Kabanata 36: Babang luksa

158 19 0
                                    

Kabanata 36: Babang luksa

Virtus, Arcania

Bawat mamamayan ng Virtus ay may hawak na puting bulaklak para sa idadaos na malawakang babang luksa. Mahihimigan ang lungkot ng paligid dahil sa pagdadalumhati ng mga kaanak ng mga nasawi sa labanan. Isa na rito si Lory na mugto ang mga mata at walang tulog sa magdamag.

"Ayos ka lang ba, anak?" Bungad ng kaniyang ina nang umupo ito sa tabihan niya. Ngumiti lamang nang pilit si Lory sabay idinantay ang mukha sa balikat ng ina.

"Alam kong masakit mawalan ng kaibigan. Pero isa lang ang masisigurado ko...na maligaya na si Gabriel sa kabilang buhay at wala nang makakapanakit pa sa kaniya."

"Pero ma, hindi na natin siya makikita. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa lahat pa ng nilalang, siya pa ang namatay."

"Ganyan talaga ang buhay, anak. Kailangan nating magsakripisyo miski buhay ang itaya alang-alang sa hangarin na makamit ang kalayaan. Hindi mo man siya makita, tandaan mo na lagi ka niyang binabantayan sa itaas."

Gumaan ang loob ni Lory sa mga sinabi ng kaniyang ina. Niyakap niya ito nang mahigpit at pinunasan ang mga natuyong luha.

"Balang araw ay maghihilom din ang sugat, anak. Magtiwala ka lang." Pagpapagaan nang loob ni Monica.

"M-ma, tungkol nga pala sa mga nangyayari...alam ko pong hindi kayo maniniwala pero---"

"Alam ko na anak. Sinabi na sa akin ni Penelope ang lahat-lahat." Pagputol nito.

"A-ano pong naramdaman niyo?" Nahihiyang tanong ni Lory.

"Hmmm, wala naman. Sa una, hindi ko lubos isipin na may mga bampira pa pala sa henerasyong ito pero naliwanagan na kaagad ako nang maalala ko 'yung patayang nagaganap sa dati nating tinitirhan. Basta't itatak mo sa'yong isipan na bampira ka man o anumang nilalang, tanggap kita dahil anak kita. Iyon ang mahalaga."

May kumurot sa puso ni Lory na hindi niya maipaliwanag. Iba magbigay ng saya ang mga magulang kapag tanggap ka nila sa anumang aspeto o kasarian.

"Lory, Monica, magsisimula na ang babang luksa. Halina't humayo na kayo. Tayo na lang ang hinihintay doon." Singit ni Bernardo sa mag-ina.

Sabay-sabay silang naglakad papunta sa pagdadaluhan. Naka-akbay si Lory sa dalawang magulang at tinatawanan na lang ang mga naganap.

"Na-miss ko po kayo...sobra."

"Na-miss ka rin namin ng tatay Bernardo mo. Aysiya, bilisan na natin at baka naiinip na sila."

👹👹👹

"Nandito tayo ngayon sa La Santuaria upang magbigay pugay sa mga matatapang na taga-Virtus na nasawi sa labanang naganap kahapon. Ramdam ko ang paghihinagpis ng bawat isa para sa araw na ito pero ipanalangin natin na nasa mabuting kalagayan ang mga mahal natin sa buhay at payapang namamahinga. Kaisa ako sa pakikiramay at buong puso kong tatanawin ang utang na loob sa kabayanihang ipinamalas nila." Mensahe ni Bathalumang Amadeus sa harap ng mamamayan.

"At para sa anak ni Haring Argus na si Gabriel, hinding-hindi namin makakalimutan ang sakripisyong iyong pinangatawanan at tapang na sinubok ng panahon. Bilang pagpupugay sa iyong kabutihan at pagligtas sa bingit ng kamatayan ang sinugo, ika'y ginawan ng rebulto sa mismong batis na ito bilang pag-alala sa'yong kabutihan at katapangan. Nawa'y maging masaya ka kasama ang ibang mga bathala. Hindi ka namin makakalimutan." Huling salita ng bathaluman at naunang itinapon ang puting bulaklak sa rumaragasang tubig.

Isa-isang nagtapon ng bulaklak ang mga taga-Virtus at pinanuod ito hanggang sa anurin. Nagyakapan ang bawat isa at nagbatian ng pakikiramay.

Sa kabilang dako, ang Chateau na dating pinamumugaran ng masasamang bampira ay ngayo'y wala na. Sa tulong ng alagad sa Virtus at ng bathaluman, muli nilang pinanumbalik ang kapayapaan dito. Ang mga bampirang tumiwalag sa pamumuno ni Haring Argus ay bumalik dito kasama na diyan ang pamilya Escova.

"Lory..." Nagulat si Lory nang banggitin ang kaniyang pangalan ni George. Nandito sila ngayon sa itaas ng kaharian habang tinatanaw ang mga nilalang sa ibaba.

"Ano 'yon?" Sagot niya rito pero nagtaka si Lory kung bakit walang ekspresyon na ibinibigay ang nobyo.

"M-may problema ba?" Pag-aalala nito nang bumuntong hininga ang nobyo.

"Nagkasundo na kami ni Prinsipe Judiel..."

"N-na?" Nakararamdam ng kaba si Lory sa babanggitin ni George ngunit pinapatatag niya ang kaniyang kalooban.

Huminga naman nang malalim si George bago muling tiningnan ang mga mata ni Lory.

"Pumayag ako na magpakasal ka sa kaniya."

Tila nagpantig ang tainga ni Lory sa sinabi ni George. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso na parang tinutusok ng milyon-milyong karayom. Pagpatak lamang ng luha ang nasagot niya dahil hindi nito makuhang ibuka ang bibig.

Napasalampak siya sa lupa nang umalis si George sa kaniyang harapan at hindi man lang napigilan.

👹👹👹

Oh no!



Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now