Kabanata 44

54.2K 1.3K 111
                                    

ONE AND ONLY

Pinayagan ako ni Harry. Mabuti na lang at pumayag din ang anak ko. Hindi ko kasi siya puwedeng dalhin doon dahil baka hindi ko maasikaso. Sa pagkakaalam ko ay gabi ang party sa mismong restaurant pa kaya kung dadalhin ko si Amer ay baka makatulog lang siya roon.

"Bea, mabuti at nakarating ka na!" si Tiya Elena.

Dumiretso ako sa bagong tayo na bahay ni Tiya Elena. Hindi pa naman ito tapos ngunit dito na siya lumalagi. Hindi ko akalain na bibigyan ng ganito ni Harry si Tiya Elena. Napangiti na lamang ako.

"Pinayagan po kasi ako," ani ko sabay lagay ng tote bag ko sa lamesa.

Inayos ko ang buhok ko at saka pinagmasdan ang buong kapaligiran. Malayo siya nang kaunti sa dating bahay pero maganda ang pagka-puwesto dahil na rin sa malapit lang sa dagat. Ang galing talaga nilang pumili. I wonder kung may balak ba silang magpatayo ng bahay dito sa probinsya.

"Naku, mabuti na lang talaga," si Tiya Elena at saka tinapik ang balikat ko. "Wala ka pa namang balak mag-resign, 'di ba? Sa estado ba naman ng asawa mo, kayang-kaya ka na niyang buhayin. Hindi mo na kailangan magkayod dahil may kakayod para sa inyo ng anak mo."

Ngumuso ako at saka umupo sa upuan. "Tiya, ayoko kasing umasa sa pera ni Harry at saka gusto ko rin naman magkapera. Alam ko naman na walang-wala ang pera ko kay Harry ngunit gusto ko rin magkapera para sa anak ko."

Bumuga ako ng hangin at saka napatingin na lamang sa kawalan.

Nang mag alas singko na ng hapon ay sabay kaming nagtungo ni Tiya Elena sa restaurant. Wala ngang customer kasi may party ngayong gabi. Sinalubong ako ng yakap ni Jessica.

"Mabuti at nakatungo ka pa rito. Akala ko ay hindi ka na pakakawalan ng asawa mo," si Jessica sabay lahad sa akin ng apron.

"Muntik na nga akong hindi payagan, eh," pagsasabi ko ng totoo at saka tinanggap ang apron.

"Ano ang ginawa mo para pumayag?" panunukso na tanong ni Jessica.

Ngumuso ako pero alam ko na unti-unting namumula ang pisngi ko.

Siniko ako ni Jessica. "Pina-isa mo, 'no? Gano'n kasi mga lalaki, eh! Gustong maka-isa bago pumayag."

Napairap na lamang ako pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko na lang mailibing ng buhay sa kahihiyan. Sobrang obvious ba? Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at saka inayos na rin ang buhok ko. Marami kaming gagawin ngayon kaya ilalayo ko muna sa isip ko si Harry at ang ibang problema na kinakaharap ko.

Sinuot ko na ang apron at saka lumapit kay Oreo na siyang naghihiwa ng karne. Ang mga waitress at iba pang mga empleyado ay nagdedesinyo sa labas. Marunong naman ako sa mga ganiyan ngunit mas mahal ko ang pagluluto.

"Chicken Cordon, nasaan?" si Tiya Elena habang may hawak na sandok.

"Narito na, Tiya! Ako na bahala!"

"Favorite daw ng mga boss ang sea food. Dapat lutuan mo rin ng specialty mo," si Jessica sabay ngisi sa akin.

Ngumiwi ako. "Gabi na sila kakain. At saka matagal iyon lulutuin!"

Totoo naman at kaunting oras na lang ay darating na iyong mga bisita.

Ilang oras ang ginugol namin sa kusina. Minsan ay nagsisigaw na si Tiya Elena dahil na rin sa sobrang pagod. Marami kaming niluto. May nagluto pa ng lechon sa labas at kami lang 'yong naglagay ng mga ingredients.

Nang matapos kami ay uminom ako ng maraming tubig. Si Jessica naman ay nagbihis ng pormal. Napangiwi ako.

"Hindi ka ba nagdala ng masusuot?" tanong niya sa akin at bahagyan pa akong pinasadahan ng tingin.

Umiling ako. "Nakalimutan ko, eh!"

"Jusko! May damit ka pa naman sa bahay ni Tiya Elena, right? Umuwi ka na lang muna at magbihis! Alam mong may party pero hindi ka man lang nagdala."

"Nagdala naman ako ng damit, hindi lang ganiyan. Akala ko kasi ay hindi tayo kasali," sabi ko at saka inilagay ang baso sa lamesa. "Uuwi muna ako at babalik ako rito."

Tumango si Jessica at saka tinapik ang aking balikat. "Sige, hihintayin kita."

Ngumiti ako sa kanya at saka kinuha ang bag ko. Sana nagdala ako ng dress. May dress pa naman ako sa bahay kaya doon na lang din ako mag-aayos.

***

Nang nakarating ako sa dating bahay ni Tiya Elena ay pumasok ako sa loob. Hindi na nga talaga dito natutulog si Tiya Elena dahil noong last na kita ko ay ganito pa rin. Bumuga ako ng hangin at saka dumiretso sa kwarto. Babalik pa naman kami rito kaya marami pa akong mga gamit. Hindi rin ako papayag na doon na manatili lalo na't may Ella pa.

Habang namimili ako ay naisipan ko na tawagan si Harry.

"Harry," bungad ko nang sinagot niya ang tawag ko.

"Hmm? Miss mo na ako?"

Umirap ako at saka nagpatuloy sa paghahanap ng gamit.

"Bakit naman kita mami-miss? At saka tumawag lang ako dahil gusto kong malaman kung tapos na bang kumain si Amer."

Narinig ko ang kanyang halakhak sa kabilang linya. "What about me? Hindi pa ako kumakain, Bea? Hindi mo man lang ba ako tatanungin?"

"Ewan ko sa iyo, Harry! Ibababa ko na ito—"

"Wait! No!" pagpigil niya. "Just continue what you are doing. Gusto ko lang marinig ang hininga mo."

Napangiwi ako at saka inilapag ang phone sa lamesa. "Sige, bahala ka sa buhay mo!"

At hinalukat ko na ang buong cabinet. Medyo natagalan pa ako dahil hindi ko alam kung light dress ba o hindi. Hindi ko naman kailangan magpaganda roon. Gusto ko lang maging presentable sa harap ng mga boss ko. Natigil lang ako nang may narinig ako na kalabog.

Kumunot ang noo ko at binalingan ang pintuan. Kumalabog nang mabilis ang puso ko nang biglang nag-brown out.

"Bea, are you still there?"

Natauhan lang ako nang narinig ko ang boses ni Harry sa phone ko. Agad ko itong kinuha at saka in-off ang loud speak.

"Oo, teka lang, Harry. Nag-brown out kasi rito," sabi ko sabay balik sa phone sa lamesa.

Lumabas ako ng kwarto at kumunot ang noo ko nang nakitang may kuryente naman ang kabilang bahay. Bumuntonghininga ako at akmang babalik na sana sa kwarto para kunin ang phone nang may naamoy ako na gas.

Wait, gas?

Namilog ang mata ko at binalingan ang kusina. Napaatras ako at hindi nakapagsalita sa takot nang nakita ko ang apoy. Sa pag-atras ay napasandal ako sa pader.

"S-Sunog!" Hindi ko iyon nagawang isigaw nang malakas dahil sa sobrang taranta.

Hinanap ko agad ang door knob ng front door para sana lumabas pero napatili na lang ako nang may isang kamay ang humawak sa braso ko at kinaladkad ako patungong kwarto.

"S-Sino ka?" nauutal na tanong ko at napasigaw nang puwersahan niya akong itinulak kaya napahiga ako sa sahig. "N-Nasusunog ang bahay! Kailangan kong makalabas!"

"S'yempre, hindi ko hahayaan iyon. This is my opportunity to get rid of you. To get rid of you in Harry's life! You piece of a bitch!"

Namilog ang mata ko at namutla nang makilala ko ang boses na iyon.

Nanginig ang buong katawan ko nang nakita ko kahit sa dilim ang kanyang mala-demonyo na ngisi.

"E-Ella?"

Mas lumaki ang ngisi niya. "The one and only."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now