Kabanata 34

50.9K 1.5K 313
                                    

 HABOL

Nakaupo ako sa kanyang hita habang patuloy pa rin siya sa paghalik sa akin. Ang kanyang mga kamay ay makulit at kung saan-saan na lang dumadapo.

Hinayaan ko siya sa kanyang gustong gawin at sinabayan siya sa kanyang marahan na halik. Ang aking kamay ay nasa likod na ng kanyang leeg.

Mahina akong napadaing nang gumapang sa ilalim ng damit ko ang kanyang mainit na kamay. Kinagat ko nang mariin ang labi ko nang naramdaman ko ang kanyang paghaplos sa aking tuktok.

“H-Harry…” Kinagat ko pa lalo ang ibabang labi ko.

Tuloy-tuloy lang siya sa paghalik sa akin, umabot sa leeg hanggang sa unti-unti niyang binaba ang off-shoulder dress ko. Mahigpit akong kumapit sa kanya nang ginawa niya iyon. Hindi ko akalain na dito na namin gagawin ang bagay na iyon.

Hahalikan na sana niya ang balikat ko nang...

“Sir!”

Sa taranta ko ay malakas ko siyang itinulak palayo sa akin at mabilis akong umalis sa kandungan niya. Namutla ako sa takot at bumilis ang tibok ng puso ko. Reklamo at daing ni Harry ang narinig ko dahil tumama ang ulo niya sa upuan. Inayos ko ang buhok at damit ko at saka tinakpan ang mukha ko sa hiya.

Shit! Baka nakita kami!

Hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mainit na labi ni Harry sa balat ko. Nanginginig ang kalamnan ko at naisip na baka may nangyari na talaga sa amin kung wala lang kumatok at tumawag kay Harry.

“Sir! Nandiyan ka po ba?”

Hindi pa rin tumigil sa pagkatok ang lalaki kaya iniyuko ko ang sarili ko.

“Shit!” mura ni Harry at nang sinilip ko ay inis na inis na ang kanyang mukha habang unti-unting ibinaba ang bintana.

“What?”

Napatalon ako sa gulat. Nakita ko na napaatras ang kawawang lalaki habang may hawak-hawak na phone. Nakita ko ang takot sa kanyang mukha dahil sa bungad sa kanya ni Harry.

Kuya, bakit ka kasi kumatok?

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin.

“I told you not to come here, right?” galit na tanong ni Harry. “Now, you ruined my moment…”

Uminit ang pisngi ko at saglit na sumulyap ulit. Litong-lito ang lalaki sa kung ano ang ibig sabihin ni Harry. Kitang-kita ko ang panginginig niya, sa takot na mawalan siguro ng trabaho.

“S-Sir, tumawag ang Mama mo,” nanginginig na sambit ng lalaki sabay lahad sa kanyang cellphone. “Hindi raw po kayo sumasagot sa tawag niya…”

Kumalma si Harry nang sabihin iyon ni Kuya na halos himatayin na. Tahimik na pinaalis ni Harry ang lalaki at saka nag-dial sa kanyang phone.

Nang pinagmasdan ko si Harry ay nakuha ng atensyon ko ang kanyang ibabang suot. Umurong ang dila ko nang nakita ko ang bukol.

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa nakita.He is turned on at sigurado ako na inis na inis talaga siya dahil nabitin siya.

“Mom, I hope this is very important. You ruined my night!” sambit ni Harry habang nasa tapat ng tainga ang kanyang phone.  

“I am so sorry son!” Humalakhak si Tita Fely sa kabilang linya. “Gusto ko lang sanang magtanong kung uuwi ba kayo ni Bea. Hindi ko alam na busy pala kayo. Sorry son.”

Pumikit saglit si Harry at nang nagmulat ay umigting ang panga niya.

“Mom,” mariing sambit ni Harry. “Paano kita mabibigyan ng maraming apo kung ganito ka?”

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now