Kabanata 2

97.1K 2.7K 1K
                                    

PIRMA

Kinalimutan ko na lamang ang pangyayaring iyon at nag-focus na lamang sa anak ko. Hindi siya sumasama sa akin sa mga check ups ko at tanging ako lang mag-isa o kung minsan ay si Manang ang sumasama sa akin. Napagkamalan na rin akong single mom kahit may asawa naman ako.

Ni minsan, hindi man lang niya ako kinumusta. Hindi ko na siya masyadong ginugulo sa tuwing ginugutom ako sa gitna ng gabi. Minsan, narinig ko siyang may katawagan na babae habang nakahiga ako patagilid sa tabi niya, nakatakip ng kumot at pinipigilan ang sarili sa pag-iyak. Tiniis ko ang lahat ng sakit. Pero dahil doon, bumalik ulit ang lakas ng loob ko na mag-effort para sa kanya. Kahit alam kong tagilid, umaasa pa rin ako na balang araw, lilingunin niya rin ako na walang galit sa kanyang mukha. Balang araw, lilingunin niya rin ako na may ngiti sa kanyang labi.

Tumikhim ako. "Harry..." tawag ko sa kanyang pangalan.

Narito ako sa opisina niya. Kahit bawal akong papasukin ay pumasok pa rin ako. Hindi pa kasi siya kumakain at ayaw ko na magugutom siya kaya naman ay nagluto ako ng kanyang agahan. Gusto ko sabay kaming kumain kaya nilakasan ko talaga ang loob o para lang makaapak sa opisina niya.

Busy si Harry sa mga papeles na nakalapag sa lamesa. Hawak niya ang mamahaling ballpen habang nakakunot ang noo. Maya-maya ay nag-angat siya ng tingin sa akin.

Umawang ang labi niya at napaayos ng upo. "What do you want?"

Nanindig ang balahibo ko sa kanyang malamig na boses. Kita ko rin ang pagsuyod niya sa katawan ko bago kumurap at tiningnan ako ng matalim.

Hindi ko maiwasan ang kabahan. Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko bago ko siya sinagot.

"K-Kain na t-tayo, p-pinagluto kita," nahihiyang pag-aya ko at bahagyang namula nang pumiyok ako sa huling salita. Tumikhim ako at mariing kinagat ang labi.

Matagal niya akong tiningnan bago bumuntonghininga at tumayo. Nagkaroon ako ng pag-asa at tumalbog nang malakas ang puso ko sa saya nang tumango siya. Nawala tuloy ang kalungkutan ko kasi first time ko siyang makasabay sa agahan.

Inilapag ko sa harap niya ang pinggan, kutsara, at tinidor. Masaya ko ring kinuha ang niluto kong scrambled egg at pinagtimplahan ko pa siya ng kape. Kahit na salubong ang kilay niya ay hindi ko pa rin maitanggi na guwapo siya. Kahit hindi man niya ako tiningnan, masaya na ako na pinaunlakan niya sa unang pagkakataon ang agahan na ito.

"Kakainin ko ito kasi niluto mo ito," malamig niyang sambit sabay angat ng tingin sa akin. "But don't show yourself to me and my girlfriend. Bibisita siya rito, sa kuwarto ka lang. I don't want to ruin her mood."

Napawi ang ngiti ko at napalitan ng kirot sa dibdib. Tahimik na kumakain si Harry habang ako nakatulala na lamang habang iniisip ang posibleng gagawin nila ngayon.

Akala ko pa naman ay sasaya ang araw ko pero hindi pa pala. At may girlfriend na pala siya. Ito siguro ang isa sa mga technique niya upang saktan ako lalo. Pero matatag ako kaya kinaya ko. Kinaya ko ang lahat. Kinaya kong makita silang magkasama sa balcony, nagyayakapan habang nakatanaw sa kalangitan.

Hindi ko maiwasan ang mainggit. Bunga lang ng one night stand ang pagbubuntis ko. We were both drunk and we both lost control. Sa sobrang baliw ko sa kanya noon, naging stalker niya ako noong wala pang nangyari sa akin. I never saw him with a girl that time. He was just drinking with his friends. Hindi ko akalain na nangyari sa amin at nabuntis pa ako.

Likod lang ng babae ang nakita ko pero alam ko na maganda at parang modelo, sa katawan pa lamang at postura. Nasa may pintuan lang ako ng kuwarto namin, nakadungaw sa kanila. Akmang isasara ko na sana ang pinto dahil ayoko nang makita ang masakit na eksena ngunit nang marinig ko ang kanilang pinag-usapan. Hindi ko mapigilan ang sarili na makinig.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now