Kabanata 32

55.7K 1.6K 468
                                    

HANDSOME

Hawak-hawak ni Harry ang kamay ko habang papasok kami sa mamahaling restaurant, malapit lang sa isang hotel. Tunog ng violin ang unang narinig ko nang nakapasok kami at nanindig ang balahibo ko sa ganda.

Humigpit ang pagkahawak ko kay Harry at napatingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin at nagtungo na kami sa bakanteng lamesa at upuan.

"Sit down," aniya at pinaghila ako ng upuan.

Tumingin muna ako sa kanya bago ako umupo. Kaya siguro ako binilhan ni Harry ng damit para bumagay sa theme ng restaurant na ito. Para kaming nasa party ng mga mayayaman. Naka-gown at tuxedo ang iba. Mayroon din namang naka-dress na katulad ko pero kaunti lang.

Nang nakaupo ako ay umupo na rin si Harry sa tapat ko. Tahimik kong pinagmasdan ang paligid at napangiti na lang ako nang nakita ko ang isang magkasintahan na nasa dance floor.

Biglang nangatog ang tuhod ko sa kaba. Ramdam na ramdam ko ang pagkatensyon ko dahil hindi ako mapakali. Ilang beses akong lumunok at sobrang na-conscious sa sarili dahil nanibaguhan ako.

Lumapit ang babaeng waitress sa akin at may sinabi siya sa babae na hindi ko narinig.

Tumango ang waitress at agad umalis. Kumunot ang noo ko at sinundan ng tingin bago binalingan si Harry na ngayon ay nakakunot na ang noo habang nakatingin sa akin.

"Are you okay?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko na nasa lamesa.

Kinagat ko ang labi ko at saka huminga nang malalim.

"Ang sosyal naman dito," sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo ba rito?" seryoso na tanong niya at nagulat ako nang inusog niya ang kanyang upuan palapit sa akin. "If you don't like this place, lilipat tayo ng ibang restaurant—"

"Hindi!" Agad kong pinutol ang kanyang sinabi sabay iling. "Hindi naman sa gano'n. M-Masyado lang siyang sosyal. H-Hindi bagay sa akin."

Nagsalubong ang kilay niya at hindi yata nagustuhan ang kanyang narinig mula sa akin.

"What do you mean, Bea?" Lumapit pa siya lalo at humawak sa likod ng upuan. "I am rich. Don't expect me to date you somewhere cheap. I will spend money for our date, Bea."

"Pero..." Kinagat ko ang labi ko nang sinamaan niya ako ng tingin.

Bumuntonghininga ako at hindi na lamang nagsalita. Bakit pa ako mag-iinarte? Siya naman ang gagastos at hindi ako.

Unang dumating ang isang bote ng red wine at saka wine glass. May kandila pa na nilagay sa gitna namin kaya mas lalo lamang naging romantic. Isama pa natin ang violin.

Tumikhim si Harry. "We will wait for the food. Are you hungry?"

Napatingin ako sa kanya. "Huh?"

Nanatili siyang nakatingin sa akin. "Bea..." Nagbaba siya saglit ng tingin bago siya tumingin muli sa akin. "Hindi ka pa rin ba kumportable sa akin?"

Nagulat ako sa tanong niya at hindi ako makaiwas sa tanong niya.

"I want to know your thoughts about me while we are waiting for the food."

Hinawakan niya muli ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa at hinaplos. Napatingin ako doon.

"Bea, bakit mo ako nagustuhan noon?" tanong niya. "Bakit mo ako minahal no'n kahit sobrang sama ko sa iyo?"

Napatingin ako sa kanya at napasinghap ako nang magtama ang paningin namin. Pumungay ang kanyang mata.

Napalunok ako. "K-kasi g-gwapo ka a-at wala namang kaso sa akin dati na m-masama u-ugali mo..."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now