Kabanata 11

81.9K 2.1K 547
                                    

SORRY

Namumula ang pisngi ko habang iniisip ang sinabi ni Jessica sa akin. Bakit pa kasi niya tinanong iyon? Hindi ako kumportable at saka hindi dapat iyon pinag-uusapan.

"Nasaan na naman kaya sila Erika. Ano ba iyan? Palagi na lang tayong kinukulang sa waitress. Dapat double ang sahod natin, Bea, eh. Taga-luto pa tayo slash waitress!" Umirap si Jessica sa akin at saka inayos ang kanyang apron.

"Bakit kasi hindi sila mag-hiring?" hindi ko maiwasang itanong iyon. "Marami rin ang nangangailangan ng trabaho..."

Binalingan niya ako. "Alam mo kasi, mahirap na rin kasi mag-hire ng tao, okay? Tiwalang-tiwala na sa atin ang boss natin. At saka buwan-buwan tayong nawawalan ng katrabaho, okay? Kung sana dinggin lang ang wish natin na dagdagan ang sahod—"

"Hoy, Jessica! Manahimik ka diyan. Gusto mo sumbok kita sa head," biglang sabat ni Oreo na kararating pa lang.

Umirap muli si Jessica at saka ngumuso. "Di umano, may sipsip sa ating grupo."

Sinaway ko siya. "Hoy!"

"Ako na nga lang ang kukuha ng order niya," presinta ni Jessica sabay siko sa akin. "Mukhang nagdadalawang isip ka pang lapitan, eh, regular customer na yata natin iyan. Dagdag sales ang kapogian."

Bumuntonghininga ako at nagpalinga-linga. Busy sila Erika sa pag-entertain sa mga bagong nakarating at kulang talaga kami sa tao. Wala akong magawa kundi ang hubarin ang apron ko at saka naglakad patungo kay Harry na ngayon ay nakaupo sa palagi niyang inuupuan. Favorite spot niya yata. Sa tapat niya ay si Amer na nakatingala sa malaking screen tv ng restaurant.

Tumikhim ako. "A-ano ang gusto mo?" Hindi ko maiwasan ang mautal.

Guilty pa rin ako dahil sa sinabi ko na driver siya namin. Hindi ko talaga intensiyon iyon at talagang hindi pa ako handa na sabihin kay Amer.

Nag-angat ng tingin si Harry sa akin.

"Why would I order?" tanong niya sabay taas ng kanyang kilay sa akin. "At least feed your driver."

Bumuntonghininga ako at tumango. "Sige, l-libre ko na. Ano ba ang gusto mo?" tanong ko at medyo nailang dahil sa kanyang mariin na tingin.

"Ikaw..."

Umawang ang labi ko. "Huh?"

"Ikaw..." ulit niya. "Ano ang gusto mo?"

Kumunot ang noo ko. Bakit ako ang tinatanong niya. Hindi na ba siya makapili ngayon?

Hindi ko na lang siya sinagot at binalingan ang anak ko na nanonood pa rin ng TV. "Amer, ano ang gusto mong kainin?"

Binalingan ako ng anak ko at saka siya ngumiti. "Mama, gusto ko ay sinabaw!"

Napangiti ako sa kanyang sagot. Sa gilid ng mata ko ay nakita ko na lumipat ang tingin ni Harry sa anak ko na ngayon ay bumalik sa panonood.

"What is he saying?" nagtataka niyang tanong kaya napalingin ako sa kanya. "Sinabaw?"

"Oo," sagot ko at saka sinulyapan saglit ang anak ko. "Isa siya sa pinakamura rito. Pero anak ko lang talaga ang tumatawag ng sabaw kasi favorite niya ang sabaw. Batchoy talaga ang tawag," paliwanag ko sabay balik ng tingin sa kanya.

Ngumuso siya at saka humalukipkip. "Alright...I also want that one."

Tumango ako at bumalik na sa counter.

***

"Shit! Ang anghang!"

Agad akong lumapit at agad dinaluhan si Harry na sobrang pula na ang mukha. Namilog ang anak ko at tiningnan si Amer na ngayon ay sarap na sarap sa kinakain habang si Harry ay todo request na ng tubig.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now