Kabanata 15

72K 1.7K 348
                                    

TITIRA

"Bitaw," mahina kong sabi habang patuloy pa rin siya sa paghila sa akin.

Umabot na kami sa parking lat at hindi pa rin niya ako binibitiwan.

"Bitaw," nanginginig kong sambit at huminto sa paglalakad.

Binitiwan ni Harry ang kamay ko at hindi nagsalita. Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko. Siguro nagulat lang talaga ako sa sinabi niya at pagtapon niya sa pagkain sa harap ko.

Bumaba ang mata ko sa kamay ni Harry na ngayon ay nakakuyom pa rin.

"B-Babalik na a-ako," nauutal kong sambit at pinunasan ko ang luha ko. "K-Kailangan kong ayusin—"

"Umuwi na tayo, Bea," pagputol niya sa sinabi ko at hinarap ako. Walang ka-emosyon ang mukha niya. "Naroon na si Amer, hinihintay ka."

Umawang ang labi ko. "P-Pero—"

"Don't worry about that old guy. He will regret it," malamig niyang sambit at nauna nang nagtungo sa kanyang kotse.

Nang hindi ako sumunod sa kanya ay tumingin siya sa akin.

"Bea..."

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Kumirot ang puso ko nang may muli akong naalala. Siya. Siya ang naalala ko kanina nang itinapon ng customer ang pagkain sa harap ko.

Parang sa isang iglap, ipinaalala sa akin ang mga iyon para hindi ko makalimutan.

"Bea..." tawag niya.

Kumirot lalo ang puso ko.

"Bakit mo iyon ginawa?" lakas-loob kong tanong sa kanya. Umawang ang labi niya sa tanong ko at hindi niya nabuksan ang pinto ng kotse niya. "Bakit mo ko niligtas sa customer na iyon?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Why are you asking that? Sinaktan ka niya—"

"D-Does it matter to you?" tanong ko at panibagong luha ang tumulo. "Gano'n ka rin naman noon."

Napasinghap siya at napalunok. Natawa ako at pinunasan ang luha ko.

"Never mind..." Kinuyom ko ang kamao kong nanginginig. "Huwag ka na lang mangialam sa susunod."

Umigting ang panga niya at nilubayan ang kotse niya. Humakbang siya palapit sa akin at naglahad ng kamay.

"Let's go, Bea Samantha," kalmado niyang sambit at tiningnan ako gamit ang mapupungay na mata. "Our son is waiting for us."

Nang hindi ko tinanggap ang kamay niya, siya na mismo ang kumuha sa kamay ko at napasinghap ako nang pinagsalikop niya ito. Gulat ko siyang tiningnan.

"Let's go home..." At marahan na hinila niya ako patungo sa kanyang kotse.

***

Tahimik lang ako habang nakatingin sa bintana ng kanyang kotse. Walang nagsalita sa amin habang minamaneho niya ang kanyang kotse.

"We should go to the market first," pagbasag niya sa katahimikan.

Agad ko siyang nilingon. "Si Amer?"

"He will be fine. Saglit lang naman ito," aniya habang nasa kalsada ang tingin.

Tumango ako at ibinalik na lamang ang tingin sa kalsada. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako matatahimik. Tinakasan ko sila. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari pero sana hindi masira ang restaurant. Kung kinailangan ko na umalis, gagawin ko.

***

"How much?"

Kumunot ang noo ko kay Harry habang nakipag-usap siya sa tindera ng isda dito sa palengke.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon