Kabanata 23: Alanganing buhay

168 28 0
                                    

23- Alanganing buhay

Bagong Lilim, Mabuhay Street

Isang normal para kina Bernardo at Monica ang araw na iyon. Sabay silang pumasok sa kanilang trabaho at sabay ding uuwi kinagabihan. Kada sabado ay binibisita sila nina Gidget sa kanilang bahay at nakikibalita sa kung anong kalagayan ni Lory sa Pransiya. Habang nagluluto si Monica ng pananghalian ay pumasok ang malakas na hanginn sa nakabukas na bintana na nagpapikit sa kaniya. Iniwan niya ang ginagayat na rekados upang isara iyon. Nagulat siya nang lumukso ang lalaking nakakapa sa harapan nito at binigyan ng misteryosing ngiti.

"Jusko maryosep, ginulat mo naman ako utoy. Teka, sino ka at anong ginagawa mo diyan sa likod ng tarangkahan namin?" Gulat nasabi ni Monica habang nakahawak sa dibdib.

"De por mama e' que por Lory."

"De por...ano? Ano ulit ang sabi mo utoy? Hindi ko  maintindihan ang sinasabi mo."

"Kayo raw ang ina ni Lory." boses ng babae na lumitaw sa likod ng lalaki.

"A-ah, ganon ba? Oo, ako nga ang ina ni Lory. Sino kayo at bakit alam niyo ang tungkol sa anak ko?"

Nagkatinginan ang dalawang kulto at sumilay ang ngiti sa mga labi.

''Kinagagalak namin kayong makilala. kami ang kaibigan ni Lory galing Pransiya. Ako si Henah, ikinagagalak ko kayong makilala."

👹👹👹

Virtus, Arcania

Lumipas ang mga araw ay puro pag-eensayo ang naganap kay Lory pati na rin sa mga kawal ng Virtus. Sina George, Prinsipe Judiel at Gabriel ay may kaniya-kaniyang gawain kaya makikitaan ng pagkaabala ang kaharian. Ito ay dahil naagpaabot ng mensahe ang bathaluman na nalalapit na ang napipintong digmaan sa pagitan ng kapwa bampira maging ang lobo.

Paunti-unti ay nahahasa ni Lory ang kaniyang kapangyarihan at nagiging madali na sa kaniya ang pagpapalit ng ibang anyo.

"Mahal na prinisipe! May isang grupo ng nilalang ang nasa tapat ng ating tarangkahan." pang-aagaw ng atensyon ng isang kawal.

Nagtipon-tipon ang ilang bilang ng mga kawal at inilabaas ang mga kalasag.

"Papasukin niyo sila. Ang mga nilalang na iyon ay aking pamilya. Walang dapat na ikabahala." Sigaw ni George mula sa itaas.

Hindi kalaunan ay binuksan na nga nila ang tarangkahan at sabay-sabay na pumasok angg pamilya Brukes. Niyakap nila si George at mapipinta sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at kagalakan.

"Tita Penelope?" Hindi makapaniwalang banggit ni Lory sa bultong nakikita sa harapan. Nang makasigurado, kaagad siyang tumakbo para yakapin ang napamahal nang mga bampira sa kaniyang buhay.

Ang pamilya brukes naman ay napalingon sa tumatakbong si Lory at sabay-sabay na napasigaw ng kaniyang pangalan. Mahihigpit na yakap ang natanggap nila sa isa't isa at naatutuwa dahil muli silang nagkita-kita.

"Mabuti naman at nasa ligtas kang kalagayan, Lory. Hindi mo alam ang dusa at hirap na pinagdaanan namin simula nang mawala ka sa tabi ni George. Pero ngayong magkakasama na tayo, wala nang aalis dahil pamilya na ang turing namin sa'yo." Maluha-luhang ngumiti si Lory at muling hinagkan ang mahigpit na yakap ng pamilya.

"Aaaahhh!"

Naagaw ang atensyon ng lahat nang sumigaw si Cassandra na tila may kakaibang sakit na nararamdaman. Naninirik ang kaniyang mga mata at ito'y napaupo ssa lupa. Hingal na hingal siyang tumayo nang aalalayan siya ng kaniyang ina at ama.

"Lory... ang mga magulang mo, nasa panganib sila."

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon