"H-Hindi n-na p-po... A-Aalis na po ako." Nauutal kong sabi at parang anytime ay babagsak na ako sa sakit na nararamdaman.

"Sige hija." Umatras ako at napatakbo na lamang ako.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero nakita ko nalang na dinala ako ng dalawa kong paa sa isang parke.

Bigla akong napaluhod sa damuhan ng hindi ko na makaya ang sakit.

Tinakpan ko ang aking mukha ng bumuhos na ang aking luha.

"A-Ang sama sama mo Leanne." Umiiyak kong sabi at naninikip pa rin ang dibdib ko sa nalaman.

Bakit hindi niya ako sinabihan? Bestfriend ba ang turing niya sa akin? Bakit ganon huhuhu.

"B-Bakit h-hindi m-mo s-sinabi s-sa a-akin Leanne!" Sigaw ko at mas lalong bumuhos ang luha ko.

Bakit mo ba ako sinasaktan, Leanne?

Akala ko ba makikita pa kita bago ka umalis pero hindi na pala.

Ang sama sama mo pero mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sayo bilang kaibigan.
Wala na ata akong mahahanap na katulad mo.

Siguro ikaw na 'yong last na bestfriend ko, hindi ko kayang maghanap ng bago dahil sobrang hirap.

Huminga ako ng malalim at napatingala sa langit pero agad akong napapikit ng makaramdam ng hilo.

Ilang araw ko ng nararamdaman ito at hindi ko alam kung bakit.

First time ko lang maramdaman 'to at may instances na gusto kong sumuka pero wala naman.

Parang ang weird ng katawan ko at natatakot akong magpacheck-up kasi baka ibang sakit na 'to.

Pero may isang bagay na pumasok sa isip ko na parang posibleng mangyari dahil sa ginawa namin ni Grayson pero hindi ako sure kung tama ang hinala ko.

Sinubukan kong tumayo dahil sobrang sakit na ng ulo ko.

"Ohh.. sh*t." Napamura ako dahil parang gumagalaw ang nasa paligid ko.

Binuksan ko ang aking mga mata at parang lumabo na ang vision ko hanggang sa hindi ko na makaya ay nahimatay ako.

Pero bago ako nahimatay ay biglang may sumalo sa akin kaya hindi ako bumaksak sa damuhan.

Wala na akong narinig dahil nawalan na ako ng malay.

Unti-unti kong binuksan ang aking mata sa pagkakatulog.

Napabalikwas ako ng maalalang nahimatay pala ako.

At sa pagdilat ko ay mukha ni Luis ang una kong nakita. Nagulat ako sa presensya niya, bakit siya narito?

"Luis!" Tawag ko dito at agad siyang lumapit sa akin.

"Are you okay?" Nag-aalalang sabi nito.

"Bakit ka nandito? Paano ako napunta dito?" Tanong ko at napatawa naman ito dahil sa reaksyon ko.

"Ako ang nagdala sayo dito, I saw you in the park kaya nilapitan kita but unfortunately, nakita kitang babagsak na kaya agad kitang sinalo." Pahayag nito kaya nakaramdam ako ng hiya.

"Oh.. I'm sorry, naabala pa kita." Nahihiya kong sabi.

"No, it's okay. Ano bang nangyari sayo?" Tanong nito kaya agad akong umiling.

"Hindi ko alam, bigla kasi akong nahilo kanina eh." Sabi ko at tumango naman ito.

"Don't worry pupunta na---" naputol ang sasabihin ni Luis ng may kumatok sa kwarto at pumasok ang isang doctor. "Oh.. Nandito na pala si doc." Tuloy nitong sabi ng makitang nandito na nga si doc.

"Okay na ba ang pakiramdam mo, hija? Nakangiti nitong sabi na nagpagulo sa isipan ko. Bakit ito nakangiti? Wala ba akong malubhang sakit?

"Okay na po ako ngayon." Sagot ko at tumango naman ito.

"Masanay kana dahil normal lang 'yan sa isang---" pinutol ko ang sasabin niya ng makita kong masanay na ako 'don, bakit?

"Ano pong ibig sabihin niyo?" Nakakunot-noo kong sabi.

"Oh.. I forgot to tell you. Congratulations, you are 5 weeks pregnant." Masayang sabi ni doc na nagpagulat sa amin ni Luis lalo na ako.

Parang biglang tumahimik ang paligid ko, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang narinig ko kanina. B-Buntis ako?

"T-Totoo po ba yan?" Hindi makapaniwala kong tanong.

"Yes and I'll be back later para sa vitamins mo at mapag-usapan ang mga dapat at hindi dapat mong gawin during your pregnancy, okay?" Nakangiti nitong sabi kaya wala sa sarili akong napatango.

Kahit sa paglabas nito ay nanatili pa rin akong nakatulala.

"S-Sariah, are you okay?" Nag-alala nitong tanong kaya napatingin ako sa kanya.

Biglang bumuhos ang luhang pinipigilan ko kanina. Hindi ko alam kung gaano ako kasaya ng malaman na buntis ako, hindi ko ineexpect 'to pero sobra akong thankful.

"Sariah, stop crying na, Hindi ka ba handa?" Sabi nito na agad kong inilingan.

"N-No, s-sobrang saya ko, Luis." Umiiyak kong sambit. Tears of joy 'to.

Hindi akoo umiiyak dahil ayaw ko kundi sobrang saya ko sa araw na 'to.

Bigla akong niyakap ni Luis kaya niyakap ko rin siya.

"Congrats, magiging mommy ka na." Sabi nito na nagpasaya sa akin.

This is real, oh... God thank you very much for giving me this kind of blessing. I can't wait to say this to Grayson. I don't know if he is happy to hear it or not but I'm sure to myself na masisiyahan rin siya katulad ko.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now