Kabanata 28

63.4K 1.6K 169
                                    

CHANCE

"Mama!"

Sa paglabas ko pa lang ng kotse ni Harry ay sinalubong na ako ng yakap ng anak ko.

"Mama, si Papa?" umaasa na tanong ni Amer nang tumingala siya sa akin sabay tingin sa kotse. "Sa kanya ba ang kotse na sinakyan mo?"

Sasagot na sana ako ngunit lumabas na si Harry sa kanyang kotse dala-dala ang mga plastic bag na naglalaman ng mga grocery na binili namin kanina.

Nakita ko ang pagbilog ng mata ng anak ko at agad tumakbo patungo kay Harry.

"Papa!" masayang sambit ng anak ko sabay yakap kay Harry nang nakalapit.

Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan sila. Sobrang saya ng anak ko at tingin ko ay may tama na rin akong ginawa.

Kinagat ko na lamang ang labi ko sabay iwas ng tingin. Parang hinaplos ang puso ko sa nakita. Makita lang na masaya ang anak ko ay sapat na sa akin at puwede na akong makatulog nang maayos.

***

"Papa, nakakuha ulit ako ng star!" narinig kong kuwento ng anak ko kay Harry habang naghuhugas ako ng pinggan sa lababo.

Patigil-tigil ako sa paghuhugas dahil nakikinig ako sa kanilang pinag-usapan. Nang nasilip ko ay nakita ko ang malaking ngiti ni Harry habang pinapakita sa kanya ni Amer ang papel.

"Wow, ang galing!" wika ni Harry at mahinang pumalakpak.

Hindi na mapawi-pawi ang ngiti ng anak ko. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan niya at ayoko na mawala iyon.

Mahina na lamang akong napailing at saka tinapos na ang paghuhugas ng pinggan dahil magluluto pa ako ng hapunan. Hindi ko alam kung hanggang kailan si Harry dito pero tingin ko ay hindi naman siya magtatagal lalo na't may responsibilidad na siyang hinaharap. Sana kahit gano'n ay mabigyan niya ng kaunting oras si Amer para hindi na ito malulungkot.

Nang natapos na kaming kumain ng hapunan ay hindi na humiwalay ang anak ko kay Harry. Siguro ay miss na miss na ng anak ko ang Papa niya kaya siya ganiyan o hindi kaya natakot na baka aalis ulit.

Kumirot ang puso ko sa posibleng dahilan ng anak ko. Ipapaliwanag ko na lamang siguro nang mabuti sa anak ko na may trabaho ang Papa niya kaya hindi niya ito makikita araw-araw.

"Anak, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ko sa anak ko at medyo napahikab habang nasa may pintuan ako ng kuwarto namin.

Nakabihis na ako ng pantulog at alas otso na ng gabi kaya kailangan nang matulog ng anak ko.

Ngumuso ang anak ko at binalingan niya si Harry na ngayon ay nasa akin na ang tingin. Napalunok ako at pilit na hindi pansinin ang kanyang nakakalusaw na titig.

"Mama, ayaw ko pang matulog," sagot ni Amer at mahinang nagpapadyak sa sahig. Kasalukuyan niyang hawak ang phone ni Harry. "Baka aalis na naman si Papa..."

Umawang ang labi ko at mahinang napasinghap. Sumikip ang dibdib ko sa narinig at wala nang lumabas sa bibig ko dahil sa gulat.

Hindi ko maiwasan ang mapaisip. Paano kung mahal ako ni Harry dati? Paano kung masaya siya na nabuntis ako? Paano kung naging mabuti sa akin si Harry noon kahit hindi niya ako mahal? Kung sana gano'n nga, hindi na sana ako umalis sa puder niya at hindi na mararanasan ng anak ko ang manghingi ng oras sa kanya.

"Hindi na."

Nagulat ako at napatingin kay Harry nang nagsalita siya. Nasa akin pa rin ang kanyang tingin kaya nangatog ang binti ko at umiba ang pakiramdam ko.

"Hindi na ako aalis, Bea," makahulugang sambit niya sa akin at binalingan ang anak ko na masayang-masaya na. "Hindi na aalis ang Papa mo, Amer."

"Talaga, Papa?" Umalingawngaw ang boses ni Amer sa buong bahay. "Promise iyan?"

"Uhuh...I promise," ani Harry sabay tingin sa akin.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at tumalikod na lamang pabalik a kuwarto namin ni Amer. Sa pagtalikod ko ay bumilis ang tibok ng puso ko.

***

"Ito na ang unan mo at kumot," mahinahon ko na sambit sabay lapag ng mga dala ko sa upuan dito sa sala. Hindi ko siya tiningnan dahil naiilang ako.

At isa pa, kami na lang dalawa ang gising dahil tulog na ang anak ko.

Nang nailapag ko na ay saka ko lang siya tiningnan. "Pagpasensyahan mo na at hanggang ngayon ay dito ka pa rin matutulog. Wala kasi kaming extra kuwarto at sobrang liit lang din ng kuwarto namin ni Amer."

At naglakad na ako patungo sa may bintana at sinara ang kurtina. Habang ginagawa ko iyon ay patuloy naman ako sa pagsasalita.

"Ikaw na ang magbukas sa electric fan," wika ko at nang natapos kong isara ang kurtina ng mga bintana ay tiningnan ko muli si Harry na nasa akin pa rin ang tingin, nakaawang ang labi. "M-Matutulog na ako."

Akmang aalis na sana ako ngunit bigla niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko. Nagulat ako sa kanyang ginawa at tiningnan siya.

"Ano?" inis ko na tanong at kinunutan siya ng noo.

Huminga siya nang malalim. "Can I stay here?"

Kumunot lalo ang noo ko. "Stay here? Paano ang trabaho mo? Ang responsibilidad mo?"

Umiling siya sabay bitiw sa laylaylan ng damit ko. Umayos siya ng upo. "May saglit na papalit sa akin bilang CEO."

Namilog ang mata ko.

"I just want to be with Amer," dagdag niya at mapungay na akong tiningnan. "I want to be with you."

Napasinghap ako. "Harry—"

Nagulat ako lalo nang hinawakan niya ang kamay ko kaya saglit akong napatingin doon.

"Alam ko na hindi mo ako kayang paniwalaan. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na totoo itong nararamdaman ko. I think this is not just a simple attraction, Bea Samantha. Hindi ka na mawala sa isip ko. Dito..." Tinuro niya ang dibdib niya. "Kapag naiisip kita, bumibilis ang tibok ng puso ko. I am still mourning. I am still broken but I don't want to lose a chance."

"H-Harry..." Umiling ako. "Matulog ka na. Wala akong panahon—"

"Wala akong pakialam." Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Huwag mo na akong itaboy. Please give me a chance to express myself to you—"

"Ayoko nga sabi!" Tumaas ang boses ko sa sobrang inis. Nabitiwan niya rin ang kamay ko nang puwersahan ko itong inilayo sa kanya. "Huwag ka nang magsayang ng oras sa akin, Harry. Hanggang ngayon, naalala ko pa rin ang lahat ng ginawa mo sa akin. Ang masasakit mong mga salita na hanggang ngayon ay baon na baon ko pa rin. Kaya hindi mo ako masisisi kung hindi ako agad-agad maniniwala sa iyo. After all, you want me dead, right? You want me dead!"

Nangilid ang luha sa aking mata ngunit agad ko itong pinalis. Ayoko nang umiyak muli sa harap niya.

"I-I know..." Sinubukan niyang abutin muli ang kamay ko ngunit umatras ako. Kita ko na nasaktan siya sa ginawa ko. "I know. I am a bad person. Alam ko rin na nasaktan kita at hindi ko na iyon maibabalik, Bea. But please, give me a chance not just as a father of Amer but also a chance to be your husband again."

Nagsusumamo na ang kanyang mata at kusa siyang tumayo upang mahawakan muli ang kamay kong nanginginig. Malamig ko siyang tiningnan at muling hinablot ang kamay ko palayo sa kanya.

"Harry, ang chance, ibibigay iyan sa taong deserving. Binigyan na kita ng chance at iyon ay ang makilala at makasama ang anak natin. Iyon lang. Huwag mo akong pakialaman."

Siguro ang pakipot ng dating ko. But I know myself. Hindi ako marupok. Hindi ako basta-basta bibigay dahil lang sa sinabi niya iyon. Ayaw ko lang na masaktan ulit. Tama na 'yong una pero huwag na sa pangalawa.

I am his runaway wife. Umalis ako sa puder niya dahil hindi ko nakayanan lahat ng pinaramdam niya sa akin. Umalis ako para magbagong buhay. Umalis ako upang punan ang mga kulang sa akin.

At kung tatakbo man ako muli palayo sa kanya ay gagawin ko iyon. Ang hirap magtiwala sa taong sinaktan ka na. Ang hirap magmahal muli. 


----

A/N:: Hi, I am really sorry na hindi ako nakapag-update. Naging busy kasi ako sa buhay ko and unexpected po na nangyari.  Salamat po sa pag-iintindi. Thank you. 

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now