Kabanata 47

75.8K 1.8K 266
                                    

MARRY AGAIN

Tulala ako habang pinoproseso ko pa rin ang kanyang sinabi. Malaki ang ngisi ni Harry ngayon habang ako naman ay nanlumo na. Gusto ko ng anak, Oo, pero sa sitwasyon namin ngayon, parang hindi pa ito ang tamang oras.

Napalunok ako at saka inilagay ang isang palad ko sa tiyan ko. Hindi ko akalain na buntis pala ako at pinapahamak ko ang walang kamuwang na buhay sa loob nito.

"Aren't you happy?" Umupo si Harry upang mag-level ang aming mga mukha. Nakita ko ang paglunok niya. "We are going to raise the baby together. I am not going to leave you or hurt you anymore because I love you. Please trust me on this."

Ang kanyang mata ay nagsusumamo at kitang-kita ko ang kaba sa kanyang mukha. Bumilis ang paghinga ko nang inilapit niya ang kanyang mukha sa akin at saka inilapat ang kanyang malambot na labi sa aking noo. Pumikit ako upang pakiramdaman ang kanyang matamis na halik.

"I am not going to abandon you. Bayad na ang lahat, at pagbabayaran ko pa rin hanggang ngayon ang lahat ng sakit na pinaranas ko sa iyo. But please trust me. Let me be the father of my own child. I promise that I will be a good father and a good husband."

Akmang magsasalita na sana ako nang tumikhim si Tita Fely na ngayon ay nakasilip na sa amin. Namula ang buong mukha ko at malakas na tinulak si Harry palayo sa akin.

"Ouch!" reklamo niya.

Kinagat ko nang mariin ang labi ko at saka yumuko.

"Son, ako na ang bibisita kay Ella. May itatanong din ako. You don't need to see her, Bea. What she did to you is unforgivable and she needs to pay for what she did. After all, she killed my daughter with her own hand. I can't believe I let her in."

Nag-angat ako ng tingin kay Tita na ngayon ay nakangiti na sa akin.

"Just be with your family. I know my son will take good care of you," aniya at ngumiti muli.

Tumango ako. "Salamat po, T-Tita..."

"Call me, Mom. Iyon naman talaga ang dapat mong itawag sa akin sa simula pa lang," aniya at saka binalingan si Amer. "Amer, you want to go with me? Uuwi na ako. Let your Papa take care of your Mama."

Umiling si Amer at saka lumapit muli sa akin. "Aalagaan ko si Mama. Ikaw na lang po ang umuwi, Papa!"

Natigilan ako at nakita ko na natawa si Tiya Elena at saka si Tita Fely. Si Harry naman ay napakurap-kurap at hindi makapaniwalang binalingan ang anak na ngayon ay nakaharang na sa harap niya.

"Tinataboy mo ba ako, anak?" hindi makapaniwalang tanong ni Harry at pinamewangan ang nakakunot na noo na si Amer. "Dito lang din ako. I will take good care of your Mama."

"Umuwi ka na Papa. Kaya ko alagaan si Mama," giit ni Amer na siyang ikinagulat ko.

"Anak..." Hinawakan ko ang braso ni Amer. "Okay ka lang ba?" natatawa kong tanong.

"Mama!" Lumapit muli siya sa akin at saka niyakap ako. "Dito lang ako, Mama!"

Ngumuso ako at saka hinalikan ang kanyang noo. "Oo naman. Dito ka lang..."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Harry at saka umupo sa sofa. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at saka nag-iwas ng tingin.

Kung iisipin ko muli ang nangyari, kikilabutan lang ako. Ang malademonyong ngiti ni Ella at ang galit sa kanyang mata. Hindi ko masabi kung ano ba ang nangyari sa kanya. Wala naman siguro siyang sakit sa isip hindi ba?

Obsess na obsess siya kay Harry na kaya niyang gawin ang lahat, mapasakanya lang siya. Wala siyang pakialam kung may masaktan siya basta makuha niya ang gusto niya. Kaya niyang pumatay, kaya niyang kumitil ng buhay.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now