Kabanata 23

60.7K 1.6K 185
                                    

HELP

"Ang tahimik mo ngayon, ah," sambit ni Jessica sabay hipo sa noo ko. "Okay ka lang?"

Mahina akong tumango at in-off ang stove. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na napanguso si Jessica sa pagtango ko.

"Pansin ko na wala ang asawa mo. Ilang araw na. May nangyari ba?" nag-aalalang tanong niya at bumuga ng hangin. "Ikaw na rin ang sumusundo sa anak mo."

Bumuntonghininga ako at binalingan siya. "May nangyari kasi. N-Namatay ang daddy ni Harry..."

Umawang ang labi niya at kita ko ang guilty sa kanyang mata. "Kaya pala. Sorry."

Tipid ako na ngumiti. "Okay lang."

Naging normal naman ang trabaho ko. Hindi rin ako masyadong napagod dahil may bagong hired na cook. Natagalan lang ako sa pag-uwi dahil binisita ako ni Oliver.

"Oh, glow down yata ang nakikita ko," pabirong sambit ko nang nakita ang stress sa mukha ni Oliver. Hinihingal siya habang ang kanyang kamay ay nakatuko na sa kanyang tuhod. "Hinihingal ka. Saan ka galing?

Halos maiyak na siya sa harapan ko. "Bea, maawa ka sa akin. Tulungan mo naman ako..."

Umangat ang kilay ko at humalukipkip. "Nag-text ka na lang sana. Uuwi na ako."

"Hindi ka ma-contact. B-in-lock mo yata ako, eh!" pang-aakusa niya. "Nakakatampo. Hindi naman ako mang-aakyat ng ligaw. Pero grabe, ramdam na ramdam ko ang lutong sa huling message mo bago mo ako b-in-lock."

Kumunot ang noo ko. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"

Anong block? At huling message?

Ngumiwi siya. "Sigurado naman ako na hindi ikaw ang nag-message no'n, Bea."

"Ano ba ang ibig mong sabihin?" nalilito kong tanong at agad kinuha ang phone sa bulsa at sinilip ang huling mensahe ko sa kanya.

Napatakip ako sa aking bibig at namilog ang mata ko sa nakita.

Ako:

Fuck you! I'll block you.

"H-Hindi..." Napakurap-kurap ako at nag-angat ng tingin kay Oliver. "H-Hindi ako ang nag-text nito..."

Kinamot ni Oliver ang kanyang ulo at umayos ng tayo. "I bet that dude was the one who texted me."

Umawang ang labi ko. "Si Harry?"

Bakit naman niya pakikialaman ang phone ko?

Inayos ko na lang ang bag ko at pagod na tiningnan si Oliver na hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Ano ang kailangan mo ngayon? Bakit para kang hinahabol ng multo?"

Muli siyang nanlumo. "Help me..."

"Saan ba?"

Napasinghap ako nang bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.

"Hoy!" saway ko sa ginawa niya.

"Sumama ka sa akin! Desperado na ako, Bea! Kahit ngayon lang," aniya, problemadong-problemado.

"Hinihintay na ako ng anak ko!" Hinila ko ang kamay ko. "At saka, bakit ako sasama sa iyo? Baka may gagawin ka na naman!"

Niliitan ko siya ng mata.

"Saglit lang naman!" giit niya. "Ikaw lang din kasi ang makakatulong, eh!"

Naibagsak ko na lang ang balikat ko. Ang kulit.

"Saan ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Sumama ka nga sa akin!"

Huminga ako nang malalim at tiningnan ang orasan sa phone ko. Nang nakita na masyadong maaga pa, naisipan ko na pumayag na lang kay Oliver.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now