Kabanata 41

54.6K 1.4K 310
                                    

BELIEVE

Hindi ko muna kinausap si Harry. Naiiyak ako sa nalaman. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba iyon o hindi.

At saka posible naman talagang mabuntis siya, right? Hindi ko rin naman kasi hawak ang buhay ni Harry. Malay natin habang wala ako sa tabi niya ay nandoon siya kay Ella.

Pinalis ko ang luha sa aking mata habang nakaupo sa bench. Nasa may hardin nila ako habang nag-isip-isip. Masakit sa puso pero kailangan kong magpapakatatag. I just gave him a chance at kung totoo iyon, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.

Hindi lang ako lubos na masasaktan kung totoo man iyon, pati ang anak ko.

"You're so pathetic."

Natigil ako nang marinig ang boses ni Ella. Nakahalukipkip na siya ngayon habang nakangisi. Bumuntonghininga ako at tumayo. Hinarap ko siya at tiningnan gamit ang malamig kong mata.

"Hindi mo ba siya lulubayan?" tanong niya. "Nabuntis niya ako at kahit noon pa man, ako ang gusto niya na maging ina ng anak niya, Bea Samantha." Ngumisi siya sa akin.

Oo, naalala ko iyon. Hindi na iyon nawala sa akin. Alam ko noon na gusto ni Harry na si Ella ang gusto niyang maging ina ng anak niya. Pero noon iyon.

"Hay, bakit ka ba nagpapauto kay Harry, Bea?" Humakbang siya patungo sa akin. "Hindi ka pa rin ba talaga nadadala. Harry will never love you. Ako ang mahal niya at dahil may anak na kami..." Hinaplos niya ang kanyang tiyan "Magpapakasal na kami."

Kinuyom ko ang kamao ko. "Bakit ko naman siya hihiwalayan? Dahil lang sa may anak kayo?" Iniwasan ko na mautal.

Nagulat siya sa sinabi ko at mabilis akong tinulak. Galit na ang kanyang mata ngayon.

"Ano?!" singhal niya. "Hindi mo siya hihiwalayan?"

Ngumiti ako sa kanya. "Hindi..."

Namilog ang mata niya at napaatras.

"I just gave him a chance, Ella. Hindi naman siguro siya maghahabol ng todo sa akin kung gano'n nga. Kung buntis ka man, siguro hindi si Harry ang ama ng batang iyan."

Namilog muli ang mata niya. "At paano mo nasabi iyan!" singhal niya. "I love Harry and he loves me too! Pinakasalan ka lang naman niya noon dahil nabuntis ka niya!"

Hindi ko na siya sinagot at akmang lalagpasan ko na sana siya nang hinawakan niya ang braso ko. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"You will break up with him, Bea," mariin niyang sambit. "You will or else."

Bigla akong kinabahan dahil sa tindi ng galit niya. Agad kong hinila ang braso ko palayo sa kanya.

"Baliw ka na," sabi ko at saka siya iniwan.

***

"What's with the atmosphere?" nagtatakang tanong ni Tita Fely nang napansin niya na hindi kami nag-iimikan. Ella is still here at ang kapal ng mukha dahil tumabi pa talaga kay Harry.

"Ella, what are you doing here, hija?"

Ngumiti si Ella. "Tita, I am here because Harry will become a father!" proud niyang sambit.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at napayuko. Si Tita naman ay marahas na napasinghap.

"Ano?!"

"What the fuck, Ella? Umalis ka rito! Hindi ako nananakit ng babae pero baka ikaw ang unang makatikim ngayon!" galit na sigaw ni Harry na nagpagulat sa aming lahat.

Si Amer ay mabilis na lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Mama, g-galit po ba si Papa?" tanong niya habang humigpit ang kapit niya sa laylayan ng damit ko.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now