"Jusko, Bea!"

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinaplos ang tiyan ko.

"Gusto ko nang umalis."

Halos hindi ko na makilala ang sariling boses ko dahil sa sobrang paos. Ganito na talaga ang epekto kapag laging umiiyak. Ito na.

Umupo sa tabi ko si Annaliza at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang awa at lungkot. Siguro nalulungkot siya na ganito ang sinapit ko.

"B-Bakit ka kasi pumayag na magpakasal?" inis niyang tanong at pinunasan ang luha sa aking pisngi. "Kahit mahal na mahal mo 'yong tao, alam ko na darating ang panahon na mapapagod ka..."

"Ginawa ko naman ang lahat, mahalin niya lang ako." Yumuko ako. "I did everything pero wala pa rin. I was not enough," matabang kong sabi.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat para maharap siya.

"Bilib na bilib ako sa iyo kasi ang strong mo, Bea. Magsisisi rin iyang si Harry..." Umiling siya habang tinutulungan akong makatayo. "Magsisisi siya, Bea. At saka lang niya ma-realize ang importansya mo kapag wala ka na sa puder niya."

"Pero...ayaw ko nang bumalik." Umiling ako. "P-Pumirma na ako."

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang sinasabi ko iyon. Malaya na siya at magagawa na niya ang gusto niya. Hindi ko rin hahayaan na kukunin niya ang anak niya sa akin. Hindi ba ay gusto niya naman itong ipalaglag? Hayaan na lang niya ang bata sa akin.

Hinawakan ng mahigpit ni Annaliza ang kamay kong nanlalamig habang papalabas na kami sa terminal. Pumara pa kami ng taxi para makasakay kami.

"Bukas, sasamahan kita. Doon ka titira sa tiya ko. Tutulungan kita, ah? Huwag kang mag-alala. Nandito naman ako kahit medyo busy lang," aniya at nang huminto ang taxi na pinara niya ay pinauna niya akong sumakay bago siya.

Malas man ako sa pagmamahal, sa pamily at halos buong buhay ko, suwerte naman ako sa nag-iisang kaibigan ko. Marami na siyang nagawa sa akin at very supportive pa. Kasama ko siya sa lahat kasi pareho lang naman kami na hirap sa buhay. Pero kahit papaano, may nanay at tatay pa rin naman siya.

At talagang tinotoo niya ang kanyang pangako sa akin. Kinabukasan, maaga kaming bumyahe patungo sa probinsya. Hindi na bago sa akin kasi madalas din akong nagpupunta sa probinsya dati. Pero hindi ko pa napuntahan ang lugar na sinasabi ni Anna. Ang Badian.

"Ilang months na ang tiyan mo?" tanong ni Anna habang nasa biyahe kami.

Nagbaba ako ng tingin sa tiyan ko. "Five months..."

"Ninang ako, ah? Dadalasan ko ang pagdalaw sa iyo, promise!" Niyakap niya ang braso ko na siyang nagpangiti sa akin.

I wonder kung ano ang ginagawa ni Harry ngayon. Maybe he was now happy kasi hindi na niya ako makikita. Hindi na siya maiirita sa akin at wala na siyang masisigawan. Hindi na rin kailangang mag-adjust ng girlfriend niya kasi umalis na ako. Pero habang papalayo at papalayo ako sa kanya, mas lalo lamang sumikip ang dibdib ko.

Sobrang sakit na kaya niya akong bayaran, mawala lang ako sa buhay niya. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko siya kahit sobrang sama niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit mahal na mahal ko siya kahit wala naman siyang ibinigay na pagmamahal sa akin.

May ganito talaga na tao, 'no? At isa ako roon.

Tatlong oras ang byahe bago kami nakarating sa Matutinao, Badian. Hindi ko maiwasan ang mamangha dahil sa preskong hangin at dagat na malapit lang sa kalsada. Kitang-kita ko rin ang bulubundukin ng Negros.

"Sana narito siya ngayon kasi miss na miss ko na rin ang tiya ko na iyon," umaasa na sambit sa akin ni Anna habang naglalakad kami patungo sa bahay ng tiya niya. "Sure ako na masisiyahan siyang makilala ka. Wala kasi siyang anak at asawa kaya gano'n."

Ilang minuto lang ang nilakad namin bago kami nakarating sa isang mala-kubo style na bahay ngunit malinis ang paligid at punong-puno ng tanim ang gilid. Hindi ko akalain na kahit simple lang ng bahay, sobrang linis naman ng paligid.

"Tiya, tao po!" tawag ni Anna at binaba ang bag ko.

Sabay kaming napatalon sa gulat nang may biglang tumahol na aso at akmang lalapit sa amin ngunit hindi natuloy dahil tinawag ito ng kanyang amo na hindi pa katandaan na babae.

"Haru, behave!" saway ng babae na nasisiguro ko na tita ni Anna.

Nang mag-angat ng tingin sa amin ang babae ay nakita ko ang saya sa kanyang mukha.

"Anna!" Sinalubong niya si Anna ng yakap at nakipagbeso-beso pa. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.

"Tiya, miss na miss na kita."

"Ako rin..." Lumingon sa akin ang tiya ni Anna at nagbaba ng tingin sa tiyan ko. Hindi ko maiwasan ang mapalunok. "Ito na ba ang sinasabi mo kagabi, Anna, hija?"

Kita ko ang pagsuri niya sa kabuuan ko. Ngumiti siya kalaunan sa akin. Strikta lang ang kanyang mata pero kita ko ang genuine sa mga ngiti niya.

"Opo, tiya."

Hinila ako ni Anna para mapalapit sa tiya niya.

"Siya ang kaibigan ko po. Wala na po siyang mapupuntahan, tiya. Puwede bang dito muna siya?"

Agad-agad na tumango ang tiya ni Annaliza at tiningnan ako.

"Oo naman. Bakit naman hindi? Aba'y welcome kayo sa akin lalo ka na, hija." Ngumiti siya sa akin at saka tumalikod na. "Pumasok muna kayo sa loob. Pakakainin ko muna itong alagang aso ko."

Tinawag niya ang aso niyang masama pa rin ang tingin sa amin, lalo na sa akin.

Natawa naman si Anna at hinila na ako papasok.

"Huwag mong lilihian ang aso, ah? Baka maging aso anak mo." Humagikhik siya.

Nang nakapasok ay namangha ako sa ganda ng loob. Para lang siyang bahay kubo sa labas pero modernong-moderno ang loob.

Umupo ako sa mala-kawayan na upuan at saka napabuntonghininga.

"Anna, maraming salamat talaga..." Tumulo na naman ang luha sa aking mga mata. "Ang OA ko na. Halos walang araw na hindi ako umiiyak," ani ko sa sarili at pinunasan ang luha ko.

Malungkot na bumaling si Anna sa akin at nilapitan ako.

"Walang anuman. Huwag ka na maging malungkot. Gusto mo ba kulamin ko iyang babae ni Harry para hindi ka na iiyak?" biro niya at inayos ang buhok ko. "Bibisita ako rito kapag may oras ako kaya huwag kang malungkot diyan at mag-focus ka na lang sa anak mo, okay?"

Tumango ako.

Iyon nga ang pinagtuunan ko ng pansin. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust sa environment. Nahirapan ako kasi hanggang ngayon, naiisip ko pa rin siya. Kahit sobrang layo na niya sa akin ay hindi pa rin talaga siya mawala-wala sa isip at puso ko.

Sa mga buwang nagdaan, si Tiya Elena ang tanging tumulong sa akin bukod kay Annaliza. Hindi ko inaasahan na maging magkasundo kami at tinuturing ako na parang anak niya.

Maybe this peaceful province, I'll able to heal myself from the pain I've been through. Maybe running away from him makes me forget about him Maybe letting him go from my heart will also make me happy. 

---

A/N: People are wondering why ito bumalik. Nasa first page po. Basahin niyo doon. Hihi. By the way, please be patient. Hindi rin ito naging madali sa akin. I bring it back agad kasi maraming nagme-message sa akin. Thank you. 

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now