"May pera kami kaya hindi namin kailangan yang treat mo." Sabi ni Leanne at nauna na itong lumakad kaya nahihiyang lumingon ako kay Luis.

"Wag mo nalang siyang pansinin, ganon talaga yon."

"Okay lang, mabait naman 'yon si Leanne." Nakangiti nitong sabi at sabay na kaming lumakad at para mahabol namin si Leanne.

Nang makarating kami sa resto ay agad na kaming umorder dahil nagugutom na kaming tatlo at dalawang oras nalang ay magsisimula na ulit yong klase namin para ngayong hapon.

"Leanne, tutulungan kita mamaya since, last day nalang ng service mo ngayon sa school."

"Nakakahiya na sayo Luis, wag nalang."

"No it's okay---" naputol ang sasabihin nito ng magsalita si Leanne kaya napalingon kami sa kanya.

"Ako na yong tutulong sa kanya ngayon kaya hindi ka na namin kailangan." Masungit nitong sabi kaya pasimple ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa at mahina itong napa-aray.

"Sorry, Luis, siya na kasi yong tutulong sa akin at may lakad rin kami pagkatapos non kaya wag nalang. Salamat sa offer mo."

"Ah ganon ba, sige, okay lang naman sakin yon Sariah." Nakangiti nitong sabi at tumigil na kami ng dumating na ang pagkain namin at sinimulan na naming kumain.

Nang matapos na kaming kumain ay dumaan muna kami sa library dahil may tatapusin muna kami ni Leanne at humiwalay na sa amin si Luis dahil naghihintay rin sa kanya yong kaibigan niya. Habang pumipili ako ng librong babasahin ko ay nagsalita si Leanne.

"Hindi mo ba napapansin si Luis?" Tanong nito sa kanya kaya napakunot-noo ako sa tanong niya.

"Wala, bakit?" Nagtataka kong sabi.

"Parang may gusto sayo yong tao eh." Sagot nito na nagpatawa sa akin.

"Bakit ka tumatawa!?"

"Ano ka ba Leanne! Wala siyang gusto sa akin, okay? Kaibigan lang yong tingin niya sa akin kaya wag ka ng mag-isip diyan ng kung ano-ano kay Luis."

"Hindi eh, iba yong tingin niya sayo parang special."

"Leanne, tumigil kana."

"Bakit kasi hindi ka naniniwala? Bakit, sinabi ba niyang kaibigan yong turing niya sayo?" Tanong nito na nagpaisip sa akin. Wala naman siyang sinabi sa akin pero imposibleng may gusto yon sa akin. Ano ako maganda?

"W-Wala naman."

"Oh... Sinasabi ko na, may gusto sayo yon eh." Tumingin ako kay Leanne at hinila na siya para maupo kami.

"Tumigil kana Leanne, mag-aral na tayo." Pagpapatigil ko sa kanya kaya tumahimik na rin ito.

Napatingin ako kay Leanne ng dali-dali nitong pinasok ang gamit niya sa kanyang bag.

"Hindi halatang excited ka ha?" Natatawa kong sabi. Tapos na kasi yong klase namin ngayong hapon at didiretso na kami sa dean's office para doon mag-linis.

"Excited na akong gumala kasama ka hahaha..." Natatawang sabi nito.

"Wag tayong magpapagabi baka pagalitan pa tayo."

"Alam ko naman yon pero weekend naman bukas kaya sulitin na natin." Sabi nito kaya napapailing nalang ako sa sinasabi niya.

"Ano pang hinihintay mo? Tara na para matapos tayo agad." Napangiti ako sa pagmamadali nito.

"Ito na, excited ka masyado."

"Hayaan mo na ako." Nakangiti nitong sabi at hinila niya ako papalabas.

Nang makarating kami sa dean's office ay nagsimula na agad kami, wala naman masyadong aayusin dahil nakaorganize naman yong mga papeles ni ma'am. Nagwalis at nagpunas nalang kami ng mga display. Nang matapos na kaming maglinis ay agad na kaming nagpaalam kay ma'am.

Nabigla ako ng hinila ako ni Leanne at halos tumakbo na kami papunta sa parking lot. Ang layo pa naman.

"Leanne! Napapagod na 'ko!" Sabi ko sa kanya habang tumatakbo kami.

"Okay lang yan, exercise na rin hahha" wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya.
Humahangos kaming nakarating sa parking lot at halos hindi na ako makahinga dahil sa sobrang pagod.

"N-Nakakainis k-ka L-Leanne..."

"Hahaha sorry na, haist ang baho na natin."

"Kasalanan mo naman!"

"Oo ako na, excited lang naman ako." Sabi nito at nang makita na kami ni Manong ay nakita kong pumasok ito sa kotse at pinaandar. Nilapitan niya kami at pinagbuksan kami.

"Salamat manong!" Sabay naming sabi.

"Bakit tila pagod kayo?" Tanong ni manong kaya tumingin kami sa kanya.

"Kasalanan po ni Leanne, pinatakbo ako. Nakakapagod tuloy." Sumbong ko kay manong kaya napasimangot si Leanne. Tumawa ng bahagya si manong.

"Hays kayo talaga." Natatawang sabi ni manong at umikot na ito papunta sa driver seat.

"Manong, pupunta po kami sa grande mall, pwede niyo po ba kaming ihatid?"

"Oo naman, anong oras ko kayo susunduin?" Tanong ni manong habang nagmamaneho. Ako na sana ang sasagot ng biglang nagsalita si Leanne.

"Mga 8:00pm po manong."

"Sige, tawagan niyo nalang ako kapag magpapasundo na kayo."

"Okay po manong." Nakangiting sabi nito kaya siniko ko siya.

"Anong 8pm?"

"Ang aga pa nga non eh, anong gusto mo 10:00pm?"

"Ano ka ba Leanne--"

"Sige ayaw mo eh, manong 10---" naputol ang sasabihin nito ng tinakpan ko ang bibig niya at inis na tumingin sa kanya. Panalo na siya.

"Panalo kana, okay na sa akin yong 8:00pm." Naiinis kong sabi sa kanya at napangiti ito ng makitang inis na inis na ako sa kanya. Hindi ko rin mapagkakaila na excited na rin akong gumala kasama siya kasi ang tagal na naming hindi nakakalabas dahil nga sa sobrang busy namin kaya excited na ako kung ano ang gagawin namin ni Leanne. Gusto kong mag enjoy muna ngayon dahil alam kong sa mga susunod ay magiging busy na kami. Kumbaga ito lang yong nakita naming free time para gumala kaya susulitin na namin ang araw na ito.

The Possesive Man (Del Faurico Series#1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now