Chapter 28: Another

Start from the beginning
                                    

Umiling ako kay Ate Lydia nang subukan niya akong lapitan sa pintuan.

It's really hopeless.

Kinapa ko ang susi sa loob ng bulsa ko. Dire-diretso akong sumakay sa aking kotseng nakagarahe at pinatakbo iyon palabas ng nakabukas na gate. Inis kong pinaghahampas ang steering wheel habang nagmamaneho.

It's really hopeless to have a happy family again!

Napangisi na lang ako sa sarili ko. Napakatanga ko. Alam ko na ngang imposible, bakit pa ba kasi ako umaasang magkakaayos kami?

"Kumpleto nga pero wasak pa rin! Kainis!"

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa mga luhang wala pa ring tigil sa pag-agos. Buti na lang, naaaninag ko pa rin ang daanan.

Narinig kong nagri-ring ang phone ko sa loob ng aking bulsa. Pinatay ko agad nang makitang si Mama ang tumatawag.

Sa pagitan ng aking paghikbi, hindi sinasadyang napatingin ako sa side mirror. Napansin ko ang isang pamilyar na sasakyan na nasa likuran ng sinasakyan ko. Noong lumiko ako sa isang kanto, nakasunod siya. Ganoon din noong lumiko ako sa isa pang kanto. Tila sinusundan niya ako kaya malaki ang hinala kong siya iyon.

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili. Ayaw kong makita niya akong umiiyak.

Hindi gaanong ma-traffic kaya mabilis din akong nakapunta sa mall. Ini-park ko muna sa parking lot ang kotse ko. Nag-park din sa bakanteng espasyo sa kanan ang sasakyang nakasunod sa akin.

Pagkababa ko, sakto namang bumaba rin si Andrei mula roon. Agad akong naglakad palayo kasi alam kong sobrang namumugto ang mga mata ko. Ayaw kong mag-alala pa siya.

"Shane!"

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ngunit naabutan niya pa rin ako. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko at iniharap niya ako sa kaniya. Dali-dali akong yumuko.

"Ba't mo ako sinundan?" seryosong tanong ko, nakayuko pa rin.

"I'm worried." Bigla niya akong inilapit sa kaniya at niyakap. "Hindi ako mapakali kaya pinuntahan kita sa bahay ninyo. Sinabi sa akin ni Ate Lydia na kaaalis mo lang. Shane, you can run to me if you can no longer take it."

Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa balikat niya at doon muling umiyak.

"I only asked for a complete family again. Is that too much to ask from them?" Sobrang damot ko ba para hingin ko iyon sa kanila?

~*~

Nagtungo kami ni Andrei sa isang cafe sa loob ng mall. Sinabi ko sa kaniya lahat ng nangyari kanina sa bahay. Kahit papaano, tumahan na ako mula sa pag-iyak.

"They just remained silent." Sumipsip ako mula sa cup ng cappucino ko saka nilapag iyon sa mesa. "That's the worst response that I have ever received in my entire life."

"Maybe, you caught them off-guard. Hindi nila inaasahang hihilingin mo iyon. Let the situation cool down first. Sooner or later, ibibigay rin nila ang sagot nila sa iyo."

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Sana nga." I looked at him. Still, kita pa rin sa mukha niya ang awa at pag-aalala. Pilit akong ngumiti. "Alam mo ba? Gusto kong uminom. Sana pala, sa bar mo na lang ako inaya kaysa rito," wika ko sa kaniya sabay tawa pero huminto rin ako. Mas lalo akong nagmumukhang ewan.

"Huwag kang tumawa kung hindi mo talaga kaya. Mas lalo kang nagiging singkit, eh. Kawawa iyang mga mata mo, kaunti na lang, 'di na kita. Puyat na nga, malaki pa ang mga eyebags. Mukha ka nang panda," pang-aasar niya. Napatawa naman ako kahit papaano. "At saka, alcohol is bad for your health. You must not drink it."

I smirked. "An advice from a great doctor. Para namang hindi ka umiinom." Ngayon lang pumasok sa isip ko: how ironic – he's a doctor and yet, he owned a bar.

"I'm a doctor to everyone but, not to myself," tugon niya. Dahil sa narinig, inabot ko ang noo niya at pinitik iyon. "Aray! What's that for?"

Ngumiti ako at nagkibit-balikat. "To remind you that you're still a doctor."

"I know that."

"How can you be a doctor to everyone if you don't take care of yourself? Doctor Williams, you must also take care of yourself so, you can do your duty as a healer to everyone. Who would want a sick doctor to cure them? None. I guess, you already got what I'm trying to say."

"Whoa." He smiled with amusement. "Attorney Smith, concerned ka sa akin, 'no? Dapat na ba akong kiligin?"

Uh-oh! Halata na ba ako masiyado?! "Whatever." Pinaikot ko na lamang ang mga mata ko.

"Napakasungit naman nito," tila nagtatampong saad niya, "Pasalamat ka, cute ka."

Lihim akong napangiti. "Totoo naman. Don't state what is the obvious. Pati naman ikaw, cute ka rin."

"Ako pa ba?"

"Yabang."

Sa gitna ng biruan at pagtawa namin, may isang magandang babaeng lumapit sa amin. Mukhang kasing-edad lang namin siya. Nakasuot siya ng sobrang ikling itim na fitted dress at kita pa ang kaniyang cleavage. May dala-dala siyang black na shoulder bag at naka-sandals-with-heels pa. Sa unang tingin mo pa lang, alam mo nang—uh, nevermind.

Napahinto ako sa pagsipsip ng inumin ko nang bigla niyang ipinatong ang kaniyang kamay sa balikat ni Andrei at hinalikan niya ito sa labi. Nanlaki ang mga mata ni Andrei sa gulat.

"Hi, My Sweet Doctor," pagbati ng babae sa kaniya habang may sobrang lawak na ngiti. Lumipat ang tingin niya sa akin. "Oh, hi rin sa iyo. I'm glad to meet you. Ako nga pala ang girlfriend niya."

What?

Revival Of The Dead Heart (Completed)Where stories live. Discover now