Kabanata 7

99.6K 2.5K 1.5K
                                    


ICE CREAM

"Mama, bakit ka umiiyak?" malungkot na tanong sa akin ni Amer habang yakap-yakap ako.

Ang maliit niyang kamay ay nasa pisngi ko. Pasimple niyang pinunasan ang luha na dumaloy sa pisngi ko. Pumikit ako at niyakap ang anak ko. Hinalikan ko siya sa noo at nang nagmulat, inayos ko ang kanyang kumot.

"Mama, huwag ka na cry," sabi niya sa akin at malungkot na ngumuso. "Hindi na ako m-mamimilit sa iyo sa p-pagsama, basta huwag ka na cry."

Kumirot ang puso ko sa narinig. Hindi dapat nakita ng anak ko ang ganitong side ko. Ngunit hindi ko mapigilan ang luha ko. Tumatak pa rin sa isip ko ang masakit na sinumbat sa akin ni Harry. Hindi ko akalain na iyon lang ipinunta niya rito, para insultuhin ako.

Pinirmahan ko na ang annulment paper at kung hindi man iyon naasikaso, wala na akong pakialam doon. Para sa akin, wala na talagang kami. Nabuntis niya lang naman ako at napilitan lang siyang pakasalan ako dahil sa magulang niya.

"H-Hindi..." Nanginig ang boses ko at hinaplos ko ang kanyang buhok. "Hindi na iiyak si Mama." At ngumiti ako sa kanya.

Kinabukasan ay lumiban ako sa trabaho upang samahan ang anak ko na mag-enrol sa day care. May saktong ipon na ako at tingin ko ay sakto na ang edad niyang four para mag-aral.

"Wow, ang pogi-pogi naman ni Ame!" puri ni Tiya Elena habang pinagmamasdan ang anak ko na pormang-porma.

Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sobrang excited ng anak ko. Gusto na niya kasing humawak ng lapit at mag-aral. Siguro sobrang talino nitong si Amer katulad ni Harry.

Napawi ang ngiti ko nang maalala ko na naman si Harry. Bumuga ako ng hangin at saka napailing na lamang.

"Excited na ba si Ame?" nakangiti kong tanong sabay pisil sa kanyang ilong na matangos.

Sinuklian niya ako ng isang malaking ngiti sa labi at tumango. "Opo! Gusto ko po mag-aral!"

Parang nilusaw ang puso ko sa narinig. Kahit malaki ang pagkukulang ko sa kanya ay pinalaki ko pa rin siyang isang magalang at masunuring bata. Hindi man siya palakaibigan ngunit may mabuti naman siyang puso.

Nagpapasalamat ako na hindi siya nagmana kay Harry. Hindi ko kakayanin na gano'n din ang gagawin ni Amer sa magiging asawa niya. Ayokong maranasan ng asawa niya ang naranasan ko.

Umayos ako ng tayo at humarap kay Tiya Elena. "Tutungo na po kami, Tiya."

Tumango siya at ngumiti sa akin. "Sige. Mag-ingat kayo. Hindi na ako sanay na walang Ame rito sa bahay!"

Hindi masyadong kalayuan ang day care sa barangay ng Matutinao dahil nalalakad lang ito. Hawak-hawak ko ang maliit na kamay ng anak ko habang papatungo kami sa kanyang magiging school.

"Hello, Misis!" maligayang bati sa akin ng guro at nagbaba ng tingin kay Amer na ngayon ay tahimik na pinagmamasdan ang mga bata na nasa kanilang kani-kanilang mga upuan.

"Ah, puwede pa bang ma-enrol itong anak ko?" tanong ko sa guro sabay ngiti.

Tumango agad ang guro at naglakad patungo sa kanyang lamesa sabay upo sa upuan. Sumunod ako sa kanya at nakita ko na may kinuha siya na form.

"Puwede pa naman, Misis, since bago pa lang kami nag-start." Sinulyapan niya ang anak ko bago ibinalik ang tingin sa form. "Dala mo ba ang requirements?" Tiningnan niya ako.

"Ah!" Mabilis kong binitiwan si Amer at kinuha ang envelope na naka-ipit sa kilikili ko at saka ko binuksan. Nilabas ko ang mga documents at saka nilapag sa lamesa. "Ayan."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now