Kabanata 3

96.6K 2.6K 191
                                    

PROVINCE

Nasa South bus terminal ako ngayon dito sa Cebu. Gabing-gabi na at malaki pa ang tiyan ko kaya pinagbabawalan ako ng conductor na bumyahe dahil delikado raw ang gabi sa mga buntis.

"Sige na po," pagmamakaawa ko. "Gusto ko nang umalis."

Nagmumukha na akong tanga habang nakikiusap sa conductor na awang-awa na sa kalagayan ko.

"Ma'am, bukas na lang po kayo bumyahe. Gabi na po talaga at last trip na po ito. Bukas na lang po, Ma'am."

Bigo akong napaupo sa upuan. Yakap-yakap ko ang bag na dala ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Masyado lang siguro akong natakot kaya ko gustong umalis. Walang-wala na ako at natatakot ako na baka pati ang anak ko, mawawala na rin sa akin.

Insultong-insulto ako noong in-offer-an niya ako ng pera. Para tuloy akong naging bayaran kapalit ng paglabas ko sa anak niya. Tanggap ko na hindi talaga puwede, na hindi niya talaga ako kayang mahalin. Tanggap ko na galit siya sa akin dahil sa akin siya nakatali. Hindi ko lang talaga tanggap na may gano'n pala siya na plano.

Wala akong magawa kundi ang buksan ang phone ko. Balisa ako habang nagtitipa sa phone number ni Annaliza, ang tanging kaibigan ko sa siyudad na ito. I need her help. Kailangan ko siya kasi gusto ko na makaalis agad sa siyudad. Gusto kong magtago. Baka siguro maisip ni Harry na huwag akong hanapin dahil puwedeng-puwede naman siyang gumawa ng pamilya kasama ang mahal niya.

Ilang tawag pa ang subok ko bago tuluyang nasagot ng aking kaibigan.

"Omg!" agad na tili ni Annaliza sa kabilang linya. "Bea, finally, nagparamdam ka na rin! Gabing-gabi na. I was about to sleep when you called."

Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili dahil sa sinabi niya. Naisturbo ko yata siya ngunit kailangan ko nang makaalis dito. Kailangan ko nang lumayo. Limang buwan din ang tiniis ko para lang magustuhan niya ako pero puro sakit lang din ang naranasan ko.

"A-Anna," nanginginig at nauutal kong sambit sa kanyang pangalan.

Narinig ko sa kabilang linya ang kanyang pagsinghap at pagkahulog ng isang bagay.

"Bea, bakit ka umiiyak?" may pag-aalala sa tanong niya. "May masakit ba sa iyo? Sinaktan ka na naman ba ng asawa mo?"

"U-Umalis ako..." panimula ko at napatingala upang hupain ang luha sa aking mata. "P-Puntahan mo ako rito, please."

Dumaloy ang luha mula sa aking mata patungo sa aking pisngi. Sikip na sikip na ang dibdib ko at dumagdag pa ang lamig sa terminal. Para akong tuta na walang amo.

"Nasaan ka ba? Sandali! Buntis ka pa naman! Lumabas ka sa gabi? Jusko naman Bea, eh!" sermon niya at narinig ko mula sa phone niya ang pagmamadali. Narinig ko rin ang pagsarado ng pinto.

"Nasa terminal..." tanging sagot ko na pinagmasdan ang papaalis na bus. Binaba ko na ang tawag at napayuko na lamang.

Sa gilid ng mata ko, nakita ko na sinara ng guard ang gate bago lumapit sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"Ma'am, hindi pa po ba kayo aalis? Delikado pa naman, Ma'am. Gabi na," ani ng guard.

"D-Darating ang kaibigan ko. Saglit lang po."

Tumango ang guard at bumalik sa puwesto niya. Tiningnan ko ang orasan na malapit lamang sa kanyang puwesto. Malapit na mag alas onse ng gabi at tingin ko ay magsasara na ang terminal mamaya. Hindi ko alam.

Ilang saglit lang bago pa man ako mabagot ay dumating si Anna na may dalang jacket. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha nang tuluyan na siyang nakalapit.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now