Kabanata 42

55.3K 1.4K 121
                                    

LASAGNA

Napailing na lang si Manang nang nakita niyang naging balisa si Ella. Huminto ako sa tapat niya at saka nilingon muli si Ella. Hindi ko alam kung bakit pero nang binanggit ko ang kapatid ni Harry ay bigla siyang naging ganiyan. Hindi niya ba alam na anibersaryo ngayon ng pagkamatay ng kapatid ni Harry? O baka naman nakaligtaan niya lang dahil mas inuna niya pang pinalandakan na buntis siya?

Bumuga ako ng hangin at napailing.

Sa pagkakaalam ko, matalik na magkaibigan si Ella at ang kapatid ni Harry na babae. Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ni Harry?

"Kailan kaya iyan uuwi?" tanong ni Manang. "Nakakaabala na iyan, eh. Masyado namang mabait si Madam para palayasin iyan dito, eh, kliyente nila."

Oo nga pala, kami lang ang nandito dahil nasa cementeryo sila Harry at ang kanyang Mama. Hindi ko naman in-expect ang pagmumukha ni Ella rito kaya maaga akong nairita.

Buntis siya at si Harry ang ama. Dapat ba akong maniwala sa kanya? Ipinilig ko na lang ang aking ulo at saka nagpaalam na kay Manang.

Mas inaalala niya pa ang paghihiwalay namin ni Harry kaysa sa magiging anak niya. Bigla tuloy akong nagduda kung buntis ba talaga siya. Baka gawa-gawa niya lang para mapaniwala ako at tuluyan na akong mawala sa buhay ni Harry. Desperada siyang mawala ako sa buhay ni Harry kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para mangyari iyon.

Kinuyom ko ang kamao ko at saka nagtungo sa ikalawang palapag. Kung kailan ay dapat na sana kami magsimula ulit, may paepal naman. Bumuntonghininga na lamang ako at saka pumasok na lamang sa kwarto.

***

Nagising ako nang naramdaman ko na parang may humihinga sa leeg ko. Nang binalingan ko ay napasinghap ako at hindi agad nakagalaw. Halos ihinto ko ang paghinga ko dahil sa nakita. Harry is peacefully sleeping while hugging me. Nakasubsob ang mukha niya sa gilid ng leeg ko at naka-pajama pa siya.

Mahina kong sinampal ang kanyang pisngi.

"Ouch!"

Nagising siya dahil sa ginawa ko at nang tumingin siya sa akin ay agad ko siyang sinalubong ng masamang tingin.

"Bea..." At humigpit ang yakap niya sa akin.

"Humiwalay ka nga sa akin?!" pagalit kong sambit at pilit ko siyang itinulak.

"No," protesta niya at mas lalo lamang humigpit ang yakap. "You are so cold to me. I bet you still don't believe me. I swear. Matagal na kaming wala at walang nangyaring gano'n!"

Hindi ako nagsalita at mas lalo lamang siyang itinulak. Nagtatapang-tapangan lang ako sa harap ng babaeng iyon para hindi niya maisip na talunan ako.

"Paano ka naman nakakasiguro?" tanong ko sa kanya at saka hininto ang pagtutulak ko sa kanya. "Paano kung nilasing ka nga niya? Paano kung hindi mo maalala?"

"Bea..." Nanlumo na si Harry. "Please believe me, hmm?"

Tumahimik ako.

"I will not ask for a chance if I screwed someone else, Bea," aniya. "Kung may gusto man akong mabuntis, ikaw iyon."

Bigla akong namula at napasinghap sa kanyang sinabi.

"A-Ano—"

"Let's sleep, Bea. Kakain pa tayo mamaya ng dinner. Huwag mo muna isipin iyon. Basta I already said the truth."

Nang mas lalo siyang sumiksik sa akin ay wala na akong magawa kundi ang hayaan na lamang siya. I wonder kung bakit hindi nila kayang paalisin sa buhay nila si Ella. Tapos na sila, right? At kliyente na lang. Pero kung umasta si Ella ay parang hindi pa tapos.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now