Kabanata 9: Ang pagdating ng mga Mercules

330 41 0
                                    

9- Ang pagdating ng mga Mercules

Chateau, Arcania

Bawat galaw at pag-eensayo ng mga kawal ni Haring Argus ay mahigpit niyang binabantayan para sa paghahanda sa hinaharap. Kita ang kaligayahan sa kaniyang pagngisi dahil may inaasahan siyang panauhin na darating ngayong araw—ang mga Mercules.

Kilala ang mga Mercules sa abilidad nitong maka-kuryente gamit ang kanilang mga kamay. Popular at partikular dito si Henah—ang babaeng may telekanismo na kayang makapatay gamit ang isipan.

Noong kapanahunan ng Haring Mercedes, ang dating hari, isa si Henah sa napagtagumpayang patayin ito at napabagsak ang kaharian ng Virtus. Sa ngayon, naninirahan sila sa lilim ng Dakong Hangganan na kinikilalang "Mon Supremo" ng Arcania. (Ibig sabihin ng "Mon Supremo" ay nakakatakot na lugar.)

Umugong ang malalaking trumpeta hudyat na dumating na ang kanina pang hinihintay ng hari. Bumukas ang matayog na tarangkahan sabay ihip nang malakas na hangin.

Nagbigay galang ang mga kawal at nagbigay daan sa mga panauhin.

"Bona et han crindé, mga Mercules. (Maligayang pagdating sa aking kaharian, mga Mercules)" Nagagalak na banggit ni Haring Argus.

"La Vishna." Malamig at mababang tono ng tagapagsalita ng grupo, si Creus.

"Kung gayon, napag-isipan niyo na ba ang aking alok?"

Tumingin si Creus kay Henah. Tumango ang babae at inikot ang mga mata habang nilalaro ang mahabang buhok.

"Kung maibibigay mo rin sa amin ang aming hinihiling...bakit hindi?"

Napatango ang Haring Argus at napanatili ang komportableng pagkakaupo.

"Oo naman. Madali lang ang hinhingi niyo. Kaya ang gagawin niyo lang, pangatawanan ang mga magiging hakbang ko."

Tila hindi nagustuhan ni Henah ang narinig kaya lumakad ito papalapit sa trono ng hari.

"Aaarrghh!"

Nahintakutan ang mga kawal sa lakas ng sigaw ng kanilang hari. Damang-dama nito ang sakit na namumutawi sa katawan. Dahil sa panghihinang nadarama, napa-upo ito sa sahig at hinahaplos ang namimilipit na katawan.

Umupo si Henah sa trono at ngising tumingin sa hari.

"Sheda ha sari ko cia Haring Argus. (Hindi ako laruang lubid para utus-utusan lang Haring Argus)"

Gamit ang telekanismo, pinalipad niya ang hari na mas lalong nagpasigaw dito.

"Anima Ko Susne bre heya. Mo 'tus con bros sisma ki na shi. La salve Argus. Hera, Mercules. (Sa pagka-bilog ng buwan ay dapat na sa akin na ang hinihingi ko. Sa pagkakaalam ko'y hindi ko kailangan ng tulong mo. Ngunit ikinagagalak kong makita ka Argus. Hanggang sa muli.)"

Naglahong parang bula si Henah at ang mga kasamahan nito.

Habang ang hari ay nakalatay sa sahig, wala ni isa ang nagtangkang tumulong sa kaniyang kawal. Mas lalong tumindi ang kaniyang galit dahil hindi man lang niya napatikim ang hagupit sa lapastangang si Henah.

"Shimea! (Bwisit!)"

👹👹👹

Parang mala-encantadia lang 'yong mga lines pero hindi 'no. Own wordings ito kaya paumanhin kung parang tunog Japanese na yung salita😆

PLEASE NOTICE!
- Since addicted talaga akong manood ng bl series, try niyong panoorin ang CHERRY MAGIC in any kind of websites. It's a Japanese rom-com bl series na mabibitin talaga kayo sa sobrang ganda. Ngayon pa lang...spoil ko na kayo, Adachi and kurosawa ang name ng bida!! I super-duper shipped them talaga! Good to watch and mapapasabi na lang kayo ng 'I need Season 2!!'

Arcania: The Rebirth of Lory ✓Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang