Kabanata 19: Madilim na plano

212 27 1
                                    

19- Madilim na plano

Chateau, Arcania

Makikita sa mga mata ni Henah ang saya habang pinapanood sa mahiwagang baylis (mahiwagang palayok) ang nangyayaring tunggalian sa pagitan ng prinsipe at bagong dating na lalaki sa Virtus.

"tout semble nous convenir..."  (Mukhang naayon sa atin ang lahat) natutuwang banggit ni Henah habang nakahalumbaba.

"Profitons de cette occasion pour réaliser notre premier plan." (samantalahin natin ang pagkakataong ito upang isagawa ang ating unang plano)

"Anong plano?" Tanong ng Hari habang  iniisip din ang hakbang ng kapanalig.

"Si notre adversaire est fort, nous devons trouver quelque chose qui puisse lui arriver." (Kung malakas ang ating kalaban, kailangan nating humanap ng isang bagay na magpapahina sa kanila.)

"Ang pamilyang naiwan ng sinugo..." Bulong na turan ng hari at may unti-unting nabubuo sa kaniyang isipan. Nagkatinginan silang dalawa ni Henah at sabay na sumilay ang mga ngiti nila sa labi.

👹👹👹

Virtus, Arcania

Habang nagkakapambuno ang dalawang makikisig ay saktong lumitaw ang bathaluman sa palasyo.

"Anong kaguluhan ang nangyayari rito?"

Ang dalawa naman ay tila mga bingi at hindi alintana ang imahe ng bathaluman sa kanilang harapan. Ang tumatakbo lang sa kanilang isipan ay kung sino ang nararapat na magmay-ari sa puso ni Lory.

Sabay silang napa-igik nang tumilapon sila sa pader ng pundasyon ng silid. At saka lamang sila nahimasmasan nang lumapit sa kanilang dalawa si Amadeus.

"Nasa tamang katinuan ba kayo?" Dismayang pagkakabanggit ng bathaluman.

"Imbis na paghahanda ang inaatupag niyo, narito kayo at nakikipagduwelo sa isa't isa para lang sa kasal."

"Bathaluman, may kaunting hindi pagkakaunawaan lang sina Prinsipe Judiel at George." Singit ni Hudlum.

"Walang kabuluhan ang pag-aaway niyo. Sinasayang niyo lang ang oras upang ihanda ang sinugo para sa kapakanan at kaligtasan nating lahat. Kung wala pa kayo sa katinuan, ako na mismo ang gagabay kay Lory."

"Ama--"

"Bathaluman--"

"Tara na, Lory. Hindi ka matututo kung ganiyan ang aalalay sa'yo." Pagtatapos ng bathaluman at isinakay ang sinugo sa lumilipad na kapa.

Malungkot namang tumingin si Lory sa dalawang lalaki at wala nang nagawa kundi magpaanod sa tawag ng kaniyang tungkulin.

👹👹👹

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now