Chapter 25: Hatred

Start from the beginning
                                    

Napangiti na lang din ako.

~*~

ANDREI'S POINT OF VIEW

Napahikab na lang ako nang matapos ang check-up ko sa isang pasyente na galing pa ng Cebu. Inabot kami ng halos apat na oras dahil sa maraming tests na ginawa sa kaniya.

Napag-alaman kong may brain tumor nga ang batang iyon. Sa ngayon, ini-confine siya rito sa hospital. Next month pa ang operation sa kaniya dahil hihintayin ko pa ang other doctors na manggagaling sa United States na makakasama ko.

Ito ang magiging pangalawang major operation kung saan kasama ako. Sana lang, hindi na pumalpak kagaya ng dati.

Una akong nakasama sa isang operation . . . noong operation ni Charles – ang ex ni Shane. Parehong kaso rin – brain tumor. Hindi naging matagumpay ang pag-alis sa tumor dahil may naiwan pa sa kaniyang utak na mabilisang naging cancer na siyang ikinamatay niya.

Sinisi ko rin ang sarili ko sa nangyari sa kaniya, at sa pagka-depressed ni Shane.

Tinignan ko ang phone ko kung may na-receive akong mga messages or calls pero wala . . . wala kahit isa na galing sa kaniya.

Napatingin ako sa black wristwatch ko. Mag-a-alas-singko na pala.

Naisipan kong sunduin sana si Shane sa office niya at ihatid siya sa kanila ngunit naalala kong sinabi niya pala kaninang uuwi na siya. Kaya, napagdesisyunan kong umuwi na lamang.

Habang naglalakad sa parking lot, nag-ring ang phone ko. May tawag galing kay Ate Lydia.

"Hello, Ate Lydia. Bakit ka po napatawag?"

"Kasama mo ba si Shane?" Para siyang natataranta base sa boses niya.

"Hindi po." Napakunot ang noo ko, sinusubukang isipin kung bakit. "Hindi pa ba po siya nakauwi?"

"Umuwi siya kanina kaso umalis din dahil dumating ang . . . " she seemed hesitant, " . . . p-papa niya rito. Please. Pakihanap siya, Andrei."

"S-sige po."

Nagmamadali akong sumakay sa sasakyan. Mariin akong napapikit habang iniisip kung saan ko siya posibleng mahanap. Shane, saan ka ba pumunta?

"Umuwi siya kanina kaso umalis din dahil dumating ang . . . p-papa niya rito."

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Medyo nakaramdam din ako ng inis. Shane, hindi naman solusyon ang pagtakas sa problema.

~*~

SHANE'S POINT OF VIEW

Naglakad-lakad, kumain, naglaro sa mga booths, at sumakay sa mga rides – ginawa ko na lahat ng puwedeng gawin rito ngunit heto, masakit pa rin ang loob ko.

Papa . . .

Napatingin ako sa aking relo. Pasadong alas sais na pala.

Mas dumami ang mga tao rito sa park kumpara kanina. Ngayon ko lang din napansing kaganda pala ng mga lights na nakakabit – iba't ibang kulay sa mga rides at golden yellow naman sa mga halaman at mga puno.

Napaupo ako sa isang bench. Kanina pa kasi ako naglalakad at masakit na rin ang mga paa ko.

Biglang may umupo sa kanang tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapagtantong si Andrei iyon.

"Buti na lang, nandito ka," aniya at bumuntong-hininga. Tinignan niya ako nang seryoso. "Pinagod mo ako sa kahahanap sa iyo." Sa hitsura niya ngayon, mukhang galit siya.

Shane, ano ba kasi ang nakain mo at pinatay mo pa ang phone mo?

Napayuko ako, guilty for what I did. "Sorry."

"Pinag-alala mo kami, lalo na ang papa mo."

Hindi ako nagsalita, para akong napaos at nawalan ng boses. Alam niya na rin palang dumating si Papa.

Binalot kami ng nakabibinging katahimikan ng ilang sandali.

"Mahirap mawalan ng ama . . . " Wala sa sariling iniangat ko ang aking tingin sa kaniya. Nakatingala siya sa mga bituin sa langit. " . . . kasi nararanasan ko hanggang ngayon."

Dama ko ang lungkot sa bawat salitang lumabas sa bibig niya. Minsan niya nang sinabing patay na ang kaniyang dad dahil sa brain cancer. Iyon nga ang dahilan kung bakit pinangarap niyang maging neurologist.

"You are lucky enough kasi makakasama mo pa ang papa mo. I know that he made a mistake but, Shane," ibinalik niya ang kaniyang tingin sa akin at bahagyang ngumiti, "don't lose the chance na makasama pa ninyo siya. We couldn't predict what will happen next. We do not know if that's the last."

Revival Of The Dead Heart (Completed)Where stories live. Discover now