشف الآن