Kabanata 29

62.6K 1.6K 296
                                    

PAGKAKATAON

Nagising ako kinaumagahan nang maamoy ko ang usok mula sa labas. Sa taranta ko ay agad akong bumangon at lumabas ng kuwarto.

"Amer!" tawag ko sabay linga-linga ngunit natigilan at naitikom ko ang aking bibig nang naabutan ko si Harry na nagluluto sa may kusina.

"Mama, good morning!"

Binalingan ko ang anak ko na ngayon ay lumapit na sa akin. Niyakap niya ako sa may tiyan sabay nguso kay Harry. Ibinalik ko ang tingin ko kay Harry na ngayon ay nasa amin na ang tingin.

"Good morning, Bea," bati niya sa akin sabay ngiti. Winagayway niya pa ang dala niyang sandok. "Nagluluto ako for our breakfast."

Tumango ako at saka nag-iwas ng tingin. Matapos ang pag-uusap namin kagabi, akala ko ay umalis na siya. Talagang tinotoo niya na dito muna siya. Bumuntonghininga ako at tiningnan ang anak ko na ngayon ay nakatingala na sa akin.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Amer, maligo ka na. Papasok ka pa sa school," ani ko. "Ihahatid pa kita."

Agad na umiling si Amer sa akin. "Mama, si Papa po ang maghahatid sa akin. Sakay po sa kotse niya."

Umawang ang labi ko at natigilan. Oo nga naman. Bakit pa ako maghihirap? Nandito naman si Harry.

Tumango ako. "Sige..."

***

"Ihahatid kita sa trabaho mo," biglang sambit ni Harry habang nasa hapagkainan kami.

Umiling ako sabay kuha sa niluto niyang adobong manok. "Huwag na. Nagmamadali ako. Unahin mo si Amer dahi mali-late na siya sa kanyang klase."

Sinabi ko iyon habang kumakain. Ayokong tumingin sa kanya dahil naiilang ako. Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa akin.

Nang hindi siya nagsalita ay tumikhim ako at sumubo na ng kanin. "At saka hindi mo obligasyon na ihatid ako."

Hindi na muli nagsalita si Harry kaya tinapos ko na ang almusal ko.

***

"Mama, sabi ni Papa, sa restaurant ninyo raw kami kakain ng lunch," masiglang sambit ni Amer sa akin habang nasa loob na siya ng kotse ni Harry. "Maghihintay kami sa iyo, Mama!"

Umawang ang labi ko. "M-Mahal ang mga pagkain doon at saka..." Binalingan ko si Harry na ngayon ay nakatingin na sa akin. Hindi ko maiwasan ang mainis dahil tingin ko ay sinasadya niya ito. Inirapan ko siya at saka ibinalik muli ang atensyon sa anak ko. Ayaw ko naman na maging dahilan ng muling kalungkutan ng anak ko kaya napabuntonghininga na lamang ako. "Sige, maghihintay ako sa inyo."

"Yeahy!" Pumalakpak ang anak ko at umayos ng upo.

Napangiti ako at saka sinara na ang pinto sa backseat at saka umatras.

"Are you sure na hindi ka magpapahatid sa work mo?" Niliitan ako ng mata ni Harry habang ang kanyang kamay ay nasa manibela.

"Hindi na," malamig kong sagot at tumalikod na sa kanila.

Inayos ko na ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Kailangan kong makarating nang maaga roon dahil lumiban ako kahapon. Kailangan kong bumawi.

***

"Kumusta ang lakad mo kahapon?" tanong ni Jessica sa akin habang nasa kitchen kami. "Mabuti at hindi gaano ka-busy kahapon. Mahirap pa naman kapag wala ka sa totoo lang tapos hindi pa rin umuuwi si Tiya Elena."

Hininaan ko ang stove at binalingan siya. "Ayos lang."

Kumunot ang noo niya at nagpalinga-linga. Lumapit siya sa akin at saka sinuri ako. "Namamaga ang mata mo. Umiyak ka ba?"

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now