Kabanata 40

58.5K 1.4K 249
                                    

PREGNANT

"Harry!"

Mahina kong sinampal ang mukha niya dahil ayaw niya pa ring kumawala sa akin.

"I am still sleepy," aniya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

Sumuko na lamang ako at hinayaan siya. Palagi niya itong ginagawa pagkatapos niyang ihatid si Amer sa school. Papasok sa kwarto at tatabi sa akin.

"Alam mong kailangan ko nang bumalik sa trabaho," mababang boses ko na sabi. "Wala ka yatang balak magbakasyon, eh! You tricked me!"

Humalakhak siya at hinalikan ang pisngi ko.

He pouted. "I'm sorry. I promise pagkatapos ng klase ni Amer ay aalis na tayo."

Tapos na ako mag-impake gaya ng gusto niya pero sa kwarto naman hahantong!

"Scammer ka, eh!" inis kong sambit. "Pinaasa mo talaga ako! Babalik na lang ako sa trabaho."

Mahina siyang natawa at bumangon. Kinagat ko ang labi ko nang nakita ang kanyang hubad na katawan.

"Alright..." Hinalikan niya ang pisngi ko sabay ngiti sa akin. "I will cook for our breakfast."

Ngumuso ako. "Tapos na akong kumain."

"Kakain tayo ulit," aniya at tumayo.

Bumuntonghininga na lamang ako. Nang nakalabas na si Harry sa kwarto ay binalingan ko ang bag na may lamang kaunting damit namin ni Amer.

Pumayag ako na magbakasyon kami sa mansion nila. Ayoko nga noong una, pero magandang idea na rin iyon para maging close si Amer at si Tita Fely. Isang buwan lang naman ang bakasyon namin doon and Harry said na mamamasyal daw kami sa iba't ibang destinasyon dito sa Cebu.

Inayos ko na lang ang buhok ko at saka lumabas na rin sa kwarto. Kailangan ko pa maligo dahil ang sabi ni Harry, aalis kami. Sana naman ay totoo na dahil hindi ko na talaga siya papansinin.

Mabuti at may pills na akong nabili. Umabot pa ako ng Carcar para lang mabili ang pills na gusto ko.

Lumapit ako sa cabinet at hinanap ang pills ko. Kailangan kong uminom dahil nakaligtaan ko kahapon.

Pero namutla ako nang wala akong nakapa. Mabilis kong tiningnan ang buong cabinet at nawawala talaga ang pills ko. Ano ba naman ito? Saan ko ba iyon nilagay? Kinamot ko ang buhok ko at umupo sa kama.

Saan ko ba iyon inilagay? Sa cabinet lang iyon, ah! Hinagod ko ang mukha ko sa inis at mahinang nagpapadyak.

***

"Is there a problem?" kunot-noong tanong ni Harry nang nasa hapagkainan na ako.

Napansin niya kasi ang busangot sa aking mukha. May pinggan sa kanyang kamay at sandok naman sa kabila. Ano ba ang niluluto niya?

Hindi ko siya pinansin. Umupo na lang ako at kumuha ng pinggan at kanin.

"Hey..." Nag-aalala ang mukha ni Harry nang umupo siya. "May problema ba?"

Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "W-Wala..."

Ngumuso siya at bumalik na sa kanyang niluluto. Hinilot ko ang aking noo at itinuko ang siko sa lamesa. Saan ko kaya nailagay ang pills?

"Let's eat..." Inilapag ni Harry ang niluto niyang isda sa lamesa. "I'm hungry."

Umirap ako. "Edi kumain ka!"

Niliitan niya ako ng mata. "Why are you so moody? Hindi ka naman siguro buntis, right?"

Napasinghap ako. "Bakit naman ako mabubuntis? Uminom ako ng p-pills!"

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now