Kabanata 20

68.6K 1.7K 430
                                    

DEAD

Ni-lock ko ang pinto ng kuwarto ko at hindi pinapasok ang anak ko. Hindi ko akalain na hindi ko siya sinampal. Baka akala niya ay may feelings pa ako sa kanya. Nagulat lang ako at hindi nakagalaw kaya hindi ko siya naitulak o nasampal.

Naalala ko ang kanyang mala-demonyo na ngiti. Nagpapahiwatig iyon na nag-assume siya. Assumero siya. Ginulo ko ang buhok ko at sinampal ang labi.

"Mama, kakain na raw sabi ni Papa," pagkatok sa akin ni Amer sa pinto.

Naibaba ko ang unan na nasa aking tiyan at umayos ng upo sa kama.

"M-Mamaya na ako, anak..." Tumikhim ako. "Masama ang pakiramdam ko."

Matagal bago nakasagot si Amer. "Sige, Mama!"

Nakahinga ako nang maluwag at akmang hihiga na sana sa kama nang kumatok muli ang anak ko.

"Mama," sambit ng anak ko habang kumakatok. "Minus ten sa langit kapag nagsisinungaling..."

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Harry kaya biglang kumulo ang dugo ko. Padabog na tumayo ako sa mula sa pagkaupo at mahinang nagpapadyak.

"Mama!" tawag muli ng anak ko.

"Anak..." Kinalma ko ang sarili ko. "Hindi ako kakain," mahinang sabi ko at minumura ko na sa isip ko ang lalaking iyon. Tinuruan pa talaga ang anak ko, ha.

"Papa, hindi raw siya kakain!" narinig kong sigaw ng anak ko habang papalayo sa pinto.

Sinapo ko ang noo ko at mabilis na humiga sa kama. Kinuha ko ang kumot at itinakip sa sarili. Wala akong oras para makipagbiruan dito. Siya ang humalik pero parang ako pa itong nahiya. Siya dapat ang mahiya sa akin. Siya ang nakitira, eh.

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kumot nang narinig ko ang pagpihit ng pinto. Siguro ay nabuksan ng anak ko lalo na't nasa sala ang susi. Pumikit ako at nagkunwari na natutulog.

"Mama..."

Nagmulat ako nang narinig ko ang mahinang boses ng aking anak. Pinagtagpo ko ang aking labi bago bumangon at inalis ang kumot sa aking katawan.

"Anak, sabi ko naman na—" Natigilan ako nang nakita ko si Harry na kasama ni Amer sa may pintuan na nakatayo habang may dala siyang tray.

Lumipat ang mata ko sa laman at naamoy ko ang mabango at sigurado ako na masarap na pagkain.

Napakurap-kurap ako nang naglakad si Harry sa bandang puwesto ko at inilapag niya ang tray sa maliit na lamesa katabi lang ng kama namin ng anak ko.

"Kumain ka na," aniya matapos maibaba ang tray at inilibot ang tingin sa buong kuwarto ko. Kita ko na kumunot ang noo niya. "What's that?"

Tinuro niya ang ceiling fan na hindi nakaandar.

"Ceiling fan," tamad ko na sagot at tiningnan siya ng masama. "Bakit mo ba ako dinalhan ng pagkain?" Sinulyapan ko ang pagkain at nanuyo ang lalamunan ko sa nakita. "Hindi nga ako kakain!" Iniwas ko ang tingin ko sa pagkain.

"But you need to eat," aniya at sa gilid ng mata ko, nakita ko siya na naghila ng upuan at umupo sa tapat ko. "You want me to feed you?"

I looked at him in disbelief. Ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.

"Seryoso ka ba? Hindi ka na nakatutuwa, ha! Tigilan mo na nga ito." Tumaas ang boses ko.

"Mama, nag-aaway po ba kayo?" biglang singit ni Amer.

Napasinghap ako at mabilis na inilipat ang tingin sa anak ko na inosenteng nakatingin sa amin. Bigla akong nakonsensya sa pagsigaw ko.

"A-Anak, h-hindi..Sorry..." Umusog ako sa kama at hinila ang kamay ng anak ko na nasa tabi lang ni Harry. Sinapo ko ang mukha niya. "H-Hindi kami nag-aaway."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now