Kabanata 36

55.1K 1.6K 282
                                    

LOVE

"Ano mo si Ella kung hindi mo siya minahal?" mahina kong tanong habang nasa dulo ako ng kama. "Kung hindi mo siya mahal, bakit palagi siyang lumalapit sa iyo?"

Magkalayo kami ngayon. Hindi ko pa rin mai-proseso sa utak ko ang sinabi niya.

Mahal na niya ako? Bakit?

Huminga siya nang malalim at umamba pang lalapit sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Huwag ka munang lumapit!"

"Why?"

Kinagat ko ang labi ko at nag-iwas ng tingin. "Baka buntisin mo ako!"

Kinuyom ko ang kamao ko. Ang taray ng plano niya ah? Akala niya naman yata ay madali magbuntis! Siya kaya manganak!

Mahina siyang natawa. "Come on, Bea. Alam kong darating din tayo riyan pero hindi muna ngayon."

Hindi makapaniwalang binalingan ko siya. "At planado mo na, ah! Galing..."

"Bea..."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko," malamig kong sinabi at niyakap ang unan.

"Fine!" Bumuntonghininga siya. "She was my ex-girlfriend, okay? I broke up with her before I even met you."

"Minahal mo nga," bitter ko na sabi.

"What? No!" Umiling siya. "We were so young back then and mom didn't like her. Wala na kaming koneksyon ngayon matagal na but I have to deal with her because she's my mom's client at kahit tinanggihan na siya ni Mommy ay nagpumilit pa rin siya."

"Gusto ka niya," ani ko.

"At ikaw ang gusto ko," mariin niyang sambit. "Let's not talk about her and come closer to me."

Umirap ako sa kanya at niyakap ang sarili. "Ano ka, sinuswerte?"

Pinoproseso ko pa ang lahat ng sinabi niya. S'yempre may galit at inis sa puso ko sa plano niya pero mabuti at siya mismo ang umamin. Mas masakit kung sa ibang tao ko pa narinig.

At talaga bang mahal niya ako?  O baka isa ito sa plano niya? Na paibigin ako. Napakarami naman niyang plano. Balak ba niya maging planner?

"You still don't believe me?" nanghihina niyang tanong.

"Ewan ko..." Tumalikod ako sa kanya.

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at naramdaman ko ang kanyang pagtayo.

"Alright. If you don't want to talk, then I will give you some space. But I am not lying about today. Totoo ang sinabi ko..."

Iyon lang ang sinabi niya bago lumabas ng kwarto. Nakahinga ako nang maluwag at humiga sa kama.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinunasan ang namumuong luha sa mata ko.

"I can't believe it," bulong ko sabay pikit.

**

Tatlong araw ang nagdaan na hindi ko kinausap si Harry. Ayoko lang siyang imikin dahil hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang sinabi niya.

"Mama, uuwi na raw si Lola ngayon!"

Natigil ako sa pagwawalis at binalingan ang anak ko.

Wala si Harry ngayon. Hinatid ang Mommy niya pabalik sa city. Ang sabi niya ay babalik siya pero hindi na ako umasa pa.

"Talaga?"

Tumango ang anak ko. "Oo, Mama!"

Kumunot ang noo ko nang dala ni Amer ang cellphone ni Harry.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now