Pinagmasdan ko siyang kumuha ng maruming damit sa balde at nilagay sa palanggana. Wala akong mmagawa kundi ang pagmasdan siya sa kanyang ginagawa. Nasa akin pa rin ang panty at hindi ko maiwasan ang mahiya para sa aking sarili.

"You are working hard, huh?"

Napakurap-kurap ako at kunot-noo siyang tiningnan. Nagsimula na siya sa paglalaba habang sinasabi niya iyon. Hindi ko tuloy maiwasan ang pagmasdan siya dahil alam ko na hindi siya sanay sa ganitong gawain. Harry is competitive. Iyon ang katangian na alam ko sa kanya na sobrang obvious simula pa lang. Hindi siya sanay sa gawaing bahay dahil may gagawa para sa kanya. He came from a wealthy family even before he had his own success.

"Ano naman ngayon?" Lumapit ako at sinara ang gripo. "Tigilan mo nga iyan! Sigurado ako na hindi ka marunong maglaba kasi washing machine lang gamit niyo. Kung gusto mo makuha ang loob ng anak ko, pumunta ka sa kanya at ako na ang bahala rito! Mas lalong tumatagal trabaho ko dahil sa iyo, eh!"

"Paano ko naman makukuha ang loob mo kung gano'n?" Natigilan ako sa sinabi niya at napaatras. Nakita ko na natawa siya ng mahina at napailing. "Ang hirap kung gano'n."

Umirap ako. "Paano mo naman kukunin ang loob ko? Mamamatay ako."

"Now, you are trying to be funny when you're not. Alam mo kung ano ang sinasabi ko, Bea. Stop acting like a dumb." Umigting ang panga niya at tinigil ang paglalaba.

Mas lalo akong nainis.

"Ako na nga sabi ang maglalaba, eh!" sabi ko at binalewala na lang ang sinabi niya.

"No..." Nag-iwas siya ng tingin at nagpatuloy.

Kumuyom ang kamao ko at mabilis na kinuha ang balde at saka marahas kong ibinuhos ang laman sa palanggana. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata at natigilan.

Inis kong inilapag ang balde at pinamewangan siya. "Ayan! Gusto mo kasi maglaba! Ayan, suit yourself! Nakakainis ka talaga!"

Inis ako na tumalikod at bumalik na sa loob ng bahay. Hinihingal na pumasok ako at naabutan ko ang anak ko sa sala na naglalaro sa kanyang bagong laruan. Gusto kong tanungin ang anak ko sa totoong naramdaman niya nang nakita niya ang Papa niya pero nagdadalawang-isip ako.

Nilapitan ko siya.

"Ame!" tawag ko at umupo sa tabi niya.

Nakita ko na inaayos niya ang laruan sa center table na hindi ko naintindihan.

"Ano ang mga iyan?" kunot-noo kong tanong at kinuha ang karton na siyang lalagyan ng kanyang laruan.

"Mama, transformer po ito!" Ipinakita niya sa akin ang laruan. "Binigyan po ako ni Papa."

Hindi ko maiwasan ang mainggit kay Harry. Nabibili niya kasi ang gusto ng anak ko, samantalang ako ay kailangan ko pang kumayod.

Umusog ako para mas lalong makalapit sa anak ko.

"Anak, gusto mo ba ang papa mo?" mahinahon ko na tanong sa kanya.

Tumingin sa akin ang anak ko at saka nakangiting tumango. "Opo, Mama! Ang ganda pala kapag may papa! Hindi na ako aawayin ng mga kapitbahay. Hindi na nila ako aasarin!" Puno ng pag-asa ang kanyang boses at kita ko talaga ang saya sa kanyang mukha.

Kumirot ang puso ko sa sinabi niya at nag-iwas na lang ng tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko at nilingon ang pintuan sa kusina kung saan makikita ang bakuran. Ano na kaya ang nangyari kay Harry?

Plano ko pa naman ang maglinis ngayong araw pero mukhang hindi ito ang tamang panahon.

Tatayo na sana ako nang biglang nag-beep ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at sinilip kung sino ang nag-text. Nang masilip ko ay kumunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Oliver. Tipid akong napangiti at pinindot ang kanyang mensahe.

Oliver:

Uy, hello. Hindi na ako mang-aakyat ng ligaw ah. Itatanong ko lang sana sa 'yo Bea kung ano ba ang ginagamit mo na sanitary napkin. Please reply asap!

Umawang ang labi ko sa sinabi niya at napakurap-kurap. Baka namamalik-mata lang ako sa aking nabasa. Bakit naman siya magtatanong sa akin ng ganiyan? Sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang kapatid na babae o baka naman...

Agad akong nagtipa ng reply.

Ako:

Manyak.

Inis kong nilapag sa lamesa ang cellphone at napahalukipkip. Mabuting tao naman itong si Oliver. Medyo clumsy lang at madaling mataranta. Kaya noong umakyat siya ng ligaw sa akin ay halos hindi na siya tinantanan ng anak ko. Siya lang naman ang nagpumilit na ligawan ako kahit alam ko na wala talaga siyang gusto sa akin at kahit ako, hindi ako papayag.

Ilang saglit ay nag-reply siya kaya agad kong kinuha ang phone ko sa lamesa at tiningnan ang kanyang mensahe.

Oliver:

Hala.

Oliver:

Hindi, bibili kasi ako. May spoiled brat na nireregla. Hindi ko alam kung ano ang bibilhin ko. Ano ba ang dapat? With wings? Tulungan mo naman ako, Bea. Mamamatay ako ng maaga dahil sa spoiled brat na ito.

Oliver:

Sige na, Bea. Ayokong mamatay na virgin.

Kumunot ang noo ko sa kanyang text. Sino ba ang spoiled brat na sinasabi niya? Huwag mong sabihin na may girlfriend na siya? Good for him pero sa text niya pa lang ay para namang hindi.

Bumuntonghininga ako at ni-reply-an ko na siya para hindi na niya ako guguluhin. Kailangan ko pang silipin ang ginagawa ni Harry sa bakuran.

Ako:

Whisper with wings. Huwag ka nang mag-reply.

In-off ko ang phone ko at ibinalik na sa lamesa. Hinaplos ko ang buhok ng anak ko bago tumayo. Ano na kaya ang nangyari sa nilalabhan niya? Nagmamarunong kasi.

Nang nakalabas ako ay nakita ko na sinasampay na niya ang mga damit na siyang pinagtataka ko. Ang dali naman niya yatang natapos.

Huminga ako nang malalim at lumapit sa kanya. Nakita ko na sinulyapan niya ako saglit bago nagpatuloy sa pagsasampay.

"Marunong ka pala maglaba?" tanong ko at kimuha sa balde para tulungan siya sa pagsasampay. "Akala ko pa naman ay hin—" Agad akong natigilan nang naramdaman ko na madulas pa ang damit. Umawang ang labi ko at tiningnan ang damit na hawak ko. Gusto ko nang sumabog dahil sa inis at galit na naramdaman ko ngayon.

"Bakit hindi mo binanlawan?" pasigaw ko na tanong sabay kuha sa kanyang mga sinasampay. Nakita ko na nagulat siya sa aking ginawa at napaatras.

Inis na inis kong ibinalik sa balde ang mga damit na sinabunan niya pero hindi binanlawan ng tubig. Sino ang tanga ba ang gagawa no'n?

Tiningnan ko siya.

Umiling siya. "I though—"

Inis ko siyang binalingan. "Nagmamarunong ka kasi! Puwede ba? Tantanan mo na ako! Mas lalong dumami ang trabaho ko sa iyo! Sino ba naman kasi ang tangang magsasampay na hindi pa binabanlawan?"

"Ako," inosente niyang sagot at kunot-noo akong tiningnan.

Napasapo na lang ako sa aking noo at kinagat ng mariin ang ibabang labi ko. Hindi na lang ako nagsalita at inis na hinila ang maliit na upuan at sinimulan muli na sabunan ang mga damit. Nakakainis! Imbis na tapos na sana ako ngayon, magsisimula na naman ulit.

Narinig ko ang kanyang mahinang pagbuntonghininga. "I'm sorry..."

Natigilan ako saglit at napapikit na lang. Bumuga ako ng hangin at hindi na lang pinansin ang kanyang presensya. 

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now