Kabanata 38

59.2K 1.5K 502
                                    

WHEEL CHAIR

Nagising ako dahil sa ingay ng ilang tao. Nakatulog ako dahil sa sobrang pagod. Wala si Harry sa tabi ko at may damit na rin ako.

Bumangon ako sa kama at nag-inat-inat. Masakit pa rin ang katawan ko pero kaya ko na naman siguro ang tumayo.

"Mabuti at may tubero na," narinig ko na boses.

"Oo, baka nabasa at nalunod na buong bahay mo, Elena. Nasaan ba kasi si Bea at bakit niya hinayaan ito?"

Umawang ang labi ko at napatakip sa bibig. Namilog ang mata ko nang may napagtanto.

Shit! 'Yong tubig! Ang gripo!

"Pagod siguro si Bea pero inasikaso naman agad ng asawa niya. Mabuti naman."

"Pero lalaki ang babayarin ninyo. Nawalan nga ng tubig ang ibang mga gripo dahil sa nangyari!"

Kinagat ko nang mariin ang labi ko. Kasalanan talaga ito ni Harry, eh! Dahil lang sa gano'n, nandamay pa kami ng kapitbahay.

"Huwag kang magproblema riyan, Marites!" iritadong sambit ni Tiya Elena. Tingin ko ay nasa labas sila ng bahay. "Mayaman si Harry at naaksiyonan agad—"

"Ilang oras pa sinayang ang tubig bago inaksiyonan. Ewan ko na talaga sa inyo!"

"Naiinis na talaga ako sa iyo, Marites. Ang dami mong satsat! Hindi na nga kayo magproblema ng tubig dahil sa nangyari. Araw-araw na kayong may tubig. Sponsor pa ni Harry!"

Mas lalo kong kinagat ang labi ko at tinakpan ko ang mukha ko. Natigil lang ako sa pagmuni-muni nang tumunog ang phone ko. Huminga ako nang malalim at kinuha ang phone ko na nasa kama lang din.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang text mula kay Harry. Naka-save na kasi ang number niya sa phone ko.

Harry:

I'm sorry. I will be late. Amer wanted to go to the mall, so I took him. I miss you already.

Uminit ang pisngi ko at hindi ko alam kung ano ang ire-reply ko. Hindi na ako makalabas sa kwarto dahil nahihiya akong harapin si Tiya Elena. Sigurado ako na basang-basa na ang mga gamit niya. Ako na ang nahiya.

Nakakahiya naman talaga, eh! Nagsayang kami ng tubig! Kung hindi lang din siguro ako sinugod ni Harry ng halik, hindi sana mangyayari iyon! Hindi sana masakit ang gitna ko ngayon at may posibilidad na mabuntis ako.

Napasinghap ako at kinabahan sa naisip. It's possible! Nanginig ang kamay ko at naikuyom ko ito. Bibili ako ng pills! Bakit wala man lang siyang condom kung may balak naman siyang gawin iyon sa akin?

Isang oras ang pananatili ko sa kwarto bago ko naisipan lumabas. Nagulat ako na wala na ang mga gamit sa sala at basang sahig ang nadatnan ko. Mas lalo lang akong nakonsensya.

"Hija, mabuti at gising ka na!" maligayang sambit niI Tiya Elena. "Napaaga ang uwi ko dahil sa nangyari."

Hindi na ako makatingin sa kanya.

"S-Sorry po, Tiya, m-mukhang nabasa lahat ng g-gamit niyo," nauutal ko na sambit at pinisil ko ang braso ko.

Humalakhak si Tiya Elena. "Hindi mo na kailangan mag-sorry, hija! Ginawa na ng asawa mo ang lahat kaya kumalma ka riyan.

Gulat akong napatingin sa kanya.  Nakanguso na siya ngayon habang nakahalukipkip.

"Po?"

Umiling siya sa akin. "Huwag ka na mag-alala. Sira na talaga ang faucet na iyan, eh. Nag-volunteer ang asawa mo na ipaayos ang gripo, tubig at nagpapadeliver na nga siya ng bagong gamit dito."

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now