Simula

158K 2.7K 842
                                    

"Congratulations, Harry and Bea!" nakangiting pagbati sa amin ng guest habang pareho kaming nakaupo sa harap ng mga bisita.

Pilit akong ngumiti. Masaya ako na pinanindigan ako ng lalaking mahal ko, pero alam ko na hindi niya gusto ang matali sa isang katulad ko. Ngunit, wala siyang magawa kasi nabuntis niya ako at kailangan niya akong panindigan at ang magiging anak namin.

Ramdam ko ang galit ni Harry sa akin ngunit binalewala ko lang iyon dahil mahal na mahal ko siya. Hindi ko rin naman in-expect na magbunga ang isang mainit na gabi na pinagsaluhan naming dalawa. Wala ito sa plano ko at wala rin ito sa plano niya.

"Thank you, Mr. Monreal," malamig na wika ni Harry at nag-iwas ng tingin.

Bumaling naman sa akin ang guest at nginitian ako.

"I never thought na napakaganda ng napangasawa mo, Mr. Salazar! Marunong talaga kayong mamiling magpinsan. Pero sayang at sobrang aga ninyong nag-asawa. How old are you, hija?" tanong niya na nagpa-ilang sa akin.

"T-Twenty-two," mahina at nauutal ko na sagot.

Nakita ko ang hinayang sa mukha ng guest bago ito nagpaalam na umalis. Nagbaba na lamang ako ng tingin at pinakiramdaman ang tahimik na si Harry sa tabi. Alam ko at ramdam ko na ayaw niya akong pakasalan. Desperada lang ako at takot. Nabuntis ako ng maaga at wala pa akong matinong trabaho. Hindi ninyo ako masisisi kasi mahal na mahal ko rin siya kaya gagawin ko ang lahat.

Hindi ko naman talaga kailangang magpakasal, eh. Gusto ko lang na kilalanin ni Harry ang anak ko at malaman niya na may anak siya sa akin ngunit kagustuhan ng mommy ni Harry na magpakasal kaming dalawa dahil iyon daw ang nararapat.

Nagalit no'n si Harry at pinagsalitaan niya ako ng masama. Sinabi niya mismo sa harap ng magulang niya na ayaw niya akong pakasalan dahil hindi niya ako mahal at mistakes lang daw ang lahat. Sinabi niya rin sa magulang niya na siya na ang bahala sa gastusin basta hindi kami magpapakasal. Ayos lang naman sa akin ang gano'n pero binantaan si Harry ng kanyang ama na kapag hindi raw niya ako pakakasalan ay hindi maibigay sa kanya ang kompanya kaya galit na galit si Harry sa akin.

Pagkatapos ng reception ay hinatid na kami sa magiging bahay namin. Sunod lang ako nang sunod sa kanya hanggang sa nakarating kami sa loob. Suot ko pa rin ang malaking wedding gown habang papalapit ako sa kanya at ramdam ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"H-Harry," nauutal kong tawag sa kanyang pangalan at napalunok. "About the—"

Marahas niya akong nilingon at kita ko ang pag-alab ng kanyang mata. Mahina akong napaigtad at humakbang paatras dahil sa kaba. Lumapit siya sa akin at madilim akong tiningnan.

"Don't you dare insult me! Kung sana pinalaglag mo na lang iyan, wala na sana tayong problema!" frustrated niyang sinabi sabay sapo sa kanyang noo. Bumuga siya ng hangin at tiningnan muli ako. "Kaya kong buhayin ang bata nang hindi ka kailangang pakasalan! If you only just approached me first before my mom found out!"

Nasaktan ako sa kanyang sinabi. Bakit niya naman gustong ipalaglag ang bata? Kahit ayaw niya sa baby ay blessing ito para sa akin kasi may makakasama na ako sa buhay. May magiging sandalan na ako at kaligayahan.

"H-How can you say that?" nanginginig kong tanong. Kita ko na natigilan siya kaya nag-iwas siya ng tingin. "It's a baby...ayaw kong ipagkait sa k-kanya ang mundo..."

Tumulo ang luha sa aking mata kasabay ng pagsikip ng dibdib ko. Siguro dahil sa pagbubuntis ko na ito kaya ang dali kong umiyak.

"I love you, Harry," buong puso kong pag-amin. At hindi ako mapapagod na sabihin nang paulit-ulit ito sa kanya. I will let him know about my feelings hanggang sa masuklian niya ito.

Nilingon niya ako muli, salubong na ang kilay.

Nagpatuloy naman ako. "Please love me too..." Halos pagmamakaawa ko.

Namilog ang mata niya at inangat ang gilid ng labi. "Love you?" sarkastiko niyang tanong. "Wala kang makukuha na pagmamahal sa akin! You chose this kind of life so be it! Isa kang desperadang babae! Who will love you anyway?"

Natigilan ako roon. Ang sakit-sakit niyang magsalita. Ang sakit-sakit. Ginagawa niya ba ito para umatras ako? Pero hindi ako gano'n! Gagawin ko ang lahat, mahalin niya lang ako. He will love me and our baby! He will!

Nang tumalikod siya ay patakbo akong lumapit at yumakap sa kanyang likod. Ramdam ko ang paninigas niya dahil sa ginawa ko. Pumikit ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Please...Harry. Give me a chance..." umiiyak kong sinabi habang yakap-yakap siya mula sa likuran. "I will prove to you my love. I will be a good wife..."

Kinuha niya ang kamay ko na nakapulupot at inalis mula sa kanya. Humarap siya at marahan akong itinulak. Mas lalo ko lamang nakita ang kanyang galit.

"You will never be a good wife to me! Hindi ikaw ang gusto kong pakasalan! Hindi! Kaya kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi kita mamahalin kahit ilabas mo pa ang landi mo sa katawan! You will never be the woman I will love in the future!" mariin niyang sinabi na tumagos sa puso ko.

Umatras siya at saka padabog na tumalikod. Napapikit pa ako nang narinig ko ang padabog na pagsarado ng pinto.

Napaupo na lamang ako sa tiles na sahig at napahagulhol sa sakit. Pero kahit gano'n, hindi naman ako ang tipong tao na basta-basta na lamang sumusuko. Gagawin ko pa rin ang lahat, mahalin niya lang kami, ng kanyang magiging anak.

Hinaplos ko ang tiyan ko na hindi pa malaki ang umbok pero alam na alam ko na may laman na ito.

"Kapit l-lang, anak. He will accept us. Hindi man sa ngayon pero gagawin ko ang lahat. Hindi ko hahayaan na lumaki kang galit siya sa atin. Hindi..." naibulong ko na lang sa hangin at umiyak nang tahimik. 

---

A/N: You can read The Runaway Wife complete version on dreame and yugto. Wala pa pong special chapter pero trip ko po maglagay doon. Oo na po, mukha na po akong pera. 💸

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora