Kabanata 37

57.3K 1.5K 305
                                    

Warning: This chapter is not suitable for people below 18. Read at your own risk.

---

BANYO

"Ano ito?" nagtatakang tanong ko. "Ano'ng laman?"

Nasa kotse niya kami ngayon. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang isang pulang paper bag.

"Open it," aniya sabay ngiti. "You won't be surprised if I tell you."

Ngumiwi ako. "Ba't may pa-surprise?"

Maingat ko na binuksan ang paper bag. Noong una ay nalito pa ako sa laman dahil na rin hindi masyadong kita pero nang kinapa ko ay umawang ang labi ko.

Tumingin ako kay Harry na ngayon ay nagpipigil na ng ngiti.

"Chocolate?" Agad kong nilabas ang mga mamahalin na mga chocolates. Iba't ibang brand ang nakita ko.

"Why? You don't like it?"

"Siyempre, gusto!" agad kong sagot at nagbukas pa ako ng isa sabay tikim. "Sarap!"

"Masaya ako na nagustuhan mo," aniya sabay hawak sa kanyang manibela. "Don't give it to Amer."

Natigil ako sa pagkain. "Bakit? Ipagdadamot ko ito sa kanya?"

"Tsk!" Kinurot niya ang pisngi ko. "I bought that for you. I don't want you to share it with others."

"Marami naman kasi..." Sinilip ko ang paper bag.

Marami nga siya.

Sa sala pa rin natulog si Harry. Hindi ko alam kung saan ko siya patutulugin. Hindi naman siya puwede sa kwarto namin dahil na rin sa masikip at hindi siya sakto.

Ako na kasi ang nahihirapan para sa kanya. Masakit na siguro panigurado ang likod niya lalo na't hindi siya sanay.

***

"Hija, ako muna ang papasok sa trabaho, ah?" ani Tiya Elena sabay inom ng tubig. "Asikasuhin mo muna ang asawa mo rito. Wala ka nang masyadong pahinga, eh!"

"Tiya—"

"Ako na bahala!" aniya at tinanguan pa ako. "Mamasyal kayong tatlo. Sigurado akong magugustuhan ni Amer ang mamasyal."

Wala na akong magawa kundi ang tumango. Hindi kasi ako lumiliban sa trabaho kung walang rason. Pero gusto ko rin magpahinga muna.

Si Amer ay hinatid ni Harry sa school kaya kami lang ni Tiya Elena ngayon.

"Sigurado ka bang ayos lang ang lumiban, Tiya Elena?" tanong ko. "Baka kasi maraming customer ngayon."

"Ayos nga lang, eh!" Humalakhak siya. "Huwag mo na nga lang isipin ang trabaho, Bea. Isipin mo muna ang kaligayahan mo."

Uminit ang pisngi ko. Alam ko na nahalata na niya pero hindi lang siya nagtanong sa akin.  

Nang umalis si Tiya ay naglinis ako ng kwarto. Iniisip ko pa rin kung saan ko patutulugin si Harry ngayong gabi.

Matapos kong maglinis ng kwarto at sala ay sinilip ko ang banyo at naabutan ko na hindi nasara ang gripo.

Agad-agad akong pumasok sa loob ng banyo at nang isara ko ay biglang tumalsik sa akin ang tubig. Ayon pala, nasira ang gripo.

"Omg!" sigaw ko at agad naghanap ng pantakip sa tubig.

Nabasa ang buong katawan ko. Bumakat ang pulang bra ko lalo na't manipis na puting damit ang suot ko.

Nanginig ako sa lamig at nang humarap ako sa pinto ay bumungad sa akin si Harry na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Harry!" gulat kong sambit. "Nandito ka na pala! Tulungan mo ako! Kailangan natin takpa—Hmmp!"

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now