Kabanata 17

66.1K 1.9K 837
                                    

COMMEMORATE

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kay Harry na ngayon ay alam ko na ang tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na sekreto pala siyang nagbigay suporta. Akala ko ay wala na siyang pakialam kahit sa anak na lang niya.

Hindi ba ay ayaw niya naman talaga sa anak ko? Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya na ipalaglag ko ang bata. Salita lang iyon pero malaki ang naging epekto no'n sa akin.

"Mama, punta tayo Mars!"

Napatalon ako sa gulat nang kinalabit ako ni Amer. Kanina pa pala ako tulala habang binabantayan ang sinasaing ko. Nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Tiya Elena sa akin.

Gusto ko tuloy tanungin si Harry kung ano ba talaga ang plano niya. Hindi ko naman ipagkakait sa kanya ang anak ko. Sana naman ay makiramdam siya na ayaw ko siyang makasama.

Limang taon na ang nakalipas at naghilom na ang sugat sa puso ko.

"Anak..." Nagbaba ako ng tingin sa kanya at nasapo ko ang dibdib ko. "Ginulat mo ako, eh."

Ngumuso ang anak ko at inilahad sa akin ang isang papel. Umawang ang labi ko at agad itong tinanggap.

"Ano ito?" nagtatakang tanong ko sa papel na nakatupi.

"Mama, buksan mo raw!" ani Amer at napakurap-kurap pa ako nang bigla siyang tumakbo palabas ng kusina.

Napailing na lang ako at saka hininaan ang stove. Umupo ako sa monoblock chair at binuksan ang nakatuping papel.

Nang nabuksan ko, umawang ang labi ko at napasinghap sa nakita. Tahimik na binasa ko ang nasa papel.

'I'm sorry. Please let me stay...' - Harry.

Kumuyom ang kamao ko at halos hindi na ma-itsura ang papel dahil sa panggigil ko. Marami akong gustong itanong sa kanya pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Inis akong tumayo at ibinasura ang papel.

Kung gusto niya talaga dito pansamantala, gagawa siya ng gawaing bahay! Hindi naman puwedeng ako na lang lahat.

***

"Sige, papayag ako na dito ka titira pansamantala," mariing sambit ko at pinandilatan siya ng mata.

Wala na akong magawa. Hindi ko naman ito bahay at talagang gusto rin ng anak ko na makasama ang ama niya.

Umawang ang labi niya sa narinig. "Really?"

Napangiwi ako nang marinig ko ang kagalakan sa kanyang boses.

"Tandaan mo na pansamantala lang." Humalukipkip ako sa harapan niya. "Hindi ko alam kung ano ba talaga ang balak mo at bakit gusto mong dumikit dito, eh. Mayaman ka naman. Puwede ka mag-hotel at dalawin na lang si Amer araw-araw dahil may kotse ka naman. Pero sige, pagbibigyan kita dahil kahit paano, mabait ka naman sa anak ko." Umupo ako sa tapat niya at tiningnan siya ng mariin. "Ngunit marami kang hindi at dapat gawin."

Umayos siya ng upo.

"What do you want me to do, then?" kalmado niyang tanong sa akin at pinagsalikop ang kanyang sariling kamay.

Umangat ang gilid ng labi ko. Kalmado mo, ah.

"Dahil magtatrabaho ako, ikaw ang gumawa ng gawaing bahay. Ikaw maghahatid kay Amer sa school at ikaw ang mag-iigib ng tubig," paliwanag ko sa kanya sa mga gagawin niya.

"Alright, and then?" Ngumiti siya sa akin kaya lumabas ang kanyang malalim na dimple. Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.

Kadalasan talaga sa mga may dimple, mga demonyito, eh. Kaya pala magkaugali sila ng anak ko.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα