Kabanata 21

60.5K 1.6K 129
                                    

MAKIRAMAY

"Mama, saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ni Amer nang binihisan ko siya.

Hindi ako nagsalita at nagpatuloy lang sa ginagawa. Wala akong lakas upang makipag-usap o hindi kaya ay makipagtalo kay Harry. Hindi ngayon. He just lost his father at alam ko na masakit iyon. Sumikip ang dibdib ko nang naalala ko na naman ang kanyang hagulhol at tumayo matapos kong maayusan si Amer.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na naramdaman ni Harry dahil kinabukasan ay naging tahimik na siya. Hindi rin siya kumakain at nakahiga lang sa upuan na parang may malalim na iniisip.

At ngayon, balak niyang umuwi para makita ang ama sa huling pagkakataon. Kailangan ko rin siyang samahan dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya sa gitna ng kanyang byahe. At isa pa, naging pamilya ko rin naman pansamantala ang pamilya ni Harry. Hindi ito ang oras para mag-inarte ako. Babalik lang din naman kami ng anak ko pagkatapos siguro ng libing.

"Mama, bakit po malungkot si Papa?" tanong muli ng anak ko.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko Huminga ako nang malalim at saka siya tiningnan.

"Ipapaliwanag ko sa iyo mamaya, anak. Sa ngayon, puwede mo bang puntahan ang Papa mo?" tanong ko at sumulyap sa may pintuan. "Para hindi na siya maging malungkot."

Agad tumango ang anak ko at lumabas ng kuwarto. Bumuntonghininga ako at napaupo sa kama. Bumalik muli sa isip ko ang kagabi.

Kailan niya nalaman? Nasa gitna ba siya ng byahe nang nalaman niya iyon? Kasi kung nasa kanila pa sila nang nalaman niya, dapat hindi na siya umuwi rito.

Harry might be a jerk. He might be harsh and rude, pero may pakiramdam din naman siya na hindi ko akalain na mayroon pala siya. Alam ko kung gaano kasakit mawalan dahil naranasan ko na rin iyon.

Paano na kaya si Tita Fely? Ayos lang kaya siya? Hindi ko alam kung ano ang totoong relasyon nila ng asawa niya pero arrange marriage lang ang dalawa kaya siguro hindi kailanman nakaramdam si Harry ng pagmamahal mula sa magulang. Masakit din siguro ito para sa kanya.

Nailagay ko ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib at pinakiramdaman ang pagkirot nito. Siguro kailangan ko munang damayan si Harry.

***

Bumyahe kami patungo sa Cebu City ng tatlong oras. Tahimik lang na nag-drive si Harry habang ako ay nasa front seat. Si Amer naman ay nasa kandungan ko. Sa tatlong oras na byahe namin, hindi siya umimik at ramdam ko ang panlalamig niya sa amin.

Saglit kong sinulyapan ang walang emosyon na si Harry bago ako nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang umapak muli sa mansyon. Marami akong hindi magandang alaala. Wala na akong balak magbalik pa rito ngunit kailangan.

Maraming mga tao ang nakiramay sa pagkamatay ng daddy ni Harry. Nang dumating kami ay halos dumugin ang buong mansyon dahil sa dami ng tao. Hindi ko rin maiwasan ang mamangha sa mansyon dahil sa loob ng ilang taon, kita ko ang pagbabago nito.

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad ni Harry kaya naiwan niya kami. Tumigil ako sa paglalakad at tiningnan na lamang siyang naglalakad papasok sa loob na walang tinitingnan kundi ang kanyang dinadaanan.

"Mama, bakit hindi namamansin si Papa?" Hinila ni Amer ang laylayan ng damit ko. "Bakit marami pong tao sa bahay na ito, Mama?"

Hindi na namin sinundan si Harry at hinarap na lang ang anak ko. Umupo ako para maging ka-level niya ako. Hinaplos ko ang kanyang buhok at sinalubong ang kanyang kuryosong mata.

Huminga ako nang malalim. "Anak...kasi..." Kinagat ko ang labi ko. "W-Wala na kasi ang daddy ng Papa mo..."

Kumunot ang noo niya. "Nasaan po siya, Mama?"

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon