Napanguso ako at pinigilan ang sarili na maluha. "N-Nasa heaven..."

Akmang magsasalita na sana ako nang mahagilap ko ang isang killer heels malapit sa amin. Kumunot ang noo ako at unti-unting tumingala.

Umawang ang labi ko nang nakita ko si Ella, ang girlfriend ni Harry dati, o baka naman hanggang ngayon. Ibang-iba na ang aura niya ngayon. Mas lalo siyang gumanda at sumexy. Maikli ang straight niyang buhok at pulang-pula ang labi.

Umangat ang gilid ng labi niya nang nakita ako. Umangat ang kanyang kilay at humalukipkip sa amin. Pinasadahan niya ako ng tingin bago inilipat ang tingin sa anak ko na halos magtago na sa likod ko.

"Oh, you're here!" madramang sambit niya sabay ngisi. "Akala ko pa naman ay hindi na kita makikita. You look..." Natawa siya. "..."Haggard." Ngumiwi siya sabay irap.

Bumaba ang tingin ko dahil sa kanyang pang-iinsulto.

"Hindi kami nagpunta rito para manggulo—"

"Sino naman ang nagsabi na manggugulo ka?" Ngumuso siya. "You are not welcome here, girl."

"Uuwi rin naman kami agad," ani ko dahil ayaw kong makipag-away sa kanya. Alam ko rin naman na talo ako.

"Dapat lang na umuwi ka." Umirap siya. "Hindi man lang nag-improve iyang suot mo. Pang-manang pa rin! Mukha kang yaya ng anak mo."

Kumuyom ang kamao ko. Ayokong makipag-away sa kanya dahil wala sa tamang lugar at panahon.

"At obviously, dinala mo ang anak mo rito para makapunta ka," aniya. "Nagsisi ka ba na umalis ka?"

"Sino ka ba para kwestyunin ako?" Tumayo ako at humakbang palapit sa kanya. Nakita ko na nagulat siya sa pagtayo ko. "Hindi ako narito para manggulo. Wala rin naman akong business sa iyo. At isa pa, wala kang pakialam kung ano ang susuotin ko."

Kumalas siya sa pagkahalukipkip at nakipagtagisan sa akin ng tingin. "Oh, really? You stole my boyfriend."

Naalala ko na naman ang noon. Siya ang gusto ni Harry na maging ina ng anak niya. Naalala ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Samantalang ako ay nakatago lang, pinagmasdan silang masaya sa isa't isa. Pero...

"Kabit ka lang," sambit ko. "Hindi ko sinulot ang boyfriend mo dahil hindi mo boyfriend si Harry noon noong nagpakasal kami."

Namilog ang mata niya sa sinabi ko at natigilan.

"Ano?"

"Hindi pa rin naman kami hiwalay. Pero huwag kang mag-alala, malapit na mangyari iyon," malamig kong sambit sabay baling sa anak ko na masama na ang titig kay Ella. Binalingan ko muli si Ella. "Sa ngayon, hayaan mo akong makiramay sa kanila. Hindi ito ang tamang lugar para pag-awayan ang isang bagay na hindi naman dapat inaawayan."

Hinila ko na ang anak ko at pumasok na sa loob ng mansyon. Hindi naman siguro kami mapapansin ng anak ko dahil na rin sa dami ng tao. Siguro titingin lang ako at uuwi agad.

At kung sila man ni Ella, wala nang dahilan pa si Harry para bumalik sa amin. Ayaw ko na rin siyang tanggapin.

"Mama, ang daming tao!" manghang sambit ng anak ko. "Mama, ang ganda ng bahay."

Inilagay ko ang aking hintuturo sa tapat ng aking labi. "Quiet, anak. Uuwi na tayo pagkatapos nito."

"Mama, hindi tayo sasabay kay Papa?" gulat na tanong ng anak ko sabay baling sa paligid. "Nasaan na po siya?"

Napalunok ako.

"D-Dito kasi nakatira ang Papa mo, anak. Tayo, sa probinsya tayo. Hinatid lang natin siya rito..." Humina ang boses ko sa huling salita.

Kailangan kong makita si Tita Fely para makiramay at ipakilala ko rin ang anak ko sa kanya. Iyon lang at babalik na kami.

"Bea, ikaw ba iyan?"

Napalingon ako nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Umawang ang labi ko nang nakita ko si Manang. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Nang kumalas ay masaya niya akong tiningnan.

"Hindi ko akalain na nandito ka!" Nagbaba siya ng tingin sa anak ko. "I-Ito na ba ang anak mo?"

Tumango ako. "O-Opo..." Nagbaba ako ng tingin kay Amer. "Magmano ka sa kanya, Amer."

Tahimik na sumunod ang anak ko. Marami ang nalungkot sa pagkawala ng daddy ni Harry. Marami na rin kasi itong natulungan kaya marami ang nalungkot sa biglaang pagkawala nito.

Nasa gilid lang kami, malayo kay Harry. Nakita ko siya na nasa harap ng kabaong, nakayuko at mukhang may malalim na iniisip.

"Mama, kailan tayo uuwi?" humihikab na tanong ng anak ko habang nakaupo kami sa may upuan. "Inaantok na ako, eh."

"Uuwi pa kayo, hija?" tanong ni Manang at nilapagan ako ng kape. "Dito na lang kayo. Hindi pa pala alam ni Ma'am Fe na narito ka. Sasabihin ko rin kapag nakita ko."

"Manang..." Nilingon ko siya. "Siguro uuwi na kami. Babalik na lang kami bukas o makalawa—"

"Hindi puwede. Narito ang asawa mo," ani Manang sabay iling. "At saka gabi na, delikado."

Kinagat ko na lang ang labi ko at hindi na nagsalita. Pinagmasdan ko na lang si Harry na nakaupo sa upuan kaharap ng kabaong. Hindi niya kinausap ang mga taong nagtangkang lumapit sa kanya. Sumikip ang dibdib ko at napalunok na lamang.

Ngunit sa gitna ng aking pagtingin, biglang lumapit si Ella sa puwesto ni Harry at umupo sa tabi niya. Napasinghap ako at nakaramdam ng kakaibang naramdaman. Saglit silang nag-usap at napaiwas na lamang ako ng tingin nang niyakap ni Ella si Harry at tinapik ang likod.

Hindi na dapat kami nandito pa. Babalik na lang siguro kami sa susunod. Inaantok na ang anak ko at wala na akong karapatang umapak dito simula nang umalis ako at pinirmahan ang papel na iyon. 

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now