Kabanata 31

58.3K 1.7K 248
                                    

DESERVE

"Saan ba tayo pupunta? At saka, sigurado ka ba na okay lang si Amer?" sunod-sunod ko na tanong habang naglalakad kami at hawak niya pa ang kamay ko.

Umabot kami ng Cebu City nang hindi namalayan. Gabi at nag-aalala na ako para sa anak ko.

Narito kami ngayon sa isang mall. Marami pa ring tao at hindi ko alam saan kami tutungo ni Harry.

Huminto si Harry sa paglalakad at binitiwan ang kamay ko. Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at may d-in-ial. Nakatingin lang ako habang bitbit ko ang bag. Hindi kasi ako mapakali.

"Mom..."

Umawang ang labi ko dahil sa lumabas sa labi ni Harry. Mama niya? Paanong...

"My wife wants to talk to Amer. Puwede mo ba ibigay sa kanya ang phone?" tanong ni Harry habang habang nasa tapat ng tainga niya ang phone niya.

"Harry, bakit ang Mama mo ang tinawagan mo?" natataranta ko na tanong.

Inilayo ni Harry saglit ang phone sa kanyang tainga at tumingin sa akin.

"She's in Badian. Binisita niya kayo pero si Amer lang ang nakita niya."

Hala! Bakit? I mean... Jusko! Hindi pa naman kagandahan ang bahay at nakakahiya!

Umuwi na tayo!" natataranta kong sabi. "Walang mag-aasikaso sa Mama mo roon!"

Akmang tatalikod na sana ako para lumabas ng mall pero hinawakan ni Harry ang braso ko kaya napabalik ako sa kanya.

"Hey! We are on our date!" Ngumuso siya at ibinalik ang phone sa tapat ng tainga niya. "Mom, please take good care of Amer and yourself. My date is freaking out right now. Ayaw kong masira ang gabing ito."

Sinamaan ko siya ng tingin at napairap. Talagang inuuna pa niya ang date na ito kaysa sa Mama niya na mag-isa sa bahay namin! Hindi pa naman pamilyar si Tita Fely sa lugar.

Nang matapos tumawag ni Harry ay bumaba ang kamay niya sa kamay ko at pinagsalikop. Sa inis ko, hinablot ko ang kamay ko kaya nakawala ako sa kanya.

"Nakakainis ka!"

Natawa siya at hinawakan muli ang kamay ko. "Chill. Hindi naman mag-isa ang Mommy ko doon. She's with Manang and bodyguards!"

Hindi ako nagsalita at nanatili lang na nakatingin ng masama sa kanya.

"Please, Bea," pagsusumamo niya at napasinghap ako nang hinalikan niya ang likod ng palad ko. "Date natin ngayon. Huwag ka muna mag-isip ng iba. Isipin mo muna ako."

Bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unting uminit ang pisngi ko.

Bakit ko naman siya iisipin?

Napangiwi ako at nag-iwas ng tingin. "Ewan ko sa iyo!"

Humalakhak siya at saka hinila na ako. "Let's go. Bibili pa tayo ng dress mo."

*** 

"Naka-sapatos ako!" reklamo ko nang sinubukan niya akong itulak papasok sa fitting room. "Ang weird kung naka-dress ako tapos sapatos! Ang badoy!"

"After you change, we will buy."

Itinulak na niya ako patungo sa loob at siya pa mismo ang nagsara ng pinto. Bumuntonghininga na lamang ako at saka tiningnan ang sarili sa salamin. Hindi ako mahilig magdamit ng sobrang revealing. Sobrang ganda pa naman ng damit na binili niya para sa akin. Hindi nababagay ang damit sa pobreng katulad ko.

Huminga ako nang malalim at sinimulan ko nang hubarin ang damit ko para maisuot ang bigay ni Harry sa akin.

***

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now