Chapter 33: Study Material for the Ears, but Not for the Eyes

13 1 0
                                    

Hiroi's PoV

Maaga pa ako sa alas kwatro naghanda para pumasok sa school, para sana doon gumawa ng assignments, pero 'di pa ako nakakalayo eh nakarinig-rinig na ako sa mga kapitbahay na suspended daw ang klase ngayon.

Hawak ko pa ang panibagong flyer na ididikit ko sana sa announcement board sa school, pero mukhang uuwi lang din pala ako.

I am Hiroi Dion Martinez, the leader, vocalist, and rhythm guitarist of Random. Ever since Damond quitted the band, I use to arrange both rhythm and lead guitar by myself. Dati-rati trabaho ni Damond ang sa lead. Now that we lose a member, we are now only a four member band; a quartet.

I tried to recruit a new lead guitarist by posting flyers on the announcement board, but no one is qualified. In these past months, we, Random, alternately do testing the auditionees for the lead guitarist part through playing with them, and practicing and arranging songs to improve ourselves musically.

Japanese rock, as the genre our band focuses on does not sound like it, when lead guitar is missing, so until now, even the Battle of the Bands is near, I am still hoping to find someone.

Tinignan ko ang flyer.

Hay, nasa punto na ako ng pagkatao ko na gusto ko nalang ipaubaya sa mga signs kung dapat pa ba akong maghanap ng lead guitarist o 'wag nalang.

Napabuntong-hininga nalang ako at naibagsak ko nalang ang balikat ko.

Saktong nakatingin ako sa daan nang makita kong may inaanod na black shoes. Gusto ko sana matawa, pero naunang mag-react ang paa ko para apakan ito at patigilin sa pagkakaanod. Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko.

"Tsk" saktong nakarinig ako ng isang lalaking tumatakbo papalapit sa direksyon ko. "Sinabi na kaseng suspended nga. Gusto pa makitang sarado school eh" sabi nito.

May babae palang nakasunod sakanya, and I think, that woman is Mia Lakeblues. She is known for being one of the top student sa klase n'ya last year. Mukhang s'ya ang kausap ng lalaking nasa harap ko.

"Ehhh, magagalit kaya si Ashley kung male-late ako sa practice 'no. Mabuti nang sigurado. Palibhasa kase wala kang banda. Pamigay mo na lang gitara mo" sagot naman ni Mia.

"Uhm, sa'kin 'yang sapatos. S-Salamat ah" sabi ng lalaki. It was at that moment when I realized na schoolmate ko rin pala 'tong lalaki. Inalis ko ang pagkaka-apak ko sa sapatos n'yang inaanod kanina. Agad n'ya naman itong dinampot.

"Wala 'yun"

"OMG, Nathan" Hinampas-hampas ni Mia 'yung lalaking tinawag n'yang Nathan habang nakatingin... sa'kin?

Magkakilala ba kami?

"Ano nanaman ba? Tara na umuwi na tayo" Tumalikod na 'yung Nathan, pero hinila parin ni Mia ang kwelyo n'ya likod, kaya napabalik ito.

"Aray! Mia, konti nalang, sasaktan na kita"

"Duh, 'di mo ba s'ya kilala? Si Hiroi... 'yung leader ng Random. Pagkakataon mo na na magkaroon ng banda. I saw their flyer sa announcement board. They're looking fo a new lead guitarist, 'di ba Hiroi?" sabi ni Mia. Saglit s'yang napahinto at parang nahiya. Mukhang na-realize n'yang masyado s'yang casual sa pagkausap sa'kin, gayo'ng 'di naman kami magkakilala personally.

"Huh?" humarap saakin si Nathan. Ilang segundo ako tinignan ako no'ng Nathan hanggang sa makita ko ang kaunting pagbilog ng mata n'ya na para bang may naalala s'ya. "Ahh, that...time"

New SoundDonde viven las historias. Descúbrelo ahora