Kabanata 30

68.1K 1.6K 292
                                    

CRIMSON RED

"Mama!"

Natigil ako sa pagbalik sa kusina nang makita ko ang anak ko na kumakaway sa akin. Hindi na masyadong busy kaya nakapagpahinga ako.

"Tinawag ka ng anak mo, Bea. Wala pa namang bagong customer kaya puntahan mo na," mahinahong wika ni Oreo sa akin habang hinuhubad niya ang kanyang suot na apron.

Saglit akong napatingin sa kanya bago ako tumango at pinuntahan ang anak ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang naramdaman ko na nakatitig si Harry sa akin. Hindi ko siya tiningnan at dumiretso na ako sa anak ko.

"Anak, gutom ka na ba?" tanong ko at yumuko ako upang magka-level kaming dalawa. "Ano ang gusto mo?"

Hindi pa man nakasagot ang anak ko ay biglang nagsalita si Harry kaya napabaling ako sa kanya.

"Join us, Bea," ani Harry at naghila pa ng upuan sa tabi niya.

Napalunok ako at agad umiling. "Hindi na. May trabaho pa ako." Nag-iwas ako ng tingin at saka hinaplos ang buhok ng anak ko. "Kayo muna ang kakain, anak. May trabaho pa ako."

"It's twelve," ani Harry at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin niya sa relo niya na mamahalin. "Let's eat lunch together, Bea."

"Harry..." Binalingan ko siya. "Sasabay ako sa mga kasamahan ko."

Umigting ang panga niya. "It's lunch time. Sit here. I will order."

"Mama, sabay na tayong kumain." Napatingin ako sa anak ko nang hinila niya ang laylayan ng damit ko.

Aalma na sana muli ako nang biglang tumayo si Harry mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at puwersahan niya akong hinila at pinaupo sa tabi niya. Napatingin tuloy sa amin ang mga katrabaho ko. Nakita ko pa si Jessica na kinikilig at si Erika na napairap. Bigla tuloy akong nahiya.

Agad kong binawi ang kamay ko kay Harry at tumikhim.

"A-Ano ba ang gusto niyo?" naiilang ko na tanong at medyo na-conscious dahil sa braso ni Harry na nasa likod ng upuan ko. Para siyang nakaakbay sa akin.

Niliitan ako ng mata ni Harry sabay nguso. "What do you want to eat?"

Tiningnan ko siya. Nag-angat siya ng kilay sa akin at ngumiti pa.

Bumuntonghininga ako. "Kahit ano na lang. Hindi naman ako mapili sa pagkain ditto. Lahat naman ay masasarap," ani ko at binalingan ang anak ko. "Anak, ano ba ang gusto mong pagkain?"

"Mama, gusto ko 'yong isda!" maligayang wika ng anak ko sabay turo san aka-display na picture. "'Yong masarap!"

Tatayo na sana ako para kunin ang order nila ngunit pinigilan ako ni Harry.

"Stay here. We will eat. You are not going to serve us right now. You are not a waitress." Ngumiti siya sa akin at inangat niya ang kanyang kanang kamay.

Kumunot ang noo ko sa ginawa niya ngunit kalaunan ay naintindihan din dahil biglang lumapit si Erika.

"Ano po ang gusto ninyong order?" malambing na wika ni Erika at matamis na ngumiti kay Harry.

Hindi ko maiwasan ang mapaismid.

"The usual. Make it two. My baby wife will eat with me," kaswal na sagot ni Harry kay Erika.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya at napayuko. Bakit kailangan niya pang sabihin iyon kay Erika? Baby wife? Ang cringy.

Inis akong nag-angat ng tingin kay Harry nang nakaalis si Erika.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now