Kabanata 26: Lakas ng sinugo (2)

155 24 0
                                    

26- Lakas ng sinugo (2)

Bagong Lilim, Mabuhay Street

"Eh kung ganoon pala, bakit hindi kayo agad nagsabi? Bernardo! May bisita tayo, mga kaibigan daw ni Lory sa France." Sigaw ni Monica sa kaniyang asawa na nanonood sa sala.

"Ano nga pala ulit ang pangalan mo hija? Masyado kasing mahirap bigkasin ang pangalan mo eh."

"Henah, Henah ang pangalan ko."

"Ah Henah. Eh itong kasama mong lalaki? Anong pangalan niya?"

"Creus, Creus ang pangalan niya," muling saad ni Henah na parang manikang de susi kung magsalita.

Nahihiwagaan man si Monica sa ikinikilos ng dalawa, pinatuloy pa rin niya ito sa kanilang bahay at naghain ng makakain.

Nagulat si Bernardo sa dalawang kulto na nakasuot ng itim na damit at makikitaan ang pagkapula ng kanilang mga mata.

"Dumalo ba kayo sa costume party? Halloween party?"

Walang nakuhang sagot ang mag-asawa bagkus ang paglalaway ni Creus ang kanilang napansin.

"N-nako hijo, mukhang gutom na gutom ka na. Ito ang sinigang, tamang-tama dahil maulan ang panahon ngayon." Si Monica ang nagpresintang magsandok ng kanin at ulam sa kanila.

"Sandali lamang at may pag-uusapan kami ng asawa ko, maiwan muna namin kayo diyan. Feel at home at huwag kayong mahiya." Pilit na sabi nito sabay hila sa asawa.

Naggawi sila sa kanilang kwarto at kaagad kinandado ang pintuan. Mabilis na naghalungkat si Monica ng matulis na bagay sa kanilang drawer at hindi mapakali kung saan ibabaling ang tingin.

"Monica, anong nangyayari sa'yo?"

"Hindi maganda ang kutob ko sa dalawang iyan. Parang...parang masama 'yung mangyayari kapag pinatuloy pa natin sila dito. Bernardo, uso ang patayan ngayon katulad sa dati nating tinitirhan. Paano kung isa sila sa mga grupong iyon?"

"Hay naku Monica, napa-paranoid ka na naman. Hindi ba't sabi mo kanina na kaibigan sila ni Lory?"

"Oo nga pero hindi ka ba nagtataka na biglaan silang pumunta dito? Kung totoong kaibigan sila ni Lory, hindi ba dapat tumawag siya sa atin na bibisitahin tayo ng kakilala niya?"

Sa puntong iyon ay nagkasundo ang mag-asawa na paalisin ang dalawang estranghero.

Unang binuksan ni Bernardo ang kanilang pintuan pero laking gulat nila na nakaharang ang dalawang bisita.

"Quen Ta is Be tara bos tuke ma..." (Mga inutil. Mamaya lang ay malalasap niyo ang kamatayan.)

Ginamit ni Henah ang kaniyang telekanismo sa mag-asawa na nagpawala ng kanilang ulirat. Walang kahirap-hirap na binuhat ni Creus ang dalawa at mabilis silang umalis sa lugar para ipunta sa Arcania.

👹👹👹

Virtus, Arcania

"Hindi ako magpapagapi. Kailangan ako ng magulang ko. Kailangan ako ng Arcania. Kaya ko 'to."

Pinokus ni Lory ang kaniyang sarili sa dumadaloy na enerhiya sa kaniyang katawan. Hirap na hirap siyang paglakbayin ito sa natamong sugat dahil namamanhid at mas lalong nasakit kapag napupunta rito ang boltaheng enerhiya.

"Nandito lang ako Lory. Alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa iyo ito pero mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka pa ulit sa'kin kaya kailangan mo pang lumaban. Nagagalit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman mo. Kailangan kita, kailangan ka ng mga magulang mo. Ililigtas pa natin sila di'ba?" Pag-aalo ni George kay Lory.

Sa mga narinig ng sinugo ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para gamutin ang sariling sugat.

"Aaaaahhhh!!!"

Napanganga si George nang lumutang ang katawan ni Lory at naglabas ng puting liwanag ang kaniyang balat.

Sa hindi malamang dahilan, namangha si George sa panibagong anyo ng kaniyang pinakamamahal.

Wala itong saplot ngunit purong puti ang buo niyang katawan. Maging ang mga mata nito ay tumitingkad na tila isang diyos na bumaba sa lupa.

Ngumiti si Lory kay George bago lumipad sa himpapawid.

👹👹👹

Ang daming kapangyarihan ni Lory😂 Sanaol nalipad

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Where stories live. Discover now