"Wag mo ng pagalitan ang anak mo, narinig mo naman ang sinabi niya, diba? Nandoon lang siya sa kaibigan niya." Pagtatanggol sa akin ni tatay.

"Totoo ba ang sinasabi mo?"

"Opo" lakas loob kong sabi kaya napaiwas nalang ito ng tingin at umalis na sa harapan ko kaya nakahinga ako ng malalim.

"Pasok ka na anak, magbihis ka muna at kakain na tayo." Sabi ni tatay.

"Hindi pa po kayo kumakain? Anong oras na po eh.." Sambit ko at pumasok na sa bahay saka ko sinara ito.

"Ayaw ng nanay mong kumain ng wala ka pa." Sabi nito kaya napangiti ako. Alam kong mahal na mahal pa rin ako ni nanay.

Pagkatapos kong kausapin si tatay ay pumasok na ako sa kwarto para magbihis dahil kakain pa kami.

Paglabas ko ay agad naman kaming kumain. Masaya ako dahil naging matiwasay naman ang pagkain namin nila nanay. Hindi ito nagalit sa akin pero alam kong may konting galit pa ito sa dibdib niya para sa akin.

Napasilip ako sa labas namin ng makitang mag-isang nakaupo si tatay sa terrace namin kaya nilapitan ko ito.

"Tay, ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko kay tatay at umupo sa harapan niya.

"Ito nagpapahangin lang anak." Tugon ni tatay kaya napatango ako.

"Tay, sorry nga pala sa ginawa ko sainyo ni nanay. Nagsinungaling po ako sainyo." Nakayuko kong sabi at nahihiya ako kay tatay dahil sa ginawa ko sa kanila.

"Nangyari na anak, wag mo ng sisihin ang sarili mo."

"Pero tay, mahal ko po si Grayson." Sambit ko at tumingin kay tatay. Tila hindi naman ito nagulat sa sinabi ko kundi hinaplos niya ang buhok ko at ngumiti sa akin.

"Alam ko anak, sa mata mo palang nakikita ko ng mahal na mahal mo 'yong lalaking 'yon."

"O-Okay lang po ba sainyo?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"Okay lang sa akin anak, kung saan ka masaya susuportahan kita." Nakangiti nitong tugon kaya napangiti ako.

"Salamat tay!" Masaya kong sambit.

"Pero anak, magtira ka naman sa sarili mo, okay? Para hindi ka masyadong masaktan at ayokong nakikita kang ganon."

"Opo tay at malaki po ang tiwala ko kay Grayson na hindi niya po ako sasaktan. Mahal na mahal niya po ako." Masaya kong sabi sa kanya at masaya naman itong tumango sa akin.

Parang nabunutan na ako ng tinik sa dibdib ko dahil nakausap ko na si tatay at tanggap niya ang relasyon namin ni Grayson pero may isa pa akong problema. Si nanay. Kailangan ko siyang makausap tungkol kay Grayson at baka magbago ang isip non kapag naipaliwanag ko sa kanya ng maayos ang relasyon namin.

Kinabukasan, hindi ko ulit naabutan sila nanay dahil maaga sila sa palengke ngayon para iangkat ang mga naani nilang gulay kahapon. Kakausapin ko sana si nanay ngayong umaga pero hindi ko nga lang naabutan. Di bale nalang, kakausapin ko nalang si nanay pag-uwi ko mamaya.

Kasalukuyan kaming nasa 3rd subject ngayong umaga at ilang minuto nalang ay magti-time na para mag lunch ang mga estudyante dito.

"Don't forget your assignment and I will collect it on our next meeting, okay?" Paalala ni ma'am sa amin.

"Yes Ma'am," Sabay naming sabi. Sakto lang ng mag ring ang room namin hudyat na tapos na ang klase namin sa subject niya.

"Goodbye class! See you on our next meeting." Paalam ni ma'am at umalis na rin ito ng makapag-paalam na rin kami sa kanya.

Tumingin ako kay Leanne habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"Saan tayo kakain, Leanne?" Tanong ko sa kanya at sinukbit ko na ang bag ko sa balikat ng maayos ko na ang mga gamit ko.

"I'm sorry, Sariah. May lakad ako ngayong lunch eh." Malungkot nitong sabi.

"Anong lakad naman yan? Hindi ka ba kakain?" Usisa ko.

"K-Kakain lang kami sa labas." Nauutal nitong sabi kaya napakunot-noo ako.

"Kami?"

"Y-Yong m-mga p-pinsan ko." Agad nitong sabi pero naramdaman kong tila kinakabahan ito.

"Ahh.. Okay, sige kita nalang tayo mamaya." Nakangiti kong sabi at hindi na ako nag-usisa pa sa kanya. Parang may tinatago siya sa akin pero hindi ko magawang magtanong sa kanya dahil parang hindi pa ito ready na sabihin sa akin.

Nauna ng umalis si Leanne kaya mag-isa kong binabagtas ang daan papalabas sa department ko. Naisip kong sa labas nalang ako kakain para makatipid.

Napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.

Napangiti ako ng makitang si Grayson ang tumatawag at hindi ko mapigilang mamula ng maalala ang nangyari sa amin ni Grayson kahapon.

Napalunok ako at kinalma ko ang sarili ko bago ko ito sagutin.

"Hello"

"Hi, Sariah. Where are you now?" Tanong nito.

"Ahmm.. Nandito na ako sa labas ng department namin at malapit na ako sa gate. Bakit?"

"Oh.. It's good then we can eat together." Sambit nito at para akong na excite dahil magsasabay kaming kumain.

"Ahmm.. You are not busy?" Tanong ko dito baka makaabala pa ako sa trabaho niya.

"No, actually malapit na ako sa gate." Sabi nito kaya napabilis ako ng lakad dahil sa sinabi niya.

"Oh.. Really? Then wait for me. Malapit na ako."

"Okay babe," tugon nito at pinatay ko agad ang tawag. Hindi na ako nakapag-paalam sa kanya dahil nagmamadali na akong maglakad papalapit sa gate.

Gusto kong salubungin si Grayson sa may kanto yong walang masyadong estudyante dahil ayokong makita siya ng mga estudyante dito na magkasama kami.

Nang nasa labas na ako ay agad kong tinakbo ang kanto ng university namin at dito ako mag-aabang dahil dito dumadaan si Grayson.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan niya na papalapit kaya kumaway agad ako dahil baka hindi niya ako makita.

Agad niyang hininto ang sasakyan sa tabi ko ng makita niya ako.

"Why are you here?" Agad niyang tanong.

"Hinintay nalang kita dito para hindi kana pumunta sa university." Agad kong sabi at sumakay na ako sa kotse niya.

Napahinga naman ako ng malalim ng hindi na siya nag usisa pa at tumango na lamang.

Agad niya naman itong pinaandar ng masigurong maayos na akong nakasakay.

"Saan pala tayo kakain, Grayson?" Tanong ko dito at lumingon naman siya sa akin.

"Malapit lang dito para agad kang makabalik sa university."

"Ah.. Okay." Nakangiti Kong tugon at tinuon ko na lamang ang mata ko sa labas.

(A/N: Hi guys! Malapit na palang mag 1 yr. Itong story na ito and until now, hindi ko pa rin natatapos hahaha but anyways, ilang chapters nalang naman ang gagawin ko kaya hopefully, matatapos na 'to sa 1st anniversary ng story na ito. Thank you guys for supporting this story.)

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now