Kabanata 22: Munting surpresa

186 29 1
                                    

22- Munting surpresa

Pumasok na sa silid sina Lory at George. Inalalayan ng nobyo ang sinugo na umupo bago ito tabihan. Ngumiti nang matamis si Lory sa kabila ng pagkapagod nito sa pag-eensayo. Ramdam at kita iyon ni George kaya hinawakan niya ang dalawa nitong magkabilaang pisnge bago halikan sa noo.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni George habang pinadadaloy sa kamay ang malambot na buhok ni Lory.

"Hindi nga talaga biro ang maging sinugo. Ang daming bagay na kailangang tungkulin at gawin. Kanina lang ay natuklasan ng bathaluman na may katangi-tangi akong kapangyarihan. Sanctus daw ang tawag."

Hindi umimik si George na siyang ipinagtaka ni Lory.

"May problema ba?"

Napahinga si George nang malalim at ikinulong nito sa bisig si Lory.

"Masyado kang espesyal, Lory. Hindi nakapagtatakang ikaw ang pinili para maging sinugo dahil taglay mo ang elemento ng proteksyon."

"Alam mo ang tinutukoy ko?" Napatango naman ito bago muling magsalita.

"Napag-aralan namin ang iba't ibang kapangyarihan ng mga sinugo. Bukod sa kaya nitong magpalit ng anyo kagaya ng lobo, may iba pang abilidad o kakayahan ang maaaring manalaytay sa kaniyang katauhan. Tulad na lamang ng sa'yo, Lory. Ang Sanctus ang pinaka-banal sa lahat dahil kaya nitong sanggain ang anumang bagay na makakapanakit sa'yo. Telekenismo, kuryente, apoy, kidlat o ano pa man ay kaya mong maharang. Kaya Lory, ipangako mo sa'kin na lagi kang mag-iingat. Alam kong hindi sapat na lagi mo lang akong nasa tabi pero gagawin ko ang lahat para proteksyunan ka."

Napawi ang pagkapagod ni Lory sa narinig. Mabilis niyang hinablot ang ulo ni George at binigyan ng marubdob na halik. Napansin ni George ang pag-iiba ng kulay ng mata ni Lory ngunit mas tinuon niya ang pansin sa mainit na sitwasyon.

Hindi naputol ang kanilang pagniniig hanggang sa hubo't hubad na ang dalawa. Bawat haplos ay siya nilang dinadama at ramdam ang kasabikan sa isa't isa. Umabot ng isang oras ang kanilang tagpo at ngayo'y parehas na silang nakahiga sa kama. Ang ulo ni Lory ay nakadantay sa dibdib ng nobyo habang siya namang nakayakap sa katawan.

"May gusto akong ibigay sa'yo." Hingal na hingal na banggit ni George at may kinuha sa gilid ng kama. Itinaas niya ang kaniyang kamay at lumitaw ang isang pulseras na may nakaukit na 'G' at 'L'.

Kinuha niya ang kamay ni Lory at ito'y isinuot sa kamay.

"Kulang pa 'yan para ipakita ko sa'yo kung gaano kita kamahal. Gayong alam kong nakatakda kang ipakasal sa prinsipe, alam kong sa puso mo ay ako ang laman." Sinserong pagkakabanggit ni George.

"Isa lamang pusta ang pagpapakasal namin ng prinsipe. Nakipagkasundo siya sa kaniyang ama na ako'y pakakasalan upang hindi iwan ang Virtus. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko sa tamang panahon na ikaw ang gusto kong pakasalan at hindi siya."

Muling nagdampi ang kanilang mga labi at pinagsaluhan ang panandaliang pagsasama.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin