Kabanata 16

72.6K 1.8K 219
                                    

PAG-AMIN

"Gaya ng sabi ko, hindi ako makapapayag na dito ka titira," mariin kong sambit nang lumabas ako mula sa kuwarto ko.

Gabi na ngayon at marami akong iniisip. Hindi ko kailanman pinangarap ulit na makasama siya sa iisang bubong dahil hindi maganda ang naging experience ko noon.

Tumigil sa pagbuklat ng newspaper si Harry at nag-angat ng tingin sa akin.

"I already asked permission—"

"Wala akong paki, Harry!" Tumaas ang boses ko. "Ang mali mo, hindi mo kinonsider ang feelings ko. You think gusto kitang makasama rito?"

Umawang ang labi niya at saka ibinaba ang newspaper sa center table. Bumuntonghininga siya.

"I get it. Hindi naman ako tatabi sa iyo—"

"Wala nga sabi akong pakialam!" Sinubukan kong hinaan ang boses ko para hindi kami marinig ng anak ko. "Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang balak mo, Harry. Pinayagan na kitang makasama ang anak ko, pero ang tumira rito sa kung aan nandito ako? Hindi ako makakapayag." Umiling ako.

Kumunot ang noo niya at tumayo. Salubong ang kilay ko at umatras nang humakbang siya palapit.

He towered over me.

"Why?" tanong niya. "Bakit naman hindi?"

"Tinatanong pa ba iyan, Harry?" Nang nagtama ang paningin namin ay aagd akong nag-iwas ng tingin. "Alam mo na ang sagot kung bakit."

"I am your husband, Bea. You are my wife," kalmado niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya.

"Kailan mo ba ako titigilan sa kagaganyan mo?" Mas lalong kumulo ang dugo ko. "Kaya nga, eh! Bakit ba hanggang ngayon ay asawa mo pa rin ako? Sana matapos na ang kahibangan na ito. Hindi na kita asawa. Wala akong asawa at hindi ka naging asawa sa akin. Alam mo, hindi ko naman ilalayo sa iyo ang anak ko kung gusto mong bumawi, eh."

Tinulak ko siya sa dibdib at akmang tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinaharap muli sa kanya.

"Ano ba?" Tinampal ko ang kamay niya.

Bigla akong natigilan sa pagpupumiglas dahil sa kanyang seryosong tingin. Para akong hinihigop. Ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I will do everything..." Lumunok siya at inilapit ang sarili sa akin. "To win you back."

Napasinghap ako sa narinig.

"I may be the cruelest person you have ever met and you probably wished for my karma to happen. But I just want you to know that I am sincere, Bea. I won't beg for you to forgive me because of what I did before. But I beg for a second chance."

Marahan niyang binitiwan ang braso ko at lumipat sa buhok ko. He caressed my hair. "I will make you fall again."

Nanindig ang balahibo ko sa narinig. Fall? I won't fall in love again. Not with the same person.

Pinagtagpo ko ang labi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Thank you, Harry." Tinulak ko siya sa dibdib kaya napaatras siya. "But I am not the girl you hate five years ago..." malamig kong sinabi at tinalikuran siya.

Bumalik ako sa kuwarto na may bigat na dala-dala.

Ang hirap niyang paniwalaan sa totoo lang. Bakit kailangan niya pa akong paibigin kung anak niya lang naman ang habol niya? Puwede naman iyon, hindi ba?

Bakit ganito ako? Kas alam ko sa sarili ko na wala talaga siyang feelings sa akin. To him, I was just a stranger na naikama niya noon.

Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa kama at niyakap ang natutulog na si Amer.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat