Kabanata 25

63K 1.6K 226
                                    

OUT

Gagawin ko ang lahat para kay Amer. Kahit kailangan kong i-set aside ang feelings ko ay okay lang. Ayokong maging malungkot ang anak ko at ayokong tumigil siya sa pag-aaral.

My son is a wonderful kid at matalino gaya ni Harry. Ayoko na ako ang isa sa magiging dahilan ng pagtigil niya. I want him to continue what he really loves at alam ko na mahal niya ang pag-aaral.

Kaya ngayon, pupunta ako muli sa syudad. Didiretso na lang siguro ako sa kompanya nila. Hindi naman ako magmamakaawa. Sasabihin ko lang sa kanya na miss na siya ng anak niya na kahit tawag lang para maibsan ang kalungkutan ng anak ko.

Hindi ko alam kung ano ang kalagayan ni HAry ngayon pero alam ko na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng daddy niya.

"Gaga, absent ka ngayon?" gulat na tanong ni Jessica sa kabilang linya habang naghihintay ako ng bus na dadaan. "Mabuti at hindi masyadong maramo ang customer ngayon!"

Napatango ako ako at luminga-linga. "Oo nga, eh. Pasensya ka na talaga, Jessica. May pupuntahan lang ako."

"Oo, sige, sagot kita..."

Tumango ako at binaba na ang linya. Simple lang ang suot ko ngayon. Isang puting blouse na may kaunting mga bulaklak na disenyo at skinny jeans na black. Ang aking buhok ay nakatali at tanging pabango lang ang nilagay ko sa katawan ko.

Nang may paparating na bus ay agad ko itong pinara at sumakay. Malabit sa bintana ako umupo at tahimik na nanalangin na sana ay may maiuwi akong magandang balita para sa anak ko.

***

Tatlong oras ang byahe bago nakarating sa bus terminal. Kinailangan ko pang mag-taxi bago makarating sa Salazar company. Sa pagkakaalam ko, mga wine ang product nila na sikat na sikat rin hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin.

Nalula ako sa lawak at matayog na building. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil ang hugis ng building ay mala-wine bottle din. Sa sobrang lula ko ay hindi ko namalayan na muntik na akong nabangga ng isang babae na nagmamadali sa pagpasok sa building.

Wala akong alam kung paano makakapasok sa kompanya na ito pero may dala naman akong I.D kung sakaling hahanapan. First time ko na makaapak rito kaya kabadong-kabado ako.

"Miss, gusto mong pumasok?"

Nagulat ako nang kinalabit ako ng guard na nasa entrane. Maamo ang kanyang mukha at may edad na. Ngumiti siya sa akin at tinuro ang loob.

"Kanina ka pa nakatayo. Dito ba ang sadya mo?" mahinahon niyang tanong.

Mahina akong tumango at hinarap siya. "Nandito ako para kay Harry Salazar," sabi ko na ikinagulat naman ng guard.

"Ang bigatin naman ng sadya mo, Miss! Mukhang imposible iyan!" aniya sabay iling. "Kaano-ano ka ba niya?"

Napalunok ako at hindi alam ang isasagot.

"Uhm..."

"Alam ko naman nagbibiro ka, Miss!" Humalakhak siya sabay nguso sa entrance. "Pumasok ka, ipakita mo sa akin ang I.D mo."

Kinagat ko ang ibabang labi ko at unti-unting inilahad sa kanya ang I.D ko. Kumunot ang noo ni Manong guard at binasa ang nasa I.D ko.

"Bea Samantha L. Salazar..." Umawang ang labi ni Manong guard sabay angat ng tingin sa akin. "Pinsan mo ang boss dito?" gulat na tanong niya sabay pasada sa akin mula ulo hanggang paa.

Wala akong magawa kundi ang tumango. Bakit kasi ito pa ang dala ko na I.D?

"Sige, pasok ka. Ikaw na bahala maghanap. Pinsan mo naman pala..."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now