Kabanata 9

89.6K 2.3K 502
                                    

WIFE

"Anak, dito ka muna, ha? Makipagkaibigan ka," mahinahong sambit ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang kanyang mukha.

Malungkot na tumango siya sa akin sabay kuha sa bag niya na hawak ko. Ngumiti ako at nilingon ang bandang pintuan. Hindi pa nagsisimula ang klase kaya hindi siya late.

"Huwag kang magsusungit sa mga kaklase mo at makinig sa teacher," paalala ko pa nang tingnan ko siya ulit. "Babalik ako rito pagkatapos ng klase mo kasi magtatrabaho pa si mama, ah?"

Tumango siya muli at hinalikan ako sa pisngi bago siya pumasok sa loob ng kanyang silid-aralan. Inayos ko ang pagtayo ko at pinagmasdan ang anak ko na umupo sa kanyang upuan malapit lamang sa bintana. Kumaway siya sa akin kaya napangiti ako lalo. Kung wala lang talaga akong trabaho ay baka buong araw na akong narito, pinagmamasdan siya ngunit hindi puwede iyon dahil kailangan ko ring kumayod para sa kanya. Lumalaki na ang anak ko at hangga't maaga pa ay mag-iipon ako ng pera.

Kumaway ako kay Amer bago ako tumalikod. Medyo natigilan pa ako nang nakita ko si Harry sa kanyang sasakyan. Napailing na lamang ako at nagsimula nang maglakad para magpunta na sa aking trabaho.

"Hey!"

Naramdaman ko ang pagmamadali niya palabas ng kanyang kotse at hinabol ako. Kumunot ang noo ko at napaatras nang hinarangan niya ako sa aking dinaraanan. Siguro ay gusto niyang makipag-usap kay Amer pero wala akong oras dahil may trabaho pa ako.

"Ah..." Inayos ko ang aking sarili at saka malamig siyang tiningnan. "Mamaya na lang tayo mag-usap tungkol kay Amer, May trabaho pa ako," mahinahong sambit ko.

Akmang lalagpasan ko na sana siya ngunit para akong napaso nang bigla niyang hinawakan ang braso ko upang patigilin ako sa paglalakad. Bumilis ang tibok ng puso ko at gulat siyang tiningnan. Kita ko rin na nagulat siya sa kanyang ginawa kaya agad niyang binitiwan ang braso ko at tumikhim.

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. Sobrang halata ng kanyang pagkabalisa. Parang hindi siya mapakali.

"Bakit?" nagtataka ko na tanong. "May trabaho pa ako, Harry," paalala ko sa kanya.

Napakamot siya sa kanyang batok at saka tinuro ang kanyang kotse na naka-park malapit sa gate ng school.

"Bakit?"

"I...hahatid na kita sa trabaho mo," aniya at nag-iwas ng tingin sa akin.

Bumuntonghininga ako at umiling. "Hindi na kailangan," tanggi ko agad.

Wala akong balak sumakay sa kotse niya tapos kami lang dalawa. Naalala ko lang ang mga sinabi niya sa akin noon. Mas gugustuhin kong lumayo sa kanya para hindi na masaktan ulit.

Hahakbang na sana ulit ako pero halos halos mabunggo ko ang dibdib niya nang mabilis niya akong hinarangan ulit. Mabilis akong umatras at inis na inangatan siya ng tingin.

"Ano ba?" inis na asik ko. "Mali-late na ako!" Tumaas ang boses ko kaya napalingon sa amin ang dumaraan na tao. Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

Tumikhim siya at kinalmot ang matangos niyang ilong. "Kakain ako ng agahan sa restaurant na tinatrabahuan mo..." mahinahon niyang sambit at mabilis na hinawakan ang palapulsuhan ko sabay higit patungo sa kotse niya.

"Magta-tricycle ako!" agad na tanggi ko at sinubukang hilain ang palapulsuhan ko na hawak niya.

Pero wala na akong magawa dahil nakatingin na sa amin ang ibang tao na dumaraan at hiyang-hiya na ako.

"Sige na...I won't bother you. Kakain lang ako," mahinahong sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto. Padabog akong pumasok sa loob ng kotse niya at napairap.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now