"Restroom lang ako," paalam ko.

"Samahan na kita."

"Huwag na. Mabilis lang naman ako," dagli kong pigil kay Gabriel nang tumayo rin siya.

"You sure?" mag pag-aalangang tanong niya. Ginawaran ko siya ng magaang ngiti para kumbinsihin siyang ayos lang ako.

"Saglit lang talaga ako," muling sabi ko. Sumusukong bumuntonghininga siya. Bago pa ako tuluyang makaalis ay pinisil niya ang aking kamay.

Mabilis kong tinungo ang restroom. Nang tuluyan akong makapasok ay napasandal ako sa gilid ng sink. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata dahil ramdam kong nag-iinit ang bawat sulok ng mga ito.

Napahawak ako sa aking dibdib saka bumuga ng hangin. Having Gabriel's parents around was suffocating. Pakiramdam ko'y nasa harap ako ng husgado at hinahatulan. Ang masaklap ay wala akong kalaban-laban. Dahil kahit saang anggulo tingnan ay hindi ako bagay sa isang katulad ni Gabriel.

Nagkamali ba ako ng desisyong sagutin siya?

Hindi ko alam. Ngayon pa lamang ay naguguluhan na ako kung ano ang gagawin ko.

I took a deep breath for the nth time. Akmang lalabas na ako'y biglang bumukas ang pinto. Napatda ako nang pumasok ang hindi ko inaasahang tao.

Umatras ako para bigyan siya ng espasyo, kahit na ilang hakbang pa ang distansya niya sa akin. Pakiramdam ko'y ang sikip-sikip ng napakalaking banyon na ito nang dahil sa presensya ng mommy ni Gabriel.

She looked at me from head to toe.

"Uhm, mauna na ho ako."

"Bakit mukha kang nagmamadali?"

Napatigil ako sa paghakbang. Yumuko ako para iwasan ang mapanuri niyang tingin.

"Magkano?" biglang tanong niya na ikinakunot ng aking noo.

"Po?"

"Dalawang milyon. Layuan mo ang anak ko. Sapat na ba 'yon?"

Nanlaki ang aking mga mata sa tinuran ni Tita Violeta. Tama ba ang aking narinig? Inaalog niya ako ng dalawang milyon?

"T—Tita, mawalang galang na po, pero hindi ko po maintindihan ang gusto ninyong mangyari."

Nakagat ko ang aking ibabang labi at ipinagsalikop ang aking mga kamay. I can feel my palms sweating.

Tinaasan niya ako ng kilay saka humalikipkip. Kumikinang pa ang kanyang leeg dahil sa mamahaling kuwentas na nakasabit doon. Maging ang kanyang palapulsuhan ay may nakadekorang mga alahas na kahit habang-buhay ko yata pagtatrabahuhan ay hindi ko kayang bilhin.

Nandito kami sa restroom ng mamahaling restaurant na pinagdalhan sa akin ni Gabriel. Hindi ko naman akalaing ipapakilala pala niya ako sa kanyang mga magulang. Dati ko na silang kilala ngunit iba ang araw na ito dahil ipinakilala niya ako bilang pormal na kasintahan.

"Oh, dear. Let's drop the pretention. I know your intention kaya ka nakipagrelasyon sa anak ko." She looked at me from head to toe. Lalo akong nanliit sa aking suot na simpleng skinny jeans at fitted blouse.

"Alam kong pera lang ang habol sa anak ko."

Pakiramdam ko'y napugto ang aking hininga dahil sa aking narinig mula sa kanya. I bit my lower lip to calm myself. Ngunit hindi ko napigilan ang pagtubig ng aking mga mata.

"Mawalang galang na ho, Tita. Alam kong wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng nakapalibot kay Gabriel. Pero mahal ko siya dahil mahal ko siya, hindi sa kung ano pa man."

She smiled at me mischievously. "Oh, really? What if I will double my offer? Hindi mo pa rin ba siya iiwan?"

Nanikip ang aking dibdib. Hindi ko akalaing gano'n pala kababa ang tingin nila sa akin. Mahal ko si Gabriel, at walang perang katumbas ang pagmamahal na iyon.

Huminga ako nang malalim saka pasimpleng pinahid ang aking mga luha. Hinarap ko siya nang buong tapang.

"Kahit maglatag pa ho kayo ng ilang kahong ginto sa harapan ko, hinding-hindi ko ho ipagpapalit si Gabriel sa kahit na anuman. Kung wala na po kayong sasabihin, mauna ho ako."

Magalang akong yumukod saka nagmartsa patungo sa pinto. Walang lingun-lingon akong lumabas sa restroom.

Lumunok ako nang ilang beses saka tinanaw ang kinaruruonan ni Gabriel at ng kanyang ama. Napangiti ako nang mapait. Ito ang kapalit ng pagmamahal ko sa isang lalaking langit ang pagitan ng estado ng buhay sa akin. Kapag nagmahal ka ng lalaking mayaman, tingin sa 'yo ng karamihan ay gold-digger ka. Ang masakit pa'y ina pa niya ang unang nanghusga sa akin.

Bago pa man ako humakbang papalapit sa puwesto nila ay naramdaman ko ang aking cellphone na nag-vibrate. Nakita ko ang pangalan ng aking pinsan na rumihestro. Agad ko iyong sinagot.

"Oh, Yuri? Ano'ng nangyari?" Kinabahan ako sapagkat narinig ko ang pagsinghot niya sa kabilang linya.

"Insan, kailangan na kailangan nang maoperahan ng nanay mo mamayang gabi. Hindi na raw makapaghintay sabi ng doktor. Kailangan na niya ng transplant."

Nanikip ang aking dibdib. Napaestatwa ako sa aking kinatatayuan. "Insan..."

"May nahanap ka na bang paraan?"

Naipikit ko ang aking mga mata. Kagagaling ko lang ng trabaho ko kahit na rest day ko sana ay pumasok ako para may pandagdag sa gastos sa pagpapa-ospital kay Nanay. Ngunit kahit sampung trabaho pa yata ang pasukin ko'y hindi pa rin iyon sapat sa kanyang mga gamot at bayad sa doktor.

"O—Oo, insan. May nahanap na akong paraan. Pupunta na ako riyan."

Halos mapugto ang aking hininga. Hindi ko alam kung saan iyon nanggaling. Ang alam ko lang ay kailangang maagapan si Nanay.

"S—Sige, insan."

Nang maibaba ko ang tawag ay nanghina ang aking mga tuhod. Bumaling ako sa kinauupuan ni Gabriel. Gusto kong humingi ng tulong sa kanya ngunit natatakot ako na baka kung ano rin ang isipin niya. Isa pa, nagsisimula pa lamang siya. Ayaw kong pati ang kalagayan ng Nanay ko ay iisipin pa niya.

Bumaling ako sa pinto nilabasan ko kanina. Kagat-kagat ang labing humakbang ako pabalik ng restroom.

Bahala na...

Bahala na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


***

You may continue reading this story on Dreame and Yugto app. It's already completed. Just search the title or my username, greatfairy. Thank you!

Hopelessly Devoted to YouWhere stories live. Discover now